Jealousy

7 0 0
                                    

If you don't like me I'm cool with that, just don't pretend that you do...

Nakakainis ang pakiramdam na nakikita mo syang masaya at ibang tao ang nakakagawa nun sa kanya. Bakit ba kasi hirap ng sitwasyon. Hindi mo naman intended na mahulog sa kanya. Ang masakit is kahit anong gawin mo, kaibigan lang talaga ang turing nya sayo.

Pinilit ni Krisha na iwaksi sa isipan ang mga narinig. Nakompirma din nya kay Rian na nagdate nga daw ang dalawa at palagi daw nakababad sa computer si Dave at kausap ang kanyang Happiness.

Bitter ba kung bitter pero anong magagawa nya iyon ang pakiramdam nta at ayaw nya naman plastikin ang sarili. Bihira din sila ngayon makapag usap ni Dave dahil sa nagbago na ang schedule nya sa work. Kung magkita man sila sa apartment ay kaunting usapan lang ngunit di naman ito nagkukwento about kay Nicole. Parang naging busy din ito.

Namimiss nya na yung mga panahong palagi silang magkasama at nag uusap ng tungkol sa ibat ibang bagay. Nag-aya si Nicole na magbonding daw silang tatlo ni Rian. Nagpapasundo pa ito sa may sakayan dahil di daw maalala ang daan papunta sa lugar nila.

"Hmp! ano ba naman yang si Nicole kahit kelan paimportante". banas na sabi ni Rian. "Samahan mo nga ako gurl baka mabatukan ko pa yun"

"Bakit di ba sya marunong bumiyahe? Saka its not the first time na pupunta sya dito. Kakadating lang natin from work, we deserve to rest naman. -aniya

"Grrr...asar talaga. txt ko nga at instruct ko nalang. Badtrip talaga yung babaemg yun. -Rian

Pumikit muna sya habang nakahiga sa kama. Nagising sya ng may dumating. Andun na si Nicole na panay reklamo.

"Di nyo man lang ako sinundo? Anu ba yan! -Nicole

"Ano ka ba gurl pagod din kaya kami at kakarating lang ng bahay sana kasi nagpapasabi la ng maaga. Kumain ka na ba? -Rian ulit

"Nope." sabay iling ng ulo nito.

"Sabay na kayo ni Krisha. Natulog lang din yan eh. Dun  ba kayo sa Tapsi kumain." sabi ni Rian.

Tumayo na si Krisha at bumaba para maghilamos at mag ayos ng sarili. Matapos ay inaya nya na lumabas si Nicole.

"Uhm krisha si Dave nga pala?tanong nito

Nagkibit balikat sya. "Ewan. Baka nasa work pa. Bakit di ba kayo magkatext? Di ba lagi layo magkausap nun? balik tanong nya.

"Kaninang umaga oo magkausap kami. Ang kulit nga nun eh, Happiness ba naman tawag sa akin. hihihi." kinikilig pa nitong sabi.

Napangiwi nalang sya sa narinig. Masakit pala kung sa kanya mo mismo maririnig.

Nang makarating sila sa kainan binanggit ni Nicole ang planl nya na mangupahan at umalis sa bahay ng magulang. Tinanong din sya kung may bakante pa sa kanila. Napaismid sya sa sinabi nito. " If I know gusto mo lang na makasama si Dave palagi eh" aniya sa isip. Marami pa itong sinabi.

"Maganda yang plano mo para naman makapagpahinga ako ng mabuti pag gabi paea ikaw na aayain nya kumain sa labas at mag stroll" sabi nya.

"Eh?Ayoko nga mag stroll. Nakakapagod kaya yun.-Nicole.

"Mahilig mag stroll pag gabi si Dave. Saka bonding nyo na din yun."aniya.

"Ayaw ko nga ng naglalakad. Pagpapawisan lang ako nun." dismayado nitong sabi.

"Eh kung ayaw mo mag lakad, eh di gumapang ka habang sya naglakad! aniya sabay tawa.

"Sira! hahaha" natatawa din nitong sabi.

Nalakainis kainisan yung taong parang balewala lang ang mga sinabi mo sa kanya. "Uhg, kainis naman. She didnt take it seriously. Ang maldita ko talaga  Me and my big mouth". bulong nya sa sarili.

Matapos kumain ay umuwi na sila. Naduon na ang mga boys sa bahay. As usual nag tanguan lng sila ni Dave. Do nya ito masyado tiningnan at baka may mahalata pa ito sa kanya. Naging masaya ang mga ito at inumpisahan na ang session " Inuman". Nang malasing na ang lahat at nakatulog na sila Rian at Nicole sa taas maging sila Joshua Kyla at Jerome ay bumaba si Krisha para mag toothbrush. Nasa dulo ng hagdan si Dave at nakatayo.

"Namimiss na kita kausap Krish! nakangiting sabi nito.

"Youre always busy eh and so I am." sabi nya at dumiretso sa lababo.

Naramdaman nyang lumapit ito sa kinaroroonan nya at nagsalita ulit.

"Kung gusto natin may time naman eh. Saka bakit parang ang init ng ulo mo ngayon? Pansin ko rin lagi mp binabara si Nicole." pahayag nito.

"Sanay na kami na nag-ookrayang tatlo. Wala sa amin yun." aniya.

Bumuntong hininga ito. "Hindi eh  parang may kakaiba."

Nag init ang ulo nya sa pangungulit nito. "At ano gusto mo sabihin? Na ang sama sama ko at pinagtritripan ko sya? I dont have time on this nonsense.-sabi nya at tinalikuran ito.

"Im not saying like that-" di na nito natuloy ang sasabihin dahil nilayasan na nya ito.

Nakakainis! Nakakaramdam na siguro sya. Ayaw nya makipagtalo sa lalaki at mali na bulyawan nya rin ito. Shes being hard on him. Clouded ng selos ang pakiramdam nya kaya siguro ganun. Magsosorry nalang siguro sya bukas. At pimikit na nya ang mata matapos mahiga sa tabi ni Rian.

The so-called Best FriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang