Kabanata 8

1.8K 120 11
                                    

MAURICE

Naalimpungatan ako nang marinig ang malakas na tunog ng alarm mula sa'king cellphone. Kinuha ko mula sa mesa ang cellphone ko para patayin ang ingay na nagmumula rito. Bumangon ako sa'king kama at sinuot ang sapin sa paa.

Papikit-pikit pa ang mata kong pumunta sa banyo para maghilamos.

Tumingin ako sa salamin at nakipagtitigan sa dalawang magagandang pares ng mata.

"Ano nga ba 'yung napanaginipan ko?" Wala sa sariling tanong ko.

Alam kong may napanaginipan ako pero hindi ko lang talaga maalala. Gustong-gusto kong malaman kung ano 'yun pero nananakit lang ang ulo ko sa kakaisip.

I have this gut feeling na parang mahalagang parte iyong ng pagkatao ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago tuluyang hinubad ang lahat ng saplot ko sa katawan upang maligo.

Habang nag-aayos ng sarili ay hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kahapon.

Pagkatapos madala ni Daniel sa hospital ay pinasuspinde na lahat ng klase. Hindi ko na nga nakita pa sina Briece, Neron at Shai simula ng umalis sila sa cafeteria.

Hindi na rin ako pumasok sa Coffee Shop dahil sa nangyari.

Natapos ako ng pag-aayos sa sarili. Bumaba ako mula sa kwarto ko at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal. Dadamihan ko na rin para may maibigay ako kay Daniel kapag bumisita ako sa kanya mamaya.

Napatigil ako sa pagpapalaman ng tinapay ng makarinig ng mahinang pagkatok sa pintuan ng apartment. Kaagad namang napakunot ang noo ko.

Sino naman kaya ang kakatok ng alas-kwatro ng umaga?

Itinigil ko ang ginagawa ko at lumapit sa pintuan para buksan.

"M-Maurice."

Nagulat ako ng bumungad sa'kin si Briece. Nakasuot pa rin siya ng pantulog at halatang galing sa mahabang takbuhan dahil sa pawis at gulo ng buhok niya.

Kaagad niya akong niyakap at humagulhol sa balikat ko. Ipinatong ko naman ang kamay ko sa likod niya at dahan-dahang hinaplos para pakalmahin siya.

"Pasok tayo sa loob," anyaya ko bago ko sinara ang pinto.

Pinaupo ko siya sa sofa bago kumuha ng tubig sa ref.

"Ito, o. Inom ka muna," kinuha naman niya ang tubig at inubos kaagad ang laman nu'n.

Umupo ako sa tabi niya. "Sorry, ha. At naabala pa kita," aniya.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Ayos lang," sagot ko dito.

"S-Salamat."

Isang mahabang katahimikan ang nangyari sa'ming dalawa bago niya iyon pinutol.

"I'm sorry kung tumakbo ako kahapon. Nakokonsensya talaga ako kaya 'di ko na matiis na puntahan ka. Hindi ako makatulog."

"Briece, alam naman naming may dahilan ka, e. Kaya 'wag ka ng makonsensya."

Lumandas ang lungkot sa mga mata niya. "I'm sorry, naging duwag ako."

The Odds Against Us Where stories live. Discover now