Chapter 1

7.3K 68 1
                                    

Glyssa's POV

"Anak, magingat ka sa maynila ah? Hindi natin alam Kung anong mangyayare sayo don'' Paalala ng nanay ko habang ako naman ay busy sa pagiimpaki ng mga gamit ko.

"Nay, alam ko na 'yon" Nakangiting sagot ko. Ngayon ako aalis patungong maynila. magiging secretary ako sa isang sikat na kompanya sa pilipinas. Kompanya kung saan sari saring sports car ang hinahawakan at Hindi lang yon.

"Basta! Tumawag ka lagi glyssa" At niyakap ako ng mahigpit. Nang matapos na akong magligpit ng mga kakailanganin ko ay lumabas na ako sa aking silid. Nadatnan ko naman ang dalawa kong kapated na nagaaral. Si Glenn na nasa grade 11 at si Glay na nasa grade 9. Napangiti ako sa aking nakita. Kahit na mahirap kami ay nagaaral sila ng mabuti.

"Glenn, Glay" Tawag ko.

"Ate! aalis Kana?" Takang tanong ni Glenn. Nakakalungkot iwan ang mga 'to. Ngunit para sa kinabukasan namin ay keri!

"Oo, babalik naman si ate e! Bibilhan pa kita ng Travis Scott na sapatos diba?" Nangiting tanong ko. Agad namang nagliwanag ang kanyang mata.

"Promise yan ate ah?" Napatango nalang ako. Napalingon ako kay Glay na walang imik kaya naman agad kong nilapag ang hawak kung bag. Alam kong nagtatampo lang ito, ayaw niya kasing matanggap na aalis ako kaya ganon nalang ang tampo nito.

"Glay, wag ka nang malungkot!" Pangungumbinsi ko.

"Eh ate aalis Kana sino ng sasapak sa mga manliligaw ko?" Mangiyak ngiyak na tanong niya. Napatawa nalang ako. Naalala ko na nong nadatnan ko siya May kasamang lalaki, akala ko kung sino kayat sinapak ko agad. Manliligaw niya pala.

"Glay, diba Idol mo si Billie Eilish?" tanong ko.

"Oo ate!" mabilis na sagot niya.

"May bagong labas na merch yun ah? bibilhan kita!" Agad ring nagliwanag ang mata nito.

"Thank you ate!" halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap nito.

"Ano ba glay! Yung ate mo hindi na makahinga!" saway ni nanay kaya naman Niluwagan nya ang kanyang yakap.

"Di pa nga nag tatrabaho ang ate nyo e pasalubong agad ang nasa isip nyo!" Natatawang saway na naman ni nanay. Lumipas ang ilang minutong pagpapaalam ko ay dumating na ang Taxi. Kaya naman kinuha ko na ang Maleta ko kay nanay at kinuha ang bag ko na nakalapag sa sahig.

"Nay, Glenn, Glay, Una nako ah! mahal ko kayong lahat" Nakangiting paalam ko. kahit sa loob loob ko ay gusto kong umiyak kasi mawawawalay ako sakanila. Nay, Glenn, Glay. Para sa inyo naman tong gagawin ko. Para to sa kinabukasan natin.

HABANG nasa byahi ay hindi ko maiwasang isipin si tatay. Namatay siya tatlong taon na ang nakakalipas, pinatay siya ng walang kalaban laban. Tay kung sinuman ang pumatay sa inyo ay hinding hindi ko mapapatawad. Ang hangad mo lang naman ay ang kinabukasan naming magkakapated ngunit bakit ganon? Mabilis Kung pinahid ang mga luha kong kanina pa pala dumadaloy. Itinuon ko nalang ang aking pansin sa cellphone ko. Nang biglang magtext si Chelsea, ang kaibigan ko nong highschool palang ako. Agad ko namang dinial ang kaniyang number at wala pang tatlong ring ay sinagot na niya ito. Mukhang inasahan niya ah.

"Wah! GLYSSA NADI FRIEND I MISS YOU!--" marahan na sigaw ni chelsea kaya inilayo ko muna ang cellphone ko sa tenga ko.

"tsk 'yang boses mo dagat, sobrang lakas" ani ko.

"Eh kasi naman friends limang taon na tayong di nagkita. At puro to text pa!" Yes, she's right. Halos limang taon na nga kaming hindi nagkita. Ang huli ay nong graduation pa ata namin nong highschool. Dumeretso agad siya sa tiyahin niya sa maynila.

My Pervert BossWhere stories live. Discover now