Sweetest Tormented

45 22 33
                                    


The most painful weep are unheard cries... there's a million daggers responsible for it... but you're trying to act like everything is okay because you want to protect something.
-anonymous





Magkasama kami ni Morgan ngayon ang boy best friend ko na naglalakad sa hallway ng school namin. Papunta na kami sa kanya-kanyang room dahil tapos na rin ang lunch break.

"Best may hihingin sana akong pabor sayo."

Nakita ko ang kagalakan ng bigkasin niya ang mga salitang iyon. Kaya hindi ko maiwasang mahawa sa ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi.

"Ah... Ano naman yun?" sagot ko.

"Monthsary namin ng girlfriend ko bukas at gusto kong surpresahin siya. Magpapatulong sana ako sayo."

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang sinagot niya. Tila may kumirot sa aking puso. Mahapdi. Matagal bago ako nakasagot sa kanya.

"H-huh?"

"Pleasssssee! Bespren naman kita eh. "

"Uh. Tawagan mo nalang ako mamaya Morgan may gagawin pa pala ako. Sige mauna na ako."

Nagmamadali akong umalis para makaiwas. Makaiwas sa sakit ng nararamdaman. Yes, I'm inlove with my best friend that it hurt so much.

Since grade school palang ay na-inlove na ako sa kanya. Gusto ko man aminin ngunit natatakot ako. I'm scared because he mean more than a bestfriend to me. I'm scared because our friendship may ruin because of my feelings. Natatakot akong iwasan niya pag nalaman ang nararamdaman ko kaya nakukuntento nalang sa pagiging kaibigan, pagiging 'bestfriend'. Kahit alam mong sobrang lapit niyo lang sa isa't-isa ay pakiramdam mo hindi mo siya kayang abotin. Yung pakiramdam na siya nasa mataas at ikaw nasa ibaba lang.

Pinangiliran ako ng luha ngunit pinigilan ko iyon. Ayaw kong makita ng iba kung gaano ako kahina.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon naghahanda ng matulog nang magulat ako sa biglaang pagvibrate ng cellphone ko. Pagtingin ko dito si Morgan pala, tumatawag.

"Bes napatawag ka?"

"Bespren yung napag-usapan natin kanina? Dito nalang natin gagawin sa bahay."

Batid kong may saya sa kaniyang boses ng sinabi iyon.

"Huh? Wala akong matandaang may pag-uusap tayo kanina?"

Naguluhan ako sa sinabi ni Morgan. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kanina ngunit hilam ang larawang nakikita ko sa isipan, at sumasakit lang ang ulo ko kung pipilitin kong isipin ang kaganapan kanina.

"Eh... Best nakalimutan ko ano nga ulit yun?"

"Bianca napapansin ko lang this past few days parang nagiging ulyanin kana." Seryosong wika niya.

Tumawa ako para basagin ang kaseryosohan ni Morgan. Pero aaminin ko maski ako napapansin ko rin minsan na nagiging makalimutin na ako, ngunit isinawalang bahala ko na lang yun.

"Grabe ka naman sa word na ulyanin. Pero seryoso, ano yong napag-usapan natin kanina?"

Matapos niyang magsalita patungkol sa napag-usapan namin kanina ay parang pinagsisihan kong marinig ang mga katagang yun. Tila tinusok ng karayom ang puso ko ng marinig ang pabor na hiningi niya. Ngunit ito ako ngayon, nagpapakatanga nanaman sakaniya. Pinipilit maging maayos kahit sa kaloob-looban ko'y nagdurugo na.

Pinagbuksan niya ako ng pinto pagkarating ko sa bahay niya. Napansin kong tila abot tenga ang pagkangiti niya ng sinalubong ako.

"Salamat naman at nakarating kana Bianca. Excited na excited na akong gawin ang surpresa ko."

Sweetest Tormented (oneshot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon