Chapter 5

363 14 9
                                    

DARLEEN's POV

Hayop na Blake na yun! Nako sinasabi ko talaga pag nalaman kong totoo yonnnn

Wala ako sa mood na pumasok sa office ko dahil nga sa kung ano anong mga naiisip ko

"Good Morning inang reynang Dars!!!" Bati saakin ni Nicole pagpasok na pagpasok ko palang sa office at hindi ko nalang siya pinansin dahil nga naiinis ako

"Masama ata ang gising mo Ma'am" sabi niya pa at kasabay non ay ang pagupo ko sa upuan ko

"May meetings ba ako mamaya?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya

"Opo with Mr. Morales po ulit mamayang lunch" sabi naman niya

"Ok" walang emosyon ko paring sagot at lumabas na siya kaya sumandal na ako sa upuan ko

biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko

"Ma'am coffee po?" Si Nicole lang pala!

Tumango lang ako bilang sagot at lumabas na ulit siya at nakasandal na nga ulit ako sa chair ko

"Ma'am!!! Ice po or Not!?" Nagulat ulit ako dahil pumasok ulit siya. Langyang Nicole to Oh!

"Ice!!!!" Sigaw ko sa kaniya at tuluyan na ngang umalis. Sinilip ko muna yung labas kung nakaalis na nga siya at Yep! Sumakay na siya sa elevator papuntang baba

At bumalik na nga ako sa upuan ko. Sa wakas tahimik na!!!!!!!! Pumikit muna ako at payapang sumandal sa upuan

At bigla nanaman ngang bumukas ang pinto....

"ANO NANAMAN!!!?????" Sigaw ko habang naka pikit. Pabalik balik nalang kasi eiii

"Ahhmm GoodMorning Dars!" Bati saakin ng familiar na boses ng lalaki kaya napadilat ako bigla at MEDYO napa balikwas sa pagkakaupo ko

"Ohhh Blake! Hehe anong ginagawa mo dito?" Minsan lang kasi kung dalawin ako niyan ditey

"Wala naman.... gusto lang kasi kitang ayain for lunch mamaya. Hindi din naman kasi ako nakapunta sa dinner natin last time diba" sabi niya at mukhang sincere naman talaga siya ohhhhhh baka ayaw niya lang magpahalata. ANO BAYAN!!!???? napa praning nanaman ako!!!!!

"Ahhh yeah! Sure sige!" Sabi ko naman. Para din naobserbahan ko siya kung may tinatago ba siya saakin

"So susunduin nalang kita mamaya dito ng 11:00 or 11:30, ok?" Sabi naman niya at tumango nalang ako at lumabas nadin naman siya at ako naman ay sumandal nalang ulit sa chair ko











•~•~•~•~•~•~•~•~
Sorry po sa mga typos and grammatical errors. Don't Forget to Vote and comment
Thanks for reading!💗

BTW sorry nga po pala kung sobrang dalang ko nang mag update busy lang po kasi talaga sa school eh lalo na ngayong 4 Quarter. Sorry din po hindi na ako nakakapag update sa Unfulfilled Promise pero next time itatry ko ulit mag update. THANK YOUUUUU

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's Pay Back timeWhere stories live. Discover now