Chapter 46 (moment of truth)

4.5K 116 1
                                    

Ding...dong...

Lumapit si Lupe sa pintuan at tinignan sa monitor kung sino ang nag doorbell...

Lupe's pov:

Si Andrea!...Nag isip muna ako kung pagbubuksan ko ba siya ng pinto o magkukunwari na walang tao sa unit ko... binuksan ko ang pinto.

"Hi Lupe!.", nakangiti niyang bati sa akin.

"Hi!", tipid na sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa kasama niya. Napansin ni Andrea na tinitignan ko ang lalaking kasama niya.

"Siya si Dayton boyfriend ko.''...

Kinamayan ako ng lalaki.."Hi! G..", sabi niya. Medyo nagulat ako dahil si Nic lang ang tumatawag sa akin ng ganun.

''Pumunta kami dito para magpaliwanag sayo. Ok lang ba?.", pakiusap sa akin ni Andrea.

Pinatuloy ko silang dalawa...

Sinabi ni Dayton sa akin ang lahat lahat. Ganun din si Andrea.

"Nang dahil sa pagtulong sa amin ni Nic ay nagkaproblema kayo. Nic is a good man.", sabi ni Dayton.

"Nung magkasama kami ay puro ikaw ang pinag uusapan namin. Hindi siya nauubusan ng magagandang papuri para sayo. He loves you so much Lupe, isa ako sa makakapag patunay nyan.", sabi ni Andrea habang hawak pa ang kamay ko.

"Bukas ay aalis na kami papuntang Rome. Pumunta kami dito para magbakasakali na makausap ka at malaman mo ang buong katotohanan.", sabi ni Dayton.

"Hindi kami mapapanatag sa pupuntahan namin kung ang taong tumulong para kami magkasama ang nagkaproblema.", sabi ni Andrea.

Marami pang ikinwento ang dalawa bago tuluyang umalis. Inakap ako ni Andrea tapos ay nagpasalamat sa akin.

Matagal ng nakaalis sila Andrea ay nakaupo pa rin ako at iniisip ang mga sinabi nila kanina. Nasabi na rin sa akin nila Patrick ang tungkol sa pakiusap ni Dayton kay Nic ng magbonding kami sa Restobar nila Jason. Lahat sila ay nakikiusap na kausapin ko na si Nic. Ngayon, mismong sila Andrea na ang kumausap sa akin ay parang gusto ko ng makita si Nic..

Nakaramdam ako ng guilt for ignoring him. Maraming effort ang ginawa ni Nic para magkabalikan kami pero nagmatigas ako...

''Kung alam mo lang Nic kung gano ako kalungkot na di kita kasama. Napakahirap din para sa akin ang tikisin ka, pero masyado akong nasaktan sa ginawa mo....pero ang totoo ay I missed you Kulas!..

Will you love me, again?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora