Wish 3

1.2K 75 10
                                    


"No! You can't do that to us, Mr. Lirazan!" Naipukpok pa ni Kimberly ang nakakuyom na kamay sa center table.

"Ang Bellfree ang unang di tumupad sa usapan, Ms. Tejada," kalmadong pahayag ng CEO ng Philippine Central Bank. "Kung hindi niyo maibabalik ang inutang niyong pera, kukunin 'ko ang kompanya niyo."

Pakiramdam ng dalaga ay matutumba siya anumang oras sa narinig. Pinilit niyang magpakahinahon. "P-please Mr. Lirazan," binabaan niya ang boses. "Kaunting panahon lang ang hinihingi 'ko sa inyo. Siguradong mababayaran 'ko kayo sa loob ng limang buwan ng buong-buo kahit patungan niyo ng mas mataas na interes."

Ngumiti ang matanda pero hindi 'yon senyales ng positibong reaksiyon. "Financier ako ng malalaking kompanya at korporasyon, Ms. Tejada. Hindi lang ang Bellfree ang nangangailangan ng puhunan sa negosyo. Di ako sumusugal sa di sigurado kaya nga nanghihingi kami ng kolateral sa bawat transaksiyon namin. Kung pagbibigyan kita, pagbibigyan 'ko rin dapat ang lahat ng kapareho ng sitwasyon niyo. Hindi 'ko lang pinatutulog ang pera sa kahadiyero. Lumalakad 'yon. Umiikot. The money couldn't be stuck or else magma-malfunction ang sirkulo at ang banko 'ko ang maaapektuhan. Pasensiya na ngunit 'kung hindi niyo maibabalik ang pera sa loob ng dalawang linggo, mawawala sa pamamahala niyo ang Bellfree." Tumayo ito mula sa pagkakadekuwatro sa couch. "Good day, Ms. Tejada. I still have an appointment." Tumingin ito sa general manager na nakatayo sa isang tabi. "Mr. Osmeña, show her the way out."

"Yes, Sir." Akmang lalapitan siya nito pero maagap siyang nakatayo at pinigilan sa braso ang CEO. "Pakiusap Mr. Lirazan. Alam niyong may isang salita ako. Bellfree is a productive company at its peak, Sir. Malinis at pulido kaming magtrabaho. Malaki ang tiwala ng mga investors sa amin dahil lahat ng hinawakan naming proyekto, naglabas ng mga magagandang resulta. Di puwedeng mabalewala lang ang lahat dahil sa kasalanan at pagkagahaman ng isang tao. Maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho."

Muling tumingin ito sa kanya. Mataman at nang-aarok ang naniningkit na mga mata. "Sa loob ng ilang taon, ang isang troubleshooter na gaya mo ang nagpalawig ng tiwala 'ko sa Bellfree. Your father is one of the best businessmen in this country. But your brother wasn't really convincing that's why I had my doubts when he stood as the acting president two months ago. Pero dahil sa ikaw pa rin ang nakikipag-usap sa'kin, naniwala ako Ms. Tejada."

"Kaya nga gusto 'kong maniwala kayo sa'kin hanggang sa huli. Mark my words that I would do whatever it takes to save my family's company. Alam niyo kung gaano katigas ang ulo 'ko at gaano 'ko kadeterminado. You can dismiss me now but this won't be our last discussion. Babalik at babalik ako hanggang sa pumayag kayo. Hanggang sa makita niyo na may silbi ang mga sinasabi 'ko. You're not wasting your time and money with us, Mr. Lirazan. Bellfree is one of your potential sources of income. Kung mawawala ang kompanya, mawawalan din kayo. I'm not asking for sympathy or charity. What I'm asking is a little bit of time for both of our business to benefit."

Tinitigan siya nito ng matagal. Pamaya-maya pa ay tumawa ito. "Alright, you got my attention, Ms. Tejada. Please go back on your seat and we could talk over another matter."

Another matter? Her forehead creased but she still obeyed the old man. Umupo rin ito sa dating puwesto at sinenyasan si Mr. Osmeña. "I will give you a deal." Ibinigay sa kanya ng general manager ang folder na kinuha nito sa desk ng CEO.

Nagtatakang binuklat niya 'yon. Mga larawan ang naroon. Isang civic na mistulang resort ang dating dahil napapaligiran ng naghahalong asul at berdeng tubig ang malawak na landscape.

"Isa 'yang heritage town sa Bataan. Azur de Verano kung tawagin ng mga dating nagmamay-aring Kastila."

Umangat ang mukha niya kay Mr. Lirazan. Nagtatanong ang ekspresyon.

One Hundred Ways to His Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now