Untitled Part 47

1 0 0
                                    

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Kabanata 26


Aking mga anak, dapat ninyong bigyang-pansin ang Aking mga salita, makinig nang tahimik sa Aking tinig at Aking ibubunyag sa inyo. Manahimik sa loob Ko, sapagka't Ako ay inyong Diyos, ang inyong tanging Manunubos. Dapat ninyong payapain ang inyong mga puso sa lahat ng sandali, mabuhay sa loob Ko; Ako ang inyong Bato, ang inyong tagapagtaguyod. Huwag magkaroon ng ibang isip, nguni't buong-pusong sumandal sa Akin at Ako ay tiyak na magpapakita sa inyo—Ako ang inyong Diyos! A, yaong mga mapag-alinlangan! Sila ay tiyak na hindi makatatayo nang matatag at sila ay walang makakamtang anuman. Dapat ninyong malaman kung anong oras na ngayon, anong kritikal na oras ito! Anong mahalagang punto ito! Huwag kayong mag-abala sa mga bagay na walang kabuluhan; magmadaling maging malapít sa Akin, makisalamuha sa Akin, at Aking ibubunyag ang lahat ng hiwaga sa inyo.

Dapat kang makinig sa lahat ng salita na itinuturo ng Banal na Espiritu; huwag mong ilaglag ang mga ito sa tabing-daan. Napakaraming ulit mo nang narinig ang Aking mga salita at pagkatapos ay nakalimutan ang mga iyon. O, mga walang pag-iisip! Ikaw ay nawalan na ng napakaraming pagpapala! Ikaw ngayon ay dapat na makinig nang mabuti at bigyang-pansin ang Aking mga salita, mas higit na makisalamuha sa Akin at maging mas malapít pa sa Akin. Tuturuan kita tungkol sa anumang bagay na hindi mo nauunawaan, at Aking pangungunahan ka tungo sa pasulong na daan. Huwag mag-ukol ng labis na pansin sa pagsasalamuha sa ibang tao dahil marami ngayon ang nangangaral ng mga titik at mga doktrina, at lubhang kakaunti ang tunay na nagtataglay ng Aking realidad. Ang pakikinig sa kanilang pagsasalamuha ay gagawin kayong lito at manhid, hindi nalalaman kung paano uunlad. Kahit na kayo ay nakikinig sa kanila, kayo ay makakaunawa lamang nang kaunti tungkol sa mga titik at mga doktrina. Dapat ninyong bantayan ang inyong hakbang, pangalagaan ang inyong puso at laging mabuhay sa harapan Ko, ipagbigay-alam sa Akin, maging malapít sa Akin at hahayaan Kong makita ninyo iyong hindi ninyo nauunawaan. Dapat mong bantayan ang iyong sinasabi, manatiling nakabantay sa iyong puso sa lahat ng sandali at lumakad sa daang Aking nilalakaran.

Ito ay hindi na magtatagal ngayon, mayroon pang kaunting panahon na natitira. Magmadaling iwanan ang lahat ng bagay maliban sa Akin at halikayo sumunod sa Akin! Hindi Ko kayo tatratuhin nang masama. Napakaraming ulit na hindi ninyo naunawaan ang Aking mga pagkilos, nguni't alam ba ninyo kung gaano Ko kayo kamahal? A, hindi ninyo lamang nauunawaan ang Aking puso. Kahit na gaano pa kayo nag-alinlangan o gaano pa ang utang ninyo sa Akin sa nakaraan, hindi Ko na ito aalalahanin. Gayunpaman ay pinili Ko kayo upang kayo ay makayayaon at kumilos ayon sa Aking kalooban.

Ngayon ang panahon na hindi kumukunsinti sa pagkabalam. Kung mula ngayon kayo ay mayroon pang ibang hangarin kung gayon ang Aking paghatol ay sasapit sa inyo. Kung iiwan ninyo Ako nang isang sandali lamang kung gayon kayo ay magiging gaya ng asawa ni Lot. Ang paglakad ng gawain ng Banal na Espiritu ngayon ay bumibilis at yaong mga hindi makasasabay sa bagong liwanag ay nasa panganib. Yaong mga hindi nagbabantay ay maiiwan; dapat ninyong pangalagaan ang inyong mga sarili. Dapat mong malaman na lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan mo nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo. Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang. Sa kasalukuyan ang mga tao ay napakaraming pagkaintindi at ginagawa nito na Akin lamang maipahayag ang Aking kalooban sa pamamagitan ng mga yaong hinahamak ng iba; yaong mga makasarili at mapagmagaling, mapagmataas at nagpapahalaga-sa-sarili, ambisyoso at nagmamataas ay mapapahiya. Hanggang kayo ay nagpapakita ng taos-pusong pagsasaalang-alang sa Aking pasanin kung gayon ay ihahanda Ko ang lahat ng bagay para sa inyo. Anuman ang mangyari sumunod kayo sa Akin!

Mga DebosyonalWhere stories live. Discover now