Maze 70: Come on, breathe

765 28 32
                                    




Mika

Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench dito sa may field dahil inassign ako ni dad sa isa sa mga troop ni Capt. Villanueva. Sinama ko si Ara at hinayaan siyang maglead today, tinatamad akong kumilos sa totoo lang. Nagfile kasi ng emergency leave si Villanueva, panigurado iniisip nanaman non kung nakabuntis ba siya, napakaharot kasi.


"Captain." nawala ang iniisip ko at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko naman si Beatriz na papalapit sa akin.

"Yow, wala kang ginagawa?" tanong ko sa kanya.

Naupo naman siya sa tabi ko at inabutan ako ng inumin. "Pinapabigay ni major, inumin mo daw yan masyado kasing mainit."

Sa sinabi niya ay agad akong napangiti kaya binuksan ko na rin iyon at ininom. "Salamat." wika ko at napatingin sa hawak kong inumin. "Kumusta ka pala?" usisa ko dahil under siya ni Jovs.

"If you think I'm having a hard time." she chuckled. "Oh my gosh, yes!" sabay naghysterical siya kaya natawa naman din ako. Beatriz never fails to entertain.

"Pinapahirapan ka ba?" tanong ko.

"She did, lahat kami nadamay. Hindi nga niya ako nadali sa 20-day training, dude, she made life a living hell the first week ng training namin." kwento niya. "Pero okay na ngayon, I think she really just need to vent it all out. I kinda understand her naman." tumingin naman siya sa akin. "She lost not just major Daquis, she lost you as well."

Napakunot naman ang noo ko. "Lost me?" tanong ko. "Nandito naman ako, siya yung nawala, hindi ako."

"Duh, para kang hindi nag-iisip." sabay irap nito. "Hanggat nasasaktan siya sa inyo, hindi ka niya malalapitan. You can't do things you normally do."

I sighed, may point siya. "I messed up, didn't I?" Tanong ko at inubos na ang inumin ko.

"Captain, we're done." Sambit ni Ara nang lumapit ito sa amin. "Uy, Bea, nandito ka pala."

"Yeah, may pinaabot si major girlfriend e." Natawa naman ako sa sinagot niya kaya tinulak niya ako.

"Jack Pub's later?" Paanyaya ni Ara.

"I have to pass, dadalawin ko si Rhian." Nakangiti kong sagot sa kanila.

"Buti hindi nagseselos si major?" Usisa ni Beatriz.

Natawa ako. "They're friends now. Madalas din siya dalawin ni Rachel." Sambit ko. "Maglunch na kayo, then shooting tayo mamaya." Paling ko kay Ara.

"Aye." Sabay saludo nito.

Tumayo na rin ako. "Lunch?" Panyaya ko kay Beatriz.

"Nah, may pinapagawa pa sa aking report si admiral." Sabi nito at tumayo na. "And one more thing." Tinapik naman niya ang balikat ko. "You didn't mess up. Wrong timing maybe, but whi are we to say na mali ang timing diba? You would have no chance at all kung hindi nawala si Lt. Gonzaga, same as if bumalik siya agad. It happens for a reason, captain. Stop blaming yourself."

Napangiti naman ako at marahang tumango. "Thank you, Bea."

"Nah, you're like a sister to me na din, Mika. I'm heading na, ingat ka." Wika nito at naglakad na palayo.


Bumalik na rin muna ako sa aking opisina, I haven't had much sleep dahil ang dami kong iniisip. I regret the words na binitawan ko kay Jovs, sure nadala siya ng kanyang emosyon; but I let my emotions eat me as well. Napabuntong hininga na lamang ako at ipinatong ang mga paa ko aking lanesa at sumandol sa head rest ng aking swivel chair habang nakapikit ang aking mga mata.

LabyrinthineWhere stories live. Discover now