Story #12
You: Anong gusto mong gawin ko?
Stranger: Mahalin ulit ako
You: Mahirap yun.
Stranger: mahirap ba talaga akong mahalin?
You: Iniwan mo ko para sa iba. Anong karapatan mong hingin ang isang bagay na pinagdamot mong ibigay?
Stranger: Sana ako nalang. Ako nalang ulit.
Stranger: Ang sakit sakit na e.
You: Shinota mo bestfriend mo.
You: Mali yon. Nandito naman ako e.
You: But you chose to break my heart.
Stranger: ang dame mong alam na lines :(
You: Nagmemorize ako para mahalin mo ko. Anong nangyare? Nainlove ka pa rin sa iba. Tangina.
Stranger: Ikaw lang naman talaga mahal ko e. Ilang linggo palang tayong break may iba ka na agad??? Alam mo ba yung 3 month rule??
You: Bulag ka ba o ano? Kapatid ko yun. Kahit kailan talaga di ka nakinig sa kahit anong sinasabi ko.
Stranger: Kapatid mo??? Kahalikan mo??? :(
Stranger: Mas masakit...
Stranger: Binigay ko na sayo lahat pero bakit di parin sapat
You: Wag mo akong binabaliktad. Para kang karinderya na bukas sa lahat ng gustong kumain. Di ka pa nakuntento sa bestfriend mo. Pati tropa ko? Tama na.
You: Once? Thrice? Gaano kadalas ang minsan?
Stranger: Hindi ako ganun... Ikaw lang talaga...
You: Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?
You: Ba't pa ako magtatanong. Di mo ako mahal. Di mo ako kailangan. May Richard ka na nga e. May Phillip at Ryan ka pa.
You: Baka gusto mo idagdag tatay ko ha?
Stranger: Mahal na mahal kita at ang sakit sakit na... ang sakit mo mag salita :(
You: Truth must really hurt then.
Stranger: .... I love you
You: Para kanino yan?
You: Wag mong sirain ang sagradong salita na tanging may puso lang ang may karapatang gumamit.
Stranger: Di mo na ba talaga ako mahal?
You: Hindi na. Matagal ko ring pinanghawakan ang salitang 'kaya ko pa' bago ako sumuko at sinabing 'ayoko na'.
Stranger: Paano na tayo? sinayang mo lang ang 4 yrs...
You: 4 years...8? 10? Wala yun compared sa ginawa mo. Bakit sa condo ko pa? Paano mo naatim yun?
You: Dun pa kayo nagmilagro ng bestfriend mo. Ha. Galing mo rin ano.
Stranger: Ang lalim beh.. Ang lalim ng pagmamahal ko sayo. ikaw lang naman talaga e. ikaw lang. sayo ko lang kayang ibigay ang lahat ko.
You: Hindi na ako maniniwala sa ik4w Lh4Ng sz4pH4t nU4ah mo.
You: Ako ang boyfriend. Pero tangna. hahaha. Antay pa para sa kasal? The fuck. Iba na pala.
Stranger: but today, i resolved to stop bothering you. i have decided to let you be and give you the space you asked for...
You: I will be grateful for I have no good memories with you. I wish i could unwrite the past.
You: unmeet you.
You: unlove you.
Stranger: i almost died... and everyday i wish i did
Stranger: how can i unlove you b3h
You: I don't deserve to be treated like this. Binaboy mo ang condo ko. Ang pag-ibig ko sa'yo. Nawalan na ako ng respeto. Anong sabi ng mga magulang mo?
You: Subukan mong sabihin na ako ang ama niyang dinadala mo...baka pumayag ako. Dahil ganon ako katanga sayo. Ganon ako kagago.
Stranger: Hindi totoo yan b3h. Bakit ka ba nakikinig sa kasinungaling ng iba???
Stranger: :( bakit wala kang tiwala sa akin
You: Kasi ang totoo, kahit na anong gawin ko, tulad nga ng sabi mo umaasa pa rin akon na sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit.
Stranger: Mahal mo parin ba ako? Ayusin naman natin to
You: Ibalik mo yung babaeng minahal ko.
You: Hindi yung babae na ikaw ngayon.
Stranger: Paalam na... May cancer ako... ngayon na ang huling oras ko para mabuhay... patawarin mo sana ako...
