Chapter 20

17 2 0
                                    

Chapter 20: Always

The world may crumble at our feet. But I will still stand with you.

"Ito na ang pinaka-mura ritong apartment, Ineng. Kumpleto naman iyan. May banyo, kusina, isang kwarto at sala. Ano? Kukunin mo na ba?" tanong sa akin ng landlord.

Inilibot ko ang aking tingin doon. Maaliwalas at hindi mainit kahit walang air conditioning unit. Sapat lang para sa amin ni Mom.

Tumango ako at binalingan ulit ang matanda. "Sige po. Kunin ko na."

Nakangisi niyang sinuyod ako ng tingin. "Siguro naman ay may pambayad ka, 'no? Mukhang yayamanin, e," paninigurado nito habang nakalahad ang kamay.

Ngumiwi ako at kinuha ang ipon sa wallet. Inabot ko sa kaniya iyon at lalong lumaki ang ngisi niya. May ibinulong pa siyang hindi ko narinig bago umalis.

Umupo ako sa lumang sofa doon at tinawagan si Kuya Evan. "Kuya..." bungad ko.

"Dadalhin na riyan ang mga gamit ninyo ni Tita. Are you sure you don't want to stay at our house instead? It would be safer here."

Pumikit ako at hinilot ang sintido. Nitong mga nakakaraan ay pansin ko ang pagiging stressed ko. Gusto kong magpahinga muna kahit na saglit kaso marami pa akong dapat asikasuhin.

"Hindi na, Kuya. We're fine here. Malaki na ang tulong niyo sa amin. Nakakahiya at kayo pa ang nagbayad ng separation pay sa mga empleyado namin sa kompanya."

Iyon ang nangyari. They paid for the separation pay of our employees. Hindi raw iyon utang ngunit gusto kong bayaran kahit paunti-unti. That's a large amount of money. I don't want to be a burden.

"Don't think about it too much, Red. We are family, alright? Nakipag-areglo na din si Atty. Buenavista sa mga investors na nag-demanda. Naintindihan na nila ngayon ang sitwasyon ninyo. Your company needs to undergo liquidification so, you can pay your debts. Unfortunately, after this, you can no longer operate. Ako na ang bahala roon. Wala ka nang aalalahanin na filed case. Inatras na nila," balita niya na nagpaluwag sa kalooban ko.

I smiled. "Thank God! Akala ko ay magiging sarado ang isip nila."

Halata ang saya sa boses niya nang sumagot. Siguro ay katulad ko na nabunutan ng tinik. "I will hang up now. Contact me if something came up, okay? Bye."

"Alright. Bye."

Totoo nga ang sinabi ni Kuya Evan. Ilang sandali lamang ay dumating na ang aming mga gamit. Idiniposito nila iyon sa loob ng bahay. Dahil maliit, ang ibang kahon ay naiwan sa labas.

"Salamat po. Ako na pong bahala riyan," sabi ko isang mamang ipapasok pa sana ang naiwan.

"Gano'n ba? O, siya. Sige. Mauna na kami."

Tumango ako at hinatid sila ng tingin. I need to arrange our things first before visiting my mother in the mansion. Pilit siyang nagpaiwan do'n kaya hinayaan ko na lamang. She will surely miss it so, she's living the moment. Ako din naman, ganoon pero kailangan ko munang bigyang pansin ang ibang bagay.

Hindi na lang ang sarili ang dapat kong isipin ngayon. Nag-pull out na ng shares ang lahat ng investor kaya imposible nang mag-operate iyon lalo na't hindi ko pa alam ang kalakaran doon at miserable si Mom. Also, all the shareholders already left. Walang may gustong bumili ng shares kaya wala nang magawa. They probably don't want it because the company is already on the brink of failure. Sa tingin ko'y dapat ko na lang iyon ipaubaya muna kay Kuya Evan. Nag-alok naman siya ng tulong patungkol doon.

Natigil lamang ako sa pag-iisip nang may kumatok. Wala naman akong inaasahang bisita kaya nakakapagtaka. Kunot-noo akong lumapit sa pinto at binuksan iyon.

Umaawang ang labi ko nang makita ang taong hinahanap-hanap ng sistema ko. Ilang araw ding wala kaming komunikasyon, walang kahit ano. Kaya talagang nakabibigla na nandito siya ngayon sa harap ko.

"Hey, I-I just want to ask you if... y-you are free on the weekends?" tanong niya, nangangapa ng isasagot ko.

"Y-yes," basag ang tinig kong sagot. Kahit anong oras niya akong tanungin ay iyon pa rin ang isasagot ko. I missed him so bad. I need him.

Napagtanto kong masyado akong na-attached sa kaniya kaya sa kaunting panahon na nagkawalay kami ay nanghina ako. Hinanap ko iyong kapayapaang siya lang ang may kakayahang iparamdam sa akin.

A while ago, I was devastated. Now that he's here, I am already complete. Completely drawn to him. Completely in love with him.

Ngumuso siya at nagpigil ng ngiti. "I thought you don't want to see me again 'cause you're not answering my calls. I've been a mess, Red. I told you. Please, don't leave me again? I don't like the feeling of being... far from you." Hindi ako nakasagot kaya nag-iwas ako ng tingin.

Tumikhim ako at niluwagan ang bukas ng pinto. "P-pasok ka," aya ko sa kaniya.

He has been calling me?! I didn't know! Hindi ko na siguro namalayan dahil naging busy sa mga problema.

"So, how did you know that I'm here? At hindi ba may pasok ka?" tanong ko para mapigil ang pagkasabik na nararamdaman. Pinili ko na lamang ang tumayo at humalukipkip malayo sa kaniya para hindi niya mahalata ang pagwawala ng sistema ko.

Kagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at tinapik ang kaniyang hita. "Come here," paos niyang sabi.

Nanghihina ko siyang sinunod lalo na't mataman siyang nakatitig sa akin. Parang matutunaw ang mga tuhod ko. Mas nagpalala pa sa nararamdaman ko ang paglikot ng mga paru-paro sa aking tiyan. Siguro'y nabuhayan na dahil sa nariyan siya.

Lumunok siya nang makaupo na ako at lumapit sa aking tainga. "I missed you. So much," bulong niya na nagpahuramentado sa akin.

Pumikit ako at sinandal ang noo sa kaniyang balikat. Ramdam ko ang pagkatigil niya, hindi inaasahan ang ginawa ko.

"Me, too."

He reached for my hands and intertwined it with his. Nanatili ang tingin ko roon. Naluluha sa sobrang bigat ng nararamdaman ko para sa kaniya, hinigpitan ko ang kapit sa kaniyang kamay.

"I'm sorry if I left you like that. It's a short notice," paliwanag ko kahit na gusto ko na lamang ngayon ay manahimik at yakapin siya.

"I got worried... and scared. Akala ko, 'di ka na babalik." Nangatog ako sa sobrang lambing ng boses niya.

"Babalik ako palagi-"

He cut me off. "Paano kung hindi? Kasi pakiramdam ko, may hindi ka sinasabi sa akin. Hmm?"

I lifted my head up to meet his gaze. Nanginig sa paghihinala niya.  "Please keep in mind that I will come back to you. Always."

Namungay ang mata niya na siyang nagpangisi sa akin. Kung palaging ganito ay talagang manghihina ako! Makita ko lang siyang may ganiyang ekspresyon ay parang may nagdidiwang sa loob ko.

Hindi ko nga lang alam kung bakit may parte sa aking gumuho nang marinig mula sa kaniya ang takot ng hindi ko pagbalik. Siguro ay dahil alam kong may laman ang sinasabi niya. Hindi ko lang masabi pero alam ko ang tinutukoy niya. Alam na alam.

Save YouWhere stories live. Discover now