PROLOGUE

34 0 1
                                    

Alas-dose ng madaling-araw.

Hirap na makatulog ang magsasakang si Mang Roberto sa kanyang kubo. Ilang beses siyang napapabalikwas sa hinihigaan niyang banig. Panay din ang paypay niya sa sarili gamit ang luma niyang abaniko. Bakit pa nasira yung bentilador, asar niyang bulong. Kung kailan tag-init. Buwiset.

Dahil tuluyan na siyang nawalang ng antok ay inis na bumangon si Mang Roberto at sinuot ang butas-butas niyang sando. Dinukot niya ang kaha ng sigarilyo sa kanyang bulsa, nagisndi ng isang yosi. Dala ang flashlight, lumabas siya ng kubo upang magpahangin.

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang paninigarilyo nang...

AHHHHHHHH!!!

Umalingawngaw ang isang sigaw na bumasag sa katahimikan ng gabi. Luminga-linga si Mang Roberto. Itinutok niya ang flashlight sa kadiliman ng gabing bumabalot sa paligid niya, hinahanap ang pinagmulan ng ingay.

Ilang saglit pa'y huni ng mga kuliglig na lamang ang kanyang naririnig.

"Mga barumbado lang siguro," bulong na lamang niya sa sarili upang mapawi ang takot. Muli siyang bumalik sa paninigarilyo, pero nanatiling alerto sa anumang panganib.

Hindi pa lumilipas ang isang minuto nang maaninaw niya ang isang bulto ng tao na humahangos papunta sa direksyon ng kubo niya. Agad itinutok ni Mang Roberto ang flashlight sa direksyong iyon.

"Mang Roberto! Mang Roberto!" tawag nito sa kaniya.

Sinalubong ni Roberto ang lalaki, na hawak ang kaliwang braso. Umaagos ang isang malapot at malansang likido mula doon. Bakas din sa mukha nito ang matinding sakit.

"Ramon? Anong nangyari sa'yo?" puno ng pangambang wika niya. Nasalo pa niya si Ramon bago ito bumagsak sa lupa. Inalalayan niya ang lalaki papunta sa kusina ng kanyang kubo.

Sinindihan ni Mang Roberto ang lampara upang masuri ang lagay ng kaibigan. "Susmaryosep! Anong nangyari?" bulalas ni Roberto nang makita ang sugat sa braso ni Ramon. Hindi lang kasi ito basta sugat lamang, kundi ay isang malaking kagat! Namumutla na rin si Ramon dahil sa dami ng dugong unti-unting nawawala sa kanya. Hindi na rin ito makausap ni Mang Roberto. Nakatungo na lamang sa mesa si Ramon.

Umakyat si Mang Roberto upang kumuha ng panlinis at gamot sa sugat ng kaibigan. Ngunit nang kanyang balikan si Ramon ay nakatayo na 'to, nakatalikod sa kanya. Kinutuban nang masama si Mang Roberto, pero di niya mawari kung bakit.

"Ramon, kung maaari ay umupo ka muna dahil malala ang sugat mo," sabi ni Mang Roberto. Hindi lumingon ang kanyang kausap. Tila ba'y wala itong narinig.

Nilapitan ni Mang Roberto si Ramon. "Umupo ka muna sabi eh...SUSMARYOSEP!"

Nabitawan ni Mang Roberto ang mga dalang panlinis ng sugat ng makita ang itsura ni Ramon.

Puro puti na ang mata nito, parehong nanlilisik na nakatingin kay Mang Roberto. Tumutulo ang naghalong laway at dugo mula sa bibig nito hanggang sa suot na T-shirt.

Napaatras si Mang Roberto sa takot. Walang anu-ano'y dumamba sa kanya si Ramon, dahilan upang pareho silang matumba. Hindi na nakahuma pa si Mang Roberto sa sunod-sunod na pag-atake ni Ramon.

Sinunggaban ni Ramon ang braso ni Mang Roberto. Kitang-kita ng matanda ang pagkagat nito sa braso niya. "Ramon! Tumigil ka na! Tumi...AHHHHHHHH!"

Isang malaking tumpok ng laman ang hiniklas ni Ramon mula sa braso. Nanlaki ang mga mata ni Mang Roberto habang nginunguya ang kagat na laman. Gamit ang natitirang lakas ay tinadyakan niya ang lalaki palayo sa kanya. Pilit niyang itinayo ang sarili at hinablot ang itak na nakasabit sa dingding.

Saktong pagkahablot niya sa itak ay sumugod sa kanya si Ramon. Ubod-lakas niyang iniunday ang itak. Nasapul niya si Ramon sa pisngi.  Ngunit tila pa'y mas lalong nagalit si Ramon at muling sumugod. Sa pagkakataong ito ay pinatamaan na niya sa leeg ang itak.

TSAK!

Lumipad ang ulo ni Ramon sa lakas ng pagkakaputol ni Mang Roberto. Dumaloy ang masaganang dugo mula sa putol na leeg nito.

Nanghihinang tumayo si Mang Roberto, ngunit agad siyang napahinto nang mahagip ng mga mata niya ang isang bulto ng tao na nakatayo sa labas. "Tulungan...niyo...ako..." wika niya, pasuray-suray na lumapit sa taong nasa labas.

Hindi pa man tuluyang nakakalapit si Mang Roberto ay itinaas ng misteryosong lalaki ang kanyang baril. Ilang segundo pa'y umalingawngaw ang putok ng baril sa kadiliman ng gabi. Bumulagta sa paanan ng lalaki ang walang buhay na katawan ni Mang Roberto.

Tumunog ang dalang cellphone ng lalaki, Agad niya itong sinagot.

"Where the f*ck are you? I-aactivate ko na sana 'tong signal jammer pero naisipan kong tawagan muna kita," sermon ng nasa kabilang linya.

"I'll get out now. Tiningnan ko lang kung gaano kabagsik ang virus," wika ng lalaki.

"You're stupid. You're gonna kill yourself."

"Ibahin mo 'ko," pagmamayabang niya. "Based on what I had just witnessed,  things are going to get f*cking bloody real quick. You'll love it."

************************************

Author's Note:


Hey guys! I'm back! As promised last year, here's the second story to "The Outbreak" series. Yup, I have long decided that this will be a book series.


So I hope, tumutok kayo. I'll do my best to update as soon as I can. Yun lang and have a nice day :)


BANG BANG!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Outbreak: Live 2 DieWhere stories live. Discover now