The Visuals Charisma

6 2 0
                                    

" So Luis ipapakilala kita sa mga kasamahan ko sa grupo. " Tugon ni Dexie

" Salamat ahh. At tiyaka di ba nakakahiya sa kanila? "

" Asus wag ka ngang mahiya. Halika na at ipapakilala kita kay Zoie. Wala pa kasi yung ibang miyembro kaya siya na lang muna. Busy pa yung iba."

Zoie Lavender Mackenzie!!!

" Hindi ba snob yun? Baka sungitan lang ako nun. "

" Hindi ahhh. Ang bait kaya ni Zoie at friendly din yun kagaya ko. Kaso nga lang mahiyain. " Pagdepensa niya sa kaibigan

" Ahhh O-okay. Defensive masyado ahh. HAHAHA" sagot ko sa tugon niya.

" Halika ka na nga. Nagpapractice yun ng sayaw."

~

" Zoie meet Luis, Luis meet Zoie."

" You can call me Luis or Sean " panimula ko sabay abot ng kamay ko.

" Hello Sean, nice name. And It's nice to meet you. " Nakipag-shake hands siya sakin sabay ngiti.

Naku! Ang ganda talaga ng babaeng tuhh. Ang lakas ng dating. Lakas ng charisma.

" It's my pleasure. " Sabi ko sabay smile.

" Naikuwento na din sakin ni Dexie ang lahat kaya wag ka ng mahiya samin. " Tugon niya habang nagpupunas ng pawis sa mukha.

" Don't worry Sean I'll work hard para maturuan ka kung ano ang mga dapat gawin. " Dagdag pa niya sabay ngiti.

Tama na! Wag ka ng ngumiti. Magmumukha akong tanga dito titig na titig sayo.

" Sean? Sean? Nakikinig ka ba? "

Oh snap.

" Huh, ano nga ulit yun? "

" Ang Sabi ko wag kang mag-alala tutulungan ka din namin. Magkakasama tayo for a whole month. Kailangan din Kasi naming magpractice para sa presentation namin representing the school. " Sagot ni Dexie

" Ahh okay salamat ahhh. "

" Ano ba kasi iniisip mo at para kang temang diyan na nakangiti." Natatawang tanong ni Dexie. Pati si Zoie pinipigilan yung tawa niya.

" Wala ahhhh. May naalala lang ako. " Pagdepensa ko

" Oh okay sabi mo ehhh " sagot ni Zoie.

Takte! Ako, nakangiti? Hindi ahh!

Pagkatapos nung tagpo na yun ay agad akong umuwi kasi napagod din ako sa kadaldalan ng mga kaklase ko. Grabe dami nilang tanong.


Pagkadating na pagkadating ko sa bahay ay agad akong nag shower para makapagpalit na ng damit. Pagkatapos nun ay bumaba nako para kumain ng hapunan. Pero hindi pa pala Luto yung niluluto ni manang.


Napagpasyahan ko na mag Instagram nalang muna habang nag-aantay sa niluluto ni manang. Habang pa scroll scroll Lang ako. Biglang may lumabas na notif na may nag follow daw. It was Dexie Lein. Finollow back ko siya siyempre. Naalala ko tuloy si Zoie kaya sinearch ko siya sa IG. Zoie Lavender Mackenzie.


Zoie Lavender Mackenzie. This girl has 4.6M followers on IG and followed 4 person only. Grabe famous talaga! Siyempre stinalk ko siya. May bago siyang post. Actually 1 hour ago palang. Pero Yung reacts 73k na. She's wearing a high-waisted shorts and and black tube paired with white sneakers. Naks sexyyy. Of course finollow ko siya sa IG. 


Siguro iniisip niyo kung ilan yung followers ko. Actually na schock din ako. Kasi kahapon 308k lang yung followers ko pero nang dahil sa nangyari kanina naging 313k yung followers ko. Bakit ko ba sinasabi followers ko. Tchh.


*


" Hi Dex! Hi Zoie! " Bati ko sa kanila.

" Anong gagawin natin ngayon? " Tanong ko sa kanila.

" Ahh ngayon wala pa tayong gagawin. Monday pa tayo magsisimula. Ngayon makikilala mo si Mary. " Sagot ni Dexie.

" Ahhh okay. Oh nga pala Zoie may tanong ako. " Nahihiya kong sambit.

" Ano yun Sean? " Tanong ni Zoie sakin.

" Model ka ba, artista or something? Kasi ang famous mo ehh. " Tanong ko sa kanya

" Luhh di mo Alam. Model Yan sa US. Siya yung nasa TQ magazine at nabalita yun sa tv nung Sunday evening. Di mo ba nabalitaan? Walang tv sa inyo? Siya yung kauna-unahang asian na nag front cover ng TQ. Not to mention that she's just 17.  Paliwanag ni Dexie.

" Hala siya pala yun. Kaya pala. Grabe Zoie pa autograph naman. Pabiro kung sambit kaya natawa lang sila.

" Haha ikaw naman Sean. Nakita ko kagabi na finollow mo ko so I follow you back. "

Hala Seryoso?! Grabe finollow niya talaga ako!

" Wassup Charmingssss " singit ng isang babae.

Nilingon namin Kung sino yung nagsalita malapit sa pinto. Naglalakad siya patungo sa direksiyon namin. Siya ata si Mary.

" Hi Blythe. " Bati nina Dexie at Zoie sa kanya.

" So Blythe siya si Luis and Luis siya si Blythe. " pag introduce naman ni Dexie sa kaibigan.

So tama nga ako, siya si Mary. Salamat sa lalaki na nag explain kung sino si sino.

The Charm's LoveWhere stories live. Discover now