43

3.8K 155 32
                                    

J

"Love... I don't know what to wear.."

Pag labas ko ng bathroom naabutan ko si Deanna na hindi pa bihis..

Lumapit na ako sa kanya. Ang dami na niyang nalabas na damit na nakapatong sa kama namin.

"Ang dami mo ng nalabas na damit wala ka pa ding napili, love?"

Ang cute lang niya sobrang problemado niya sa susuotin niya.

"Eh di naman kasi ako sanay sa mga formal events, love eh.."

"Masanay ka na, lalo na at nag eexpand yung business mo, love.."

Aattend kami ngayon sa food and hotel expo. Invited sila Deanna at Jia, nagmerge na silang dalawa ng business. Partners na ulit sila at balak nila ulit mag expand at magtayo ng branch sa mga malls.

"I know naman, love.. Pero what to wear na? Di ko talaga alam."

"Okay, ako na mag aayos ng susuotin mo.."

Inayos ko na ang susuotin namin. Formal event kasi at hindi nga sanay si Deanna sa mga ganong event.

"Dealan, aalis muna kami ah.. Ikaw muna bahala dito sa bahay. Bantayan mo mga kapatid mo ah.. Gagabihin kami sa pag uwi." bilin ni Deanna kay Dealan.

Buti na lang talaga sabado tong event. Nandito sa bahay si Dealan. Sakto din kasing may emergency yung yaya ng mga bata kaya di makakapunta ngayon.

"Yes po, dada. Ako na po bahala dito. Ingat po kayo."

"Wag ka basta basta lalabas ah, tatawag ako pag malapit na kami sa gate mamaya."

"Okay po."

"Let's go na, love.. Male-late na tayo." aya ko kay Deanna. Ang dami pa kasi niyang binibilin eh.

"Okay, sige.. Dealan yung mga bilin ko ah." pahabol pa ni Deanna bago pumasok ng kotse.

"Opo, dada.. Enjoy po kayo.."
.
.
.
.
.
"Love..." tawag sakin ni Deanna.

On the way na kami sa venue. Medyo traffic lang pero moving naman.

"Yes, love.."

"Di ba almost 1 year old naman na sila baby.."

"Yes, love.. Bakit?"

"Hmmm... Wala lang, love.."

"I know you, Deanna.. Sige na, sabihin mo na yan.. Wag ka na mahiya, love.."

"After Dealan's graduation magbakasyon tayo. Pwede naman na nating itravel sila baby di ba.."

Eto talagang asawa ko.. Yun lang pala ang sasabihin. Sakto pala, yun din ang gusto gawin ni Dealan after graduation niya..

"Sure, love.. Tinanong ko din si Dealan, yan din ang gusto niya gawin after graduation.."

"Anak ko nga siya hehe.. Pareho kami ng iniisip."

Nakarating na kami sa venue.. Dito sa may SMX lang naman ang venue.

Nagpark na si Deanna at saka kami naglakad papuntang entrance..

Malayo palang tanaw na agad namin si Jia kasama niya si Tin.. Kumaway pa sila samin..

"Hey, let's go, Deans, Jema.. Ang dami ng tao sa loob. Malapit ng mag simula." at kumapit na si Jia kay Deanna. Sobrang close kasi talaga nila..

"Hello, Jema.. How are you? How's your twins pala?" kami na ni Tin ang nagsabay mag lakad. Nasa unahan namin sila Deanna.

"I'm good, Tin.. Yung twins namin, ayun ang kukulit na nila.."

ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon