chapter one

146 3 0
                                    

Kristina POV

Nandito ako sa labas ng school nakatingin sa kabuuan ng school namin.

"Uy! Bes anong gawa mo diyan?" Napapitlag ako ng may nag salita sa tabi ko tinignan ko siya na nakatingin sa tinitignan ko kanina.

"Lilian naman lagi kang panira ng moment" sabi ko habang nag pa padyak kainis talaga ang bestfriend ko laging wrong timing.

"Kasi naman bes kung makatingin ka kala mo ngayun ka lang naka kita ng school" inirpan ko na lang siya sa sinabi niya at nag lakad na papasok.

"Bes kita mo yung lalaking yun? Ang gwapo no" na patingin ako sa nginu nguso ni lilian.'Oo nga gwapo siya kahit mahirap siya habulin parin ng mga babae' naka upo yung lalaki sa isang bench at parang may hinahanap. Napatingin ang lalaki sa gawi namin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Nag patuloy ako sa pag lalakad at di na pinansin si lilian.

Ng makapasok ako sa room ko ay agad nag si tinginan ang mga kaklase kong lalaki sa gawi ko.
Tsk lagi naman ganto tuwing papasok ako sa room lahat sila na katingin sa akin.

"Kristina dito ka upo tabi tayo" sabi ng kaklase kong lalaki habang na kangiti

"Kristina dito oh may space pa!" Sabi naman ng isa ko pang kaklase na lalaki at sabay kindat.

"KRISTINA" napalingon ako sa dulo at nakita ko don si clarke na papalapit sa akin.
Agad niyang kinuha ang bag ko at hinawakan ang kamay ko.
"Diba sabi ko na lagi kang tatabi sa akin" napatango ako sa sinabi niya. siya si clake my future husband siya yung tipong gusto kong pakasalan hindi lang siya gwapo napakayaman niya pa.

Nang makaupo ako sa tabi niya ay agad din na pumasok ang advisor namin.

"Ok class" na pagbagsak ang mga balikat ko. Katamad talagang mag turo ng mga teacher.

Madami ang pinag sa sabi ng advisor namin tungkol sa morning sickness ng mga buntis
At pinasulat kami ng madami. Nang mag bell na dumaretsyo kami sa cafeteria kasama si Clarke at na abutan ko don si lilian na naka upo.

"Bes hindi mo man lang ako hinintay" sabi ko at umupo na sa harapan niya at tumabi din sa akin si clarke

"May kina usap lang ako. Bakit ka nandito" napa lingon si lilian kay Clarke. Yeah! Matagal ng kina iinisan ni lilian si clarke dahil nga sa gangster siya sa university at ang mga tropa din nito. lagi lagi silang may binubugbog. hindi din sila mapa kick out dito dahil sa pag bayad nilang malaki sa may aring school na ito. Pero hindi alam ni lilian na may relation kami ni clarke. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at kay clarke na parang nag tatanong kung may relation kaming dalawa.
Napatango tango ako bago nag salita.

"Yap! Kami na ni clarke" sabi ko matagal tagal na din kami ni clarke hindi ko lang masabi kay lilian dahil alam kong galit siya dito at baka mapatay niya pa ang lalaking ito. Una non niligawan niya ako at hindi tinatantanan hanggang hindi ako omo oh ako sinagot ko siya dahil sa ka kulitan niya.
Nag kibitbalikat na lang si lilian at nag patuloy sa pag kain.

"Bes alam mo yung lalaking iyon" pag ngudo ni lilian sa akin napatingin ako sa likod ko at nakita ko don yung lalaki na nakaupo kanina sa bench. Kumakain ito at nakaharap sa direksyon namin.

"Oo bakit? Siya din yung kanina diba?" Sabi ko at humarap na kay lilian. At nag patuloy ng kumain

"May gusto yun sayo eh!" Napa ubo ako sa sinabi niya halos mailuwa ko na ang pag kain ko.
Agad akong binigyan ni clarke ng tubig at ininom agad.

"Anong sabi mo may gusto siya sa akin?" Sabi ko sa kanya at nag punas ng paligid ng bibig ko.

"Nagulat ka ata? Eh halos ng lalaki sa university may gusto sayo" sabi sa akin ni lilian at uminom ng soft drink.

Napailing na lang ako at pinag patuloy na ang pag kain.

Ng mag bell ay dumaretsyo kami sa room namin ganun din si Lilian. Matapos mag turo ang mga teacher sa amin ay muling tumunog ang bell na nag sitayuan ang lahat at mga nag si bitbit ng mga bag.

"Ako na mag dadala ng bag mo" sabi ni Clarke at binitbit ang aking bag
Nag makarating kami sa parking lot ay binuksan niya ang pinto sa passenger sit at tumingin sa akin

"Hindi ako nalang uuwi may kotse ako" sabi ko at kinuha sa kanya ang bag ko.

"Mag papadala na lang ako ng bodyguard diyan para i drive yan papunta sa inyo" umiling iling ako sa sinabi niya ayoko maka abala ng tao mas mabuti pa na kotse ko nalang gagamitin ko.

"Hindi ayoko kasing maka abala bukas na lang sunduin mo ako para hindi na ako mag dala ng kotse" huminga siya ng malalim at isinara ang pinto ng kotse. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. At dahan dahang lumapit ang kanyang mukha hahalikan niya sana ako sa labi ng umiwas ako kaya ang kanyang labi ay dumampi sa aking pisngi.

"Mauna na ako" sabi niya at sumakay na sa kotse at umalis na nga siya sa paningin ko habang ako ay naka tulala.
Ng matauhan ako ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na papunta sa mansion namin.

Tanghali na pero hindi pa ako natutulog. Mga gantong oras [1:10] tulog na dapat ako ng ganitong oras pero may bumubulabog sa isip ko. Napa gulong-gulong ako dahil sa inis na pilit kong pinipikit ang aking mata pero ayaw talaga matulog ng diwa ko. Agad akong napa bangon sa inisip ko at na pangiti "hihingi ako ng tulong na mapalapit sa kanya" lumabas ako ng mansion pupunta ako sa coffee shop ni Lilian.

Huminto ako sa isang coffee shop pag mamay ari iyon ni Lilian bumaba ako ng kotse at agad na pumasok.

"Oh bes bakit ka nandito?" Pag tatanong agad sa akin ni lilian ng maka pasok ako sa loob.

"Bes tulungan mo ako" sabi ko at umupo sa upuan nilagay ni Lillian ang coffee sa lamesa at umupo sa harapan ko.

"Tulong saan" pag tataka ni Lillian agad akong na pangiti.

"Tulungan mo ako na mapalapit sa kanya" sabi ko at ininom ang kape na nasa harapan ko.

My First and Last LoveWhere stories live. Discover now