Black X-1: Weird girl Appear

158K 2.4K 116
                                    

Narration:

Dalawang grupo nang mga Gangster ang nagkakasagupaan sa isang madilim na eskinita malayo sa mga inosenteng tao at ang bawat isa may dalang kanya kanyang sandata panglaban tulad na lamang ng baseball bat, baril at kutsilyo

"Hanggang ngayon ba naman ay iniisip mong matatalo mo kami?" seryosong pagkakasabi ng isang lalaking kung titignan ay halatang sanay na sanay na sa pakikipaglaban

"Hinding hindi ako titigil hanggat hindi kita napapatumba" medyo pikong sagot ng kalaban rin nitong lalaki

"kung ganun, hindi rin ako titigil na mulit muling iparamdam saiyo ang pakiramdam ng pagiging talunan" pang aasar ng lalaki

Dahil na rin sa tila sabik na sabik na silang umpisahan ang laban,maging kanilang mga miyembro, ay agad nilang itinutok sa isat isa ang hawak nilang baril senyales na umpisahan na ang laban, agad na kinalabit ng kanina pang pikon na lalaki ang kanyang baril ngunit agad itong naiwasan ng kanyang kalaban at agad ring sumunod sa pagpapaputok sa kanya

pinatamaan nito ang hawak niyang baril kaya naman nabitawan niya ito at napunta malayo sa kanya, muli siyang napatingin sa kalaban na kasalukuyang nakatutok sa kanya ang hawak nitong baril, ngunit agad din nitong ibinaba ang hawak na baril at itinago sa kanyang suot na leather jacket

" Bibigyan kita ng pagkakataong makalaban, maglaban tayo gamit ang pisikal nating lakas" sabi ng lalaki matapos maitago ang baril

hindi na nag aksaya pa nang panahon ang lalaki nang maitago na ng kalaban ang hawak na baril dahil agad niya itong sinugod, ngunit kung gaano ito kagaling sa pag iwas sa bala ng baril ay siya ring galing nito para iwasan ang mga suntok niya

Hindi niya man lang matamaan ng kahit isang suntok ang lalaki samantalang siya ay bugbog na bugbog na ang mukha sa pagsalo ng mga suntok nito

" wala ka paring pinagbago, mahina ka parin" susugod na sanang muli ang lalaki ng biglang

"whooooooooooooooo!!!ayan na, Finale na. Sapakin mo na yan ng matuluyan"

sigaw ng isang hindi pamilyar na babae, kitang kita sa mukha nito ang tuwa sa mga nagaganap, walang bakas ng takot o kaba! Maganda ang babae, nakasuot ito ng itim na maikling short at itim rin na damit kaya naman mas lalong nangibabaw ang kaputian niya

Napatigil sa pagbabadyang pagsuntok ang lalaki at ganun din ang iba pa dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot ng misteryosong babae

"oh ba't ka tumigil, pamutol ka naman ng excitement ano ba yan" pagtataka ng babae na tila ba disappointed pa sa pagtigil ng lalaki

"upakan mo na dali!!!" pangungulit niya muli rito

" Who are you? What are you doing here?" gulat na tanong ng lalaking susuntok na sana

" nanunuod sainyo natural! mukha bang may iba pa akong ginagawa? sapakin mo na yan dali" tila ba naexcite muli ito ng sabihing sapakin ng muli ang lalaki

isang babae mula sa grupo nang natatalo nang lalaki ang tila pikon dahil sa biglaang pagsulpot ng misteryosong babae kaya naman nilapitan niya ito at inakbayan habang pinapaikot ang isang dagger sa kanyang daliri

" Bilib din naman ako sayo no, paano mong nagawang pumunta rito sa gitna ng laban?" sabi nito

"hindi kaba natatakot saamin?" dugtong pa ng babae na tila ba ay nagmamayabang na

ngunit, iba sa inaasahan nila ang naging sagot ng magandang babae

" hindi! Ba't naman ako matatakot sainyo , ang weak weak niyo!!! tyaka silang dalawa ang pinapanuod ko so its none of your business" tinuro pa nito ang dalawang lalaki na kasalukuyang tulala parin sa pagsulpot niya

mula naman sa pagkakangisi ay napalitan ng pagkapikon ang mukha ng babae sa tinuran ng dalaga kaya inalis niya ang pagkakaakbay dito at sasaksakin sana nang hawak niyang dagger ngunit namalayan niya nalang na hindi na gumagalaw ang kamay niya dahil sa higpit na pagkakahawak ng dalaga

pinipilit niyang tanggalin ang kamay niya sa pagkakahawak ng dalaga ngunit hindi niya ito mabawi hanggat sa mabitawan niya na ang hawak na dagger, nang maramdaman niyang lumuwag na ang pagkakahawak ng dalaga sa kanyang kamay ay agad siyang tumalon paatras para makalayo sa babae at para narin makabuwelo







kumuha siya ng tatlong dagger at agad na ibinato sa dalaga, kasabay nito ang pag ngisi niya



Imastersun

Black- X(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon