𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 5: 𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡✅

170 14 1
                                    

Chapter 5: 𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡

[𝐋𝐞𝐞 𝐏𝐎𝐕]

Nakarating na kami dito sa mansyon kaya agad akong tumakbo papuntang kwarto ko. Tatawagan ko muna ang fiance ko tiyak na galit siya. Kailangan kong makapag explain sa kaniya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag at agad na tinawagan ang mahal ko. Ang kaso ang tagal niyang sagutin. Busy kaya siya o ayaw niya lang sagutin ang tawag ko?

"Hello bakit ka napatawag akala ko busy ka?" galit na turan ng nasa kabilang linya.

"M-mike galit ka ba?" utal kong tanong sa kaniya.

" Tsk, sinong hindi magagalit Rose bigla-bigla ka na lang umaalis na walang paalam. Alam mo bang alalang-alala ako sayo akala ko may nangyari na sayo." wika nito

"Mike sorry na, kailangan ko kasing bumalik ka agad dito sa korea. Kailangan ako ng law firm. Sorry talaga" hingi kong tawad sa kaniya

"Hayst, ano pa nga ba ang magagawa ko. Nandiyan ka na hindi ko naman kayang magalit sa mahal ko ng matagal. Sana sa susunod magpaalam ka na" wika nito na ikina ngiti ko

"Mike wala ng susunod. Aayusin ko lang ang problema dito at pagbalik ako diyan hindi na ako aalis magsasama na tayo. Hindi ba yan ang gusto mo?" sagot ko sa kaniya

"R-rose t-totoo ba yan? Sigurado ka na ba diyan?" utal nitong tanong saakin

"Oo sigurado na ako, kaya huwag ka ng magalala. Pinaayos ko na kay tita Cynthia kung saan ang venue ng kasal at saang simbahan tayo ikakasal. Kaya ang gawin mo na lang maghintay sa pagbalik ko. Hindi mo na kailangang kumuha ng designer ng damit ko dahil dito na ako sa korea magpapagawa ng wedding gown. " mahaba kong paliwanag sa kaniya

"Rose sure ka na ba talaga? Baka ginagawa mo lang yan dahil kailangan mo lang bumawi saakin." He said

"I'm sure Mike, very sure kaya don't worry. Bibilisan kong ayusin ang problema dito sa law firm para makauwi na ako diyan." I said

"Rose alam mo bang ang saya ko ngayon. Nandito ang kuya mo nakikinig sa conversation natin." He said, what the! Bakit nandyan si kuya?

"Anong ginagawa ni kuya diyan?" gulat kong tanong

"Business partner kami Rose kaya nandito sa office ang kuya mo. Actually pinaguusapan din namin ang kasal kaya lang nauna kana, nakapag desisyon ka na kung saan gaganapin ang kasal kaya hindi na namin kailangang pagusapan yun." paliwanag nito

"Ah ganun ba, akala ko kung anong pinaguusapan ninyo." Turan ko

"Rose napanood ko sa news noong nakalapag ka na sa korean airport. Totoo ba yun? illegal ang law firm ninyo? At totoo bang sayo yang firm na yan? Paano nangyari?" sunod-sunod na tanong ni kuya. Oo ang kuya ko na ang nagsalita

"Kuya mali po yung akala nilang illegal ang law firm namin. Oo akin ang law firm, mahabang kwento kuya kung sasabihin ko sayo kung paano naging saakin ang firm. Paguwi ko na lang po." sabi ko sa kaniya

"Osige, magiingat ka Rose tiyak na maraming gustong patayin ka dahil sa nalaman nila. Alam mi namang maraming tao ang gustong kunin ang law firm mo." paalala nito saakin

"Opo kuya, sige na po kuya end ko na ito. May meeting pa kasi ako sa ibang prosecutor. Ingat kayo diyan kuya. Pasabi na lang kay Mike i love you" sabi ko sabay end ng call. Kailangan kong ayusin ka agad ang problema ng firm para makauwi na ako at makasama ko na ang mahal ko.

"Miss Lee dumating na po sila" tawag saakin ng butler ko sa labas ng kwarto

"Sige pakisabi pababa na ako." utos ko sa kaniya

Facebook Boyfriend (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon