Begin Again

22 3 0
                                    

It's been six months and twenty six days since he left me at a bus stop.

I never stopped going there though. 'Yun lang kasi ang pwede kong sakyan since almost all of the jeepneys na dadaan doon laging puno. Nasasabayan kasi ng uwian ng public school ang uwian ko from university. Besides, dos lang naman ang deperensya kung sasakay man ako ng bus o dyip.

I checked my watch. 4:00 P.M pa lang. Ang aga nagdismiss ng professor namin. Usually mag-eextend ang prof ng 30 minutes. Sa bagay, wala namang masyadong dapat i-discuss.

Sinaklay ko ang bag ko sa likod saka naglagay nagsuot ng earphones. I silently left the room. Habang naglalakad, napatingin ako sa veranda ng aming building. Parang kailan lang, naghihintay ako doon para sa kaniya. Ngayon, uuwi na ako kaagad.

I wasn't this lonely before. Gano'n siguro talaga kapag iniwan ka na ng taong nagparamdam sa 'yong hindi ka nag-iisa. It changed you so much.

Nakarating na ako sa bus stop. Walang tao. Hindi rin punuan ang mga dyip na dumadaan pero bus pa din ang sasakyan ko. Naupo muna ako sa isang bench. Katabi ko ang isang lalaking nagtatype sa kaniyang cellphone. Pinakinggan ko na lang ang kanta ni Taylor Swift na "Begin Again."

Gusto ko sanang palitan ang kanta dahil hindi ito suited sa akin. Lalo lang akong nalungkot dahil kailangan ko nang magmove on mula sa love story namin ni Kian.

Kailangan ko na siyang kalimutan.

"Shit! Dead battery!" sigaw ng lalaki sa tabi ko na ikinagulat ko. Napaalis tuloy ako ng isang earphone na nasa tenga ko.

Tinignan ko siya ng mabuti. He looked like a regular student. Nakita ko ang kulay dilaw na lanyard na nakakwintas sa kaniyang leeg. Nagulat ako. We're from the same school, iba lang siya ng course. Education ang course ko na blue ang lanyard, siya naman ay mukhang Business Management. Inis na inis niyang pinipilit i-on ang cellphone niyang drained.

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa kanta. Nakalimutan ko sigurong i-shuffle ang playlist ko dahil parehas na kanta pa rin ang naririnig ko. Napapikit ako ng mata. Pinilit ko ang sarili ko na huwag marinig ang boses niyang sinasabi ang mga katagang hanggang ngayon ay nakakapagpadurog sa akin.

"I'm breaking up with you. Mahal ko pa rin siya."

"Miss?"

Nakaramdam ako ng tapik sa aking balikat. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ang lalaking katabi ko na nakatingin sa akin. Tinanggal ko sa aking tenga ang aking mga earphones and gestured him to continue.

"I know this is weird pero may I please borrow your phone?" he pleaded with his hands clasped together. Nagdadalawang-isip ako kung ipapahiram ko ba ang phone ko. He's in the same university pero I barely even know him. What are the odds of him snatching my phone?

Nakita niya siguro ang doubtful expression ko kaya idinagdag niya, "Miss, nakasalalay ang grades ko sa 'yo. Help a schoolmate out."

Inalis ko sa pagkakasaksak ang earphones ko bago ito ibigay sa kaniya. Dali-dali naman siyang nagtype ng message sa phone ko. Buti na lang pala nagpaload ako kahapon. Pagkatapos niyang masend ang text niya, ibinalik na niya ang cellphone ko sa akin. Maaliwalas na ang kaniyang mukha, nakangiti na siya.

"You're a savior, miss. Thank you for trusting me your phone!" sabi niya sa akin.

Ngayon ko lang naappreciate ang kagwapuhan niya, though.

"It's nothing," sabi ko with a smile.

Lumingon ako sa likod niya at nakitang may papalapit na bus. Tumayo na ako at hinintay na huminto ito. Napansin kong tumabi sa akin ang lalaki. Huminto na ang bus na sasakyan ko.

"Mag-iingat ka miss, ha?" sabi niya. "I'll make it up to you soon."

And with that, sumakay na ako ng bus with a smile on my face.

***

One week passed simula no'ng tulungan ko ang lalaking nasa bus stop. Hindi ko naman siya nakikita sa university though.

Nandoon ulit ako, naghihintay ng masasakyan pauwi. Punuan na ang mga bus at jeep. Marami ding tao sa bus stop, mga uuwi na rin sa kanilang mga tahanan.

Nakatayo ako dahil may mga bata nang nakaupo sa bench. Nakikinig ako ng mga kanta nang may bigla akong narinig na pamilyar na boses na sumisigaw.

"Miss!"

Lumingon ako sa harapan ko at nakita 'yung lalaking tinulungan ko, only this time, nasa loob siya ng kotse at siya ang nagmamaneho. Tama ang hypothesis ko. Mayaman nga siya!

"Sakay na, miss! Sabi ko sa 'yo babawi ako sa 'yo e," sabi niya saka binuksan ang pinto ng kotse niya. Nagdadalawang isip ako sumakay pero knowing him the first time we met, sumakay na ako.

Pagkasakay ko, inabot niya ang seatbelt ko, "Ayan miss, para hindi ka na magdalawang isip kung ligtas ka ba sa 'kin."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito nararamdaman ko?

"Irene," sabi ko. "You can call me, Irene."

Napangiti naman siya sa akin at sinabing, "I'm Carl. Finally, I can call you a name."

Natahimik ako habang siya naman nagsimula nang magdrive. Binuksan niya ang radyo ng kaniyang kotse at tumugtog ang "Begin Again" ni Taylor Swift. Sumabay naman siya sa pagkanta na ikinagulat ko.

"Swiftie ka pala?" tanong ko.

Tumango siya, "Yeah, since 1989. Ikaw din. I know kasi you were listening to this song noong tinulungan mo ko. Sorry, I wasn't being nosy."

Tumango na lang ako.

"Hey, can I ask you something?" he asked suddenly.

"Go ahead," sabi ko.

"Can you accompany me for dinner? Don't worry, treat ko naman," dere-deretso niyang sinabi. "I mean, it's okay if you'll say no-"

"Sure," putol ko sa sinasabi niya. "That sounds lovely."

Nakahinga naman siya ng maluwag, may ngiti sa kaniyang mga labi habang nagdadrive siya.

It's been six months and thirty two days since he left me at a bus stop.

But now it's day one of moving on from all the pain he caused me.

It's day one of finally healing.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Begin AgainWhere stories live. Discover now