Kabanata 4

631 15 0
                                    

"May pasok mamaya ah, maglalayas ka?" Bungad ni Vivian ng madatnan akong nag-iimpake ngayong madaling araw. Isang subject lang naman ang nagsabing may pasok, 'yong calculus 1 subject kaya 'di ako masyadong nagkukumahog.

"I just need to pack these things bago pa mag-gabi." Sagot ko na hindi siya nililingon habang maingat ba nilalagay ang mga gamit ko sa maleta. Kahit sino naman siguro ay magtataka sa ginagawa ko ngayon pero hindi ko rin alam kung ano ang mga tamang salita para ipaliwanag ang mangyayari.

"For what? Magpapakalayo-layo ka na ba? Magtatago? Iiwas kay Zirus? Cooldown mode?" Sunod-sunod nitong tanong dahilan upang makuha niya ang atensyon ko.

"Let's just say, I'll do this for business sake." Walang emosyon kong sabi habang pinipigilan ang nagbabadyang luha. Ang sakit pa rin pala, at hindi nagsisink in sa akin na wala lang ito sa kanya. Umasa pa rin ako kahit paano na may love na mabubup pero mukhang wala. I'll just continue my plan to make him kneel before me.

"Seryoso, ano nga? Naguguluhan ako sa sagot mo. Babalik ka ba sa stepdad mo? May ipapakasal sa'yo for business sake? Papalabasin na pinilit ka lang ni Zirus?" Patuloy pa rin nitong pagtatanong dahilan para mahina akong matawa.

"Oh girl, ang bagal mo pumick-up." Naiiling kong sabi bago itinuloy ang pag-iimpake. Inirapan niya na lang ako, at tumulong sa pag-iimpake ko. Ayoko ring malaman niya na kay Ziyal na ako titira, mas mabuting clueless siya sa pag-iimpake ko.

"Wala ka talagang balak sabihin, nagsisikreto ka na." Nagtatampo nitong sabi nang matapos na kami sa pag-iimpake ng mga gamit ko. Hinarap ko siya't nginitian.

"I'll just tell you kapag nakapag-settle na ako. Kahit ako, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari." I said as a matter of fact, at muling bumuhos sa akin ang pamilyar na sakit. Kung paano ako nasaktan nang iwan ni Ziyal ang batang ako. My naive part na hanggang ngayon pa rin pala ay hawak ni Ziyal.

"Ang gulo ng pinasok mo, Liah. Kung ako ikaw, baka umiiyak lang ako hanggang ngayon. Grabe kaya 'yong fake scandal, talagang kahawig mo tapos ex mo pa nagpakalat." Nangilid ang luha nito kaya agod ko siyang niyakap. Sa lahat ng kaibigan, si Vivian talaga ang kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

"Walang mangyayari kung susuko lang ako. Kaya tama na ang drama, at may gagawin pa tayong assignment para sa afternoon class natin sa calculus 1." Biro ko bilang pagpapakalma sa kanya, at siya ang naunang kumalas nang siguro'y maalala ang assignment namin.

"Turuan mo nga ako, alam kong madali lang sa'yo 'yan eh." Nakasimangot nitong sabi habang kinukuha ang libro namin sa subject, at hinanda niya na rin ang bond paper na pagsusulatan namin. Madali pa naman ang topic dahil may background naman kami sa pagkuha ng derivatives.

"Hindi ko talaga ma-gets 'tong by limits na 'to. Pwede naman kasi 'yong madali, bakit kailangan pa 'to?" Reklamo nito dahilan para matawa ako.

"Madali nga lang 'yan, sadyang mahaba lang ang proseso." Natatawa kong sabi dahilan para paningkitan niya ako ng mata.

"Ayan ka na naman sa madali! Na-trauma na ako sa madali mo noong shs!" Ngumuso ito pagkatapos dahilan para mas lalo akong matawa. I need this, a breath of fresh air out of my chaotic situation.

"Tatawa-tawa ka riyan! Kurutin ko singit mo eh!" Inis nitong sabi dahilan para bahagya kong ibuka ang hita ko. Natatawa niyang hinampas ang hita ko, at pinagdikit ulit ito.

"Gaga ka talaga! Kahit kailan!" Natatawa nitong sabi.

"Spank me, Vivian." Natatawang biro ko dahilan para pamulhan siya ng mukha.

"Huli ka! Akala mo maitatago mo 'yan ha!" Lalong pumula ang mukha niya, at saglit kaming natigilan ng may pumasok sa loob. Kumuha lang ito ng pera bago lumabas ulit. Kaming dalawa lang ni Vivian ang may pasok ngayon kaya nakatambay ang iba naming ka-dorm sa convenient store.

"Pano mo nalaman?" Mas lalo akong natawa sa tanong niya dahil wala naman talaga akong alam. Nakita ko lang 'yong lalagyan ng condom sa bag niya.

"Gaga ka, wala akong alam, sinubukan ko lang eh. Nagtatago ka na ha!" Natatawa kong biro dahilan para manlaki ang mata niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin, at parang tangang sinasampal ng mahina ang sarili. Napailing na lang ako sa inakto niya.

"Isang beses lang naman, gusto niya raw kasi ma-try. Gusto ko rin naman kaya pumayag ako." Nangunot ang noo ko dahil wala naman siyang boyfriend!

"Sino 'yan?" Takang-tanong ko dahilan para mamula siya lalo.

"Boy bestfriend ko since junior high. 'Yong nakakasama natin minsan." Nahihiya niyang sabi kaya nginitian ko na lang siya para hindi na maging mas awkward pa.

"Curiosity kills the cat." Mahina kong sabi, at naalala ang mga pagkakamali ko noon hanggang ngayon. Being naive and curious at the same time.

"That's the point kaya 'di ko na-kwento. Ayokong mag-alala ka pa sa'kin, lalo't pwedeng magaya ako sa'yo. I'll literally die inside kapag may kumalat na video." Malungkot na nitong sabi kaya naisipan kong baguhin na ang topic. Inabot ko sa kanya ang libro sa calculus 1, at agad sinulat ang mga dapat sagutan.

Hindi naman ako nahirapan i-divert ang topic kaya iyon na ang pinagkaabalahan namin. Medyo nahirapan akong ituro sa kanya dahil nga 'di niya masyadong gets abg proseso. Mabuti na lang ay natapos namin after two hours na tinuturuan ko siya habang nagsasagot.

"Umpisa palang pero ramdam ko na ang pressure ng engineering." Stressed nitong sabi dahilan para matawa ako.

"Sabi sa'kin ng isang senior na ka-dorm natin, mga basic palang 'to. Kaya dapat mas pagtuunan pa natin ng pansin." Seryoso kong sabi dahilan para mapabuntong-hininga si Vivian. Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang phone ko bilang hudyat na may nag-text. Babasahin ko na sana nang maunahan ako ni Vivian.

"Good luck sa pag-aaral, Xaniah. Hmm, iba na 'yan ha! Nagkakamabutihan na 'ata kayo ni Ziyal!" Nakangiti nitong sabi habang nakatingin pa rin sa phone ko, at ako naman ay siguradong pulang-pula na sa hiya. Sana nga ay ganoon, sana nga ay totoong nagkakamabutihan kami.

Unfated HeartsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz