Prologue

131 6 0
                                    

Pagkababa namin ng kotse ay nagmamadali akong tumakbo sa direksyon kung saan andon ang mga kaibigan ko na nagkukumpulan.

Ang mga pulis ay nagkalat.

Naguguluhan ako dahil andami nila at halos sobrang kalat ng lugar na kinaroroonan nila.

May mga basag na bote, mga kahoy tapos mga lumang gamit na inimbak sa gilid.

Lumapit agad ako kala Jessabelle na naka upo sa lapag habang hawak niya si Krizia na halos hindi na gumagalaw at naghihingalo.

Parang dinurog ang puso ko nang makita ang kalagayan niya.

Ang daming pasa, duguan at may nakasakasak na bubog sa kanang binti niya.

Ang mga kasama naming lalaki ay tumutulong sa mga pulis sa paghuli sa mga kalalakihan na nang-ambush kay Krizia.

"K-Krizia ano ka ba k-kala ko ba malakas ka." Mangiyak ngiyak na Sabi ni Jessabelle.

"Ano na Krizia k-kala ko ba sabay sabay pa tayong ga-graduate? K-Kala ko ba magtatravel pa tayong lahat?" Umiiyak na Sabi ni Joy.

"K-Kaya nyo naman atang g-gawin yan nang wala ako." Hinang Hina na sabi ni Krizia.

Agad akong sumingit sakanila habang umiiling at nagpipigil ng luha.

"Sa tingin mo talaga kaya namin yon?? Oo kaya namin! Pero mas kakayanin kung andon ka! Asan na pangako mo? Na never tayong masisirang magkakaibigan hanggang sa pagtanda, hanggang sa magkaroon tayo ng sariling pamilya, hanggang kamatayan! Ano 'to ngayon?!" Sigaw ko sakanya.

Inawat naman agad ako nila Andra dahil sa lakas ng sigaw ko.

"Krizia ano kaba, magpagaling ka! Tapos tsaka natin gawin lahat ng Plano natin." Saad ni Andra Kaya tumango si Joy at Jessabelle.

Umiling naman si Krizia at ginantihan kami ng pilit na ngiti.

"Sorry sa lahat..." Mahinang saad niya.

Tahimik at umiiyak lamang kami habang hinihintay ang iba pa niyang sasabihin.

"Sorry ang dami kong kasalanan pero hindi manlang ako magkakaroon ng chance na bumawi..." Dagdag niya pa na lalong ikinalakas ng iyak ni Joy at Jessa.

"Gago kaba? Magpagaling ka sabi! Tapos tsaka kana bumawi samin!" Sigaw ni Jessa.

"Nasan na ba ang ambulansya?!" Sigaw ni Andra sabay tumakbo at kinuha ang kaniyang cellphone para tumawag.

"Hindi ko ata kaya Jess, hindi ko na nga maramdaman katawan ko, hindi ako makagalaw..." Mahinang sagot ni Krizia.

Putangina please, wag kang ganiyan Krizia...

Tahimik lang akong umiiyak habang pinapakinggan sila.

Hindi ko alam ang gagawin.

Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Krizia lang.

Paano na kami? Parang ate narin namin siya.

Ayokong mawalan ng kaibigan na ang turing ko ay ate.

Ayoko.

"Krizia! Ano ba! Sabihin mong Joke lang 'to! Gumising ka jan!" Rinig kong sigaw ni Jessabelle na nagpamulat sa katinuan ko.

Nang tignan ko sila ay nakapikit na si Krizia at hindi na gumagalaw.

Si Joy na nakaupo sa lapag at umiiyak habang hawak ang dibdib.

Si Jessabelle na inaalog si Krizia at panay ang sigaw.

Nilingon ko din si Andra nang marinig ko siyang sumigaw.

"Tangina nasan na ang ambulansya?! Malala ang lagay ng kaibigan ko oh! Please... Please..." Sigaw at pagmamakaawa niya sa isang pulis na panay ang sabi na kumalma siya.

Ang daming nangyayari at tila ba biglang wala na akong naririnig.

And before i knew it....

Bigla nalang akong bumagsak at nawalan ng malay.










Note:

Yow,, i'm back, and madami akong iniba HAHAHAHAHHAH so sa mga nakabasa na dati, sorry ang corny, nahihiya ako sainyo 😭😭 and the reason kung bakit ako nagbalik ay... Balak kong tapusin 'to dahil i realized that this is my first ever story, sayang naman kung hahayaan ko lang dito diba, and hindi ko na iniba ang title, pasensya na kayo huh WHAHAHAHAHAHHA kbye.

Also, note that this story are based in my own imagination. Kung may pagkakapareho man sa ibang story or in real life, i'm sorry. But i'll admit that the other chapters are inspired by the stories/movies i've read/watched before.

This story contains... lots of swearing & vulgar words, so don't read if uncomfy.

There may be lots of wrong grammars, so sorry in advance.

Enjoy reading?💘💘💘

KAGAGOALSWhere stories live. Discover now