Chapter One

3 1 0
                                    

Chapter One
♡ JeshShyl

(Akane's POV)

"Girl, may take-out tayo. Paki asikaso kay sir.."

Tumango lang rin ako sa katrabaho kong si Marc at pinuntahan na sa counter ang lalakeng naka tayo habang hinihintay makuha ang order niya.

"Hi sir. Ano pong order natin?" Ningitian ko siya at sabay kinuha ko ang papel na nasa aking bulsa.

"Wow! I thought you're a Japanese. Tagalog ka pala. Well, isang Cappucino latte at isang red velvet cake. Please take out lahat.."

Dali-dali ko namang sinulat sa papel ang order niya.

"Okay sir. Just for 5 minutes."

Tumango naman siya kaya tumalikod na ako at sinimulan nang gawan siya ng latte.

Napangiti nalang ako habang iniisip kung paano niya ako sinabihan na para akong hapon. In fairness, purong haponesa naman talaga ako. Kaya lang, dito na ako lumaki sa pinas simula nung naulila ako sa magulang. May nagsabing mag-aadopt sa akin noong grade 3 pa lamang ako kaso di ko alam kung bakit di natuloy.

Kumuha ako ng isang slice ng red velvet mula sa cake stand namin at saka ay nilagay na iyon sa isang styrofoam na hugis cake.

"Here's your order sir. Have a blessed day!"

Tumango lang siya at tumalikod na dala-dala ang supot na binigay ko sakanya.

Ngumiti lang din ako at saka ay pinuntahan na agad si Marc na busy rin sa pag-aassist nang ibang customer.

"Gurl, anong maitutulong ko?" Tanong ko sakanya.

"Ito yung mga additional orders gurl. Kunin mo nalang ito tsaka add mo sa payment nila ang additional.." Sabi niya sabay bigay nang isang papel saakin.

"Saang table ito?"

Lumingon naman siya sa mga kumakain saka itinuro yung may mga estudyanteng nakatambay.

"Okay.."

Dali-dali naman akong bumalik ulit sa may counter at ipinunch-in ang order na nasa papel. Nang matapos na ako ay saka ko na sinimulan ang paggawa nang mga orders nila. Di naman umabot nang pitong minuto ay natapos na ako.

Dala-dala ang table tray ay tinungo ko na ang lamesa na kung saan naka upo ang maraming estudyante.

"Hi. Here's your order maam and sir.."

Ngiting-ngiti ako habang nilalagay ang mga pagkain sa lamesa kaya naman ay ngumingiti rin ang mga huli sa akin.

Nang matapos ko na naman ito ay bumalik na ako sa counter dahil nakita ko si Marc na andun na at nakatayo.

"Ang hectic nang araw natin noh? Parang andami yata nang tao ngayon. Payday ba ng mga malalaking kompanya ngayon?" Tanong ko kay Marc habang pinupunas ko ng aking apron ang pawis na dumadaloy sa noo ko.

"Ay sinabi mo pa. Kinse kaya ngayon. Kaya payday! Mabuti pa sila ano?"

Tumango lang ako at binalikan ng tingin ang mga taong nasa cafe namin.

Halata sa kanilang lahat na may mga trabahong maayos at pera. Puro disente kung umayos. Hayst! Kailan pa kaya ako magiging ganyan?

"Sana alas-sais na. At nang makakapag sara na tayo. Hapong-hapo na katawan ko."

Tumawa lamang ako habang hinihilot ni Marc ang balakang niya. Sang-ayon naman ako sa sinabi niya. Talagang sobrang kapagod ang araw na to.

Mula kaninang ugma, dagsa na maraming tao. At kami lang dalawa ni Marc ang on-duty ngayon!

Blue MoonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora