PART THREE

3 0 0
                                    

Pagkaalis na pagkaalis ni Sister Athena ay kinuha ni Mandy ang portable light.Sapat iyon para magliwanag ang paligid ng underground.Wala na siyang makapang takot sa dibdib.Ang nais niya ay makakuha ng dahilan para makausap si Khiezer.

Ngunit hanggang sa sumakit ang ulo ng dalaga sa kahahanap ay wala siyang napala.
“Sabagay,kung talagang meron ngang nakatago rito,dapat nakita na iyon ng mga imbestigador.Kaya nga siguro iniwan ito ni Khiezer."anang isipan niya.

Bumalik sa silid niya si Mandy at pabagsak na nahiga.Hindi pa rin siya makapayag na walang paggagamitan ang susi na iyon.Sa pagod ay nakaidlip siya.
Isang oras ang lumipas ay nagising din siya nang mahulog sa sahig ang hawak niyang susi.

“Huh!Nanaginip na naman ako.Ang matanda,nakita ko siya,tinatawag niya ako.Hindi na siya galit.Nagtatanim na naman siya ng punla sa hardin.Ang kikinang ng mga butong itinatanim niya.Ano kaya iyon?"

Dumungaw sa bintana si Mandy at pinagmasdan ang paligid.Maya-maya ay bumaba siya.“Dito,dito siya madalas na nagtatanim,malapit sa swing."
“Guard!."
“Bakit po,Ma'am?"
“Puwede mo ba akong tulungan?"
“Opo.Ano ho bang gagawin?"
“Gusto ko sanang hukayin mo itong portion na ito,"turo niya sa lupa.
“Gaano po kalalim,Ma'am?"
“Just do it.Kunin mo sa bodega ang pala."

Napakamot ng ulo ang guard pero sinunod pa rin ang gusto ng amo.“May sira yata sa tuktok itong amo ko.Sayang,ang ganda pa naman.Wirdo,kaya siguro hindi nagkakaasawa."

Mga two feet na rin ang nahuhukay ng guard nang tumama sa matigas na bagay ang pala.Nagkatinginan sila ni Mandy.

“Keep on digging,"excited na sabi ni Mandy.

Ilang sandali pa ay lumitaw ang isang tableta ng bato na may one by two inches ang lapad.Pinagtutulungan nilang angatin iyon.Sa ilalim niyon ay may isang leathered box.Kinuha iyon ng guard.“Ano kaya ito,Ma'am?"nae-excite ding tanong ng guard.
“Ilabas mo."
Eksakto lang ang kahon sa butas na napapalibutan ng semento.
“May lock pala,Ma'am."
“It's okay,I have the key."
Ilang sandali pa ay nabuksan ni Mandy ang kahon.“Ang ganda!"
“Manyika lang pala,"napangiwing sabi ng guard.

Tinitigan ni Mandy ang guard.Bigla itong napangiti.“May ipagagawa pa po ba kayo,Ma'am?"
“Wala na.Salamat."
“You’re welcome,Ma’am."“Ano na naman kaya ang gagawin nito sa susunod?”
“May sinasabi ka ba?"
“Wala po,Ma’am.”

Naka,plastic sa loob ang manyika kaya parang bago pa rin.Nagkalat ang alikabok sa katawan ni Mandy kaya mabilis siyang nag-shower.Ilang sandali pa ay lumabas siya kasama ng manyika.

“Puwede bang tumuloy?"
“Sure,"ani Khiezer.“Paano mo nalamang dito ako nakatira?"
“Nakita kita minsan habang dumadaan ang kotse ko.May ibibigay lang ako sa'yo."At inilapag ni Mandy ang itim na box sa center table at ipinatong doon ang susi.

Malinaw na kay Khiezer na si Sister Athena ang nagbigay niyon sa dalaga.Napangiti si Khiezer.“I'm so impressed.Sa iyo na iyan."
“Pero...hindi mo man lamang ba bibisitahin ang laman niyan."
“Alam ko kung ano ang nasa loob niyan."
“I see,ang tanga ko talaga.Ano nga naman ang gagawin mo sa laman niyan.Anyway,dinala ko lang iyan.It's yours,sa iyo iyan iniwan ng may-ari dahil hindi ko naman sila kilala."

“Sa bakuran mo nakuha iyan kaya sa iyo iyan.At hindi kita iniinsulto sa nasabi ko.Wala talaga akong makita noon kaya nga iniwan ko na lang ang susi.Hindi ko na bubuksan iyan dahil malulungkot lang ako,but I know it's very,very precious.I-donate mo na lang kung ayaw mo talaga."
“Manhid ka ba?Did you know what it takes for me to find it?Para akong tanga!Iniisip na siguro ng guard na nasisiraan na ako ng bait."
“Masyado na kitang naabala,Mandy."
“What a nicer way to say goodbye!Bon voyage nga pala,"anang dalaga at iniwan si Khiezer.

Habang nagmamaneho pauwi ay hindi napigilan ni Mandy ang maiyak.“You still love her,Khiezer,kaya hindi mo kayang magtiwalang muli."
Damn!"Bakit ba hindi ko masabi-sabi sa kanya?"At dinampot ni Khiezer ang telepono.
“Sister..."
“Oh,Khiezer.Kagagaling ko lang kay Mandy,pasenya ka na,may nasabi ako sa kanya.Tuloy na ba talaga ang biyahe mo bukas?"
“Galing siya rito,sister.Nakita na niya ang kahon."
“Talaga?"
“Oho.Sabi ko,kanya na lang.Nagalit siya,sister."
“Hijo,alam na niya ang totoo,pasensya ka na,hindinko napigil ang aking sarili.I think she loves you too."
“Kung bakit kasi bigla na lamang siya tumatapang,naduduwag tuloy ako."
“Alam mo kung bakit,kasi iniisip niya na iniwan mo ang buntis mong asawa at itinatwa ang sariling anak."
“Jesus!Where did she get that idea?Kilala ninyo ako,Sister,wala akong inilihim sa inyo."
“I know,marahil ay nakakita siya ng lalaking kamukhang-kamukha mo.Iba si Mandy,Khiezer,nanggaling siya sa nirerespetong pamilya.Hindi naman sila matatawag na konserbatibo pero ayaw nila ng naghihiwalay sa pamilya."
“Isa pa ho iyon,sister.Paano ako haharap sa pamilya niya,ni hindi ko alam kung saan ako nagmula."
“Mabait ang pamilya ni Mandy,una ko silang nakilala kaysa sa kanya.Hijo,huwag mo nang pahirapin pa ang sitwasyon.Matanda na ako,paano pag nawala ako,hindi na kita mapapayuhan kaya pakinggan mo ako.Sundin mo ang ikaliligaya mo."
“Anong gagawin ko,Sister?"
“Huwag mong kalilimutang kahit moderno na ang panahon,nasa Pilipinas ka.Ikaw ang lalake,ikaw ang manuyo."
“I remember something,sister,maaaring iba ang naging interpretasyon niya nang minsang tulungan ko ang isang buntis na babae sa airport."
“Then what are you waiting for?Explain it to her."

Samantala,panay ang iyak ni Mandy kahit nakauwi na siya.Ibinalibag niya sa kama ang manyika.“He thought you're so special kaya ka niya iniwan.Siguro nagsasalita ka o naglalakad kaya may switch ka.Ilan ba ang battery mo?"

Nang buksan ni Mandy ang lagayan ng battery ay bigla siyang namangha.Nakasiksik doon ang pelus na tela na may lamang dalawang pares ng singsing.“God,they're beautiful!Ito ba ang tinutukoy niyang magpapalungkot sa kanya?

****

COME WHAT MAY Where stories live. Discover now