Chapter 4: Rehearsal

6 0 0
                                    

I’m opening my eyes in the darkness
When my heartbeat sounds unfamiliar
I’m looking at you in the mirror
The fear-ridden eyes, asking the question...

                   - BTS Answer: Love yourself

》》》》》》》》》💞《《《《《《《《《

JEONGGUK'S POV

"Jeongguk-ah! Bakit nandito ka pa? Maguumpisa na ulit ang rehearsal natin."bigla na lang sinabi sakin ni Taehyung hyung mula sa pinto ng dressing room. Kanina pa ako dito nakaupo at malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung bakit 'di parin nawawala sa isipan ko iyon. Kanina pa'kong 'di maka-concentrate sa rehearsal kaya pumunta muna ako dito para makapagpahinga muna saglit. Tinitigan ko muna sya ng ilang segundo bago ako nagsalita.

"Ah, V hyung ikaw pala. Pasensya na, oum...sige susunod na lang ako."marahan ko syang nginitian pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi parin sya umalis bagkus pinuntahan pa nya ako sa aking kinauupuan at kinuha ang isang upuan sa gilid at tumabi sa akin.

"Ayos ka lang ba talaga? Kanina pa kita nakikitang balisa at parang wala sa sarili. May bumabagabag ba sayo? Pwede mong i-share sa akin 'yan."
Nagaalala nyang sabi sakin, hinawakan nya ako saking balikat na nagpapahiwatig na pagkatiwalaan ko siya at naandiyan lang sya palagi para sa akin.

"Okay lang talaga ako hyung. Don't worry about me. Wala lang iyon, baka dahil lang sa pagod kaya ako ganito."tinanguan nya na lang ako.

"Sige, sabi mo eh. Basta bilisan mo lang, sumunod ka kaagad sakin."tumango na lang ako sa kanya at napabuntong-hininga na lang ako sa mga nangyayari. Inayos ko muna ang aking sarili at pumunta na sa dance studio para mag-rehearse sa darating naming concert dito sa Seoul para sa 'Love Yourself world tour'.

Pagdating ko sa loob dinig ko agad ang malakas na tugtog sa buong dance studio. Nakikita ko na ang mga back-up dancers at sila hyungs kasama narin ang choreo namin na naghahanda na ulit para sa rehearsal.

"Jeongguk, sa wakas nandito ka narin. Kanina ka pa hinahanap ni Taehyung para makapagsimula na tayo at nakita ka nya sa dressing room na malalim ang iniisip. Bakit? Ano bang meron?", nagaalala na sabi ni Namjoon hyung sakin.

"Hyung 'wag na kayong magalala pa sa akin. Pagod lang ito, magiging okay 'din ako mamaya.", tumango na lang sya sa akin at hinawakan ang aking mga balikat sabay pumunta na sya sa formation ng sayaw. Alam kong 'di parin sya naniniwala at 'di pa sapat ang mga ipinaliwanag ko sa kanyang ayos lang talaga ako. Kilala ko na ang mga hyungs ko pagdating sa akin kapag may problema ako, alam kong hindi nila ako titigilan hangga't 'di ko nasasabi ang totoong problema. Pumunta narin ako sa kinaroroonan nila at nagsimula narin kaming magpractice.

HANA'S POV

Nandito kami ngayon sa Mall, hindi ko alam kung bakit kami dinala dito ni Sora. Nalaman ko lang nung hinila kami ni Sora papunta sa clothing store at nandito na nga kami namimili para makapagpalit na kami sa suot-suot naming uniform.

"Hana! Ito ang bagay sayo!", binigay nya sa akin ang mga damit na pinili nya na pang-winter clothes. Nagustuhan ko ang pinili nya kaya isinuot ko ito sa dressing area. Hindi ko na ito hinubad pa, nakapili narin si Sora at tapos ko naring napilian si Bon-bon kaya nagbayad na kami sa counter. Ipapambayad ko na sana ang nakuha kong pera sa wallet ko nang pinigilan ako ni Sora.

"I insist."

"Pero Sora--"

"What did I said earlier?...'Di ba sabi ko sayo ako na ang gagastos sa lahat. It's my threat, remember? "

"Pero nakakahiya na kasi Sora, ikaw na nga ang gumastos sa restaurant, ito din na susuotin namin? Ako na lang ang magbabayad ng damit namin ni Bon-bon. At saka baka maubos ang binigay na expenses sayo ni Tito Eman.", nagpipilit kong sabi sa kanya.

Protect Him: As A Fan? Or As An Ordinary Girl?   (STILL ON-GOING & EDITING)Where stories live. Discover now