CHAPTER 24

46 1 0
                                    

KEN'S POV

Maaga akong umalis ng mansion at bumili ng mga titseriya na malaki mga tatlo nun at dalawang meneral water

Mga 11am ay nakarating ko na rin yung tagpuan namin ni kitkit

Napatigil ako nang may nakita akong isang babae na mahaba ang buhok nakadress sya na sa tingin ko'y abot tuhod lang, hindi ko man kita kung saan sya nakatingin pero masasabi kong nakatingin sya sa puno kung saan nandun dati ang tree house na ipinatayo namin ni kitkit, nakatingala sya habang nakatayo

Hindi kaya....

Lalapit na sana ako pero umalis na sya

Si Kitkit na kaya yun?

Every friendship anniversary namin ay pumupunta ako dito, isinama ko na rin dito si shaina noon at ikinuwento ko sa kanya ang lahat tungkol sa relasyon namin ni kitkit as friend, madalas nya nga si kitkit na pagselusan.

Umupo ako sa Bermuda grass na nasa lilim ng puno at tsaka ko binuksan yung snack na binili ko

Tumingala ako sa taas ng puno at muling inalala yung itsura ng tree house namin kaya naman napangiti ako pero agad akong napangiwi ng makita ko ang itsura nya ngayon, mga kahoy na lang na nakapako at hindi na maitsurahan kung ano ba yun

"Magkikita pa kaya ulit tayo?"wala sa sariling sabi ko

Hindi ko namalayang nakaubos na pala ako ng isang titseriya kaya uminom ako ng tubig

"Kamusta na kaya sya"muli kong sabi

Maya maya ay may nakita akong batang babae na papalapit sakin

"Hi po"sabi nya nang makalapit na

"Hehe Hello"sabi ko at pilit na ngumiti

"Kuya pwede po bang makikiabot nung scarf na kulay blue, nandyan po sa tabi mo"sabi nung batang babae na sa palagay ko ay nasa 8 or 9 years old na

Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko naman yung scarf na blue at kinuha yun

"Sayo ba 'to?"tanong ko habang nakataas yung scarf

"Ay hindi po kuya, Pinapakuha lang ng may-ari"sabi nya

"Weh, bakit kailangan nya pang iutos sayo?" Biro ko sa batang babae

"Hindi nya naman po inutos, nagkusa po ako kasi po nilibre nya po kami ng bestfriend ko ng ice cream"sabi nya at ngumiti naman ako at inabot ko yung scarf at kinuha naman agad nya

"Ahh salamat po"sabi nung bata at nalaglag yung panyo pinulot nya yun at nginitian ko naman sya

"Kuya ano pong pangalan mo po?"tanong nung bata

"Im kuya Ke--- Dave, kuya Davey"sagot ko dun sa batang babae

"Ahh kuya dave davey?" Pangkaklaro nya

"haha Kuya Davey"pagtatama ko dun sa bata at saka ngumiti at ngumiti rin sya at tiniklop yung scarf pero sandali syang napatigil

"Davey?"patanong na sabi nya habang nakatingin dun sa scarf "Kuya Davey"sabi nya at tumingin sakin at papalit palit na tumitingin saki at sa scarf

"A-Ano yan? C-Can I see"nauutal na sabi ko at inabot naman sakin nung bata yung scarf  at kinuha ko naman

()  ()
  ()

Nagulat talaga ako sa nakita ko

FLASHBACK

Matapos namin bumili ni kitkit ng scarf ay ipinaburdahan na rin namin, pink yung scarf nya na pinaburdahan nya ng kitkit ako naman ay blue at pinaburdahan ko naman yun ng Davey

DREAM ON YOU  (Published On Wattpad)Where stories live. Discover now