C H A P T E R 2

456 61 34
                                    


Nang imulat ni Cindy ang mga mata ay pumapatak ang malalaking butil ng ulan sa kanyang katawan, madilim ang paligid at ramdam niya ang tubig sa kanyang hinihigaan. Bumalikwas siya nang bangon at saka pa lang namalayang na sa hukay siya. Pilit siyang umahon pero madulas at malambot ang lupa, dinadala lang siya nito paibaba na parang ayaw siyang paalisin.

"Saklolo.." nanghihina niyang sabi sa nakatalikod na lalaki, nakasuot ito ng itim na kapute at nang humarap ito ay akmang hahampasin siya nang hawak na pala. Malakas siyang napasigaw at pagmulat ng kanyang mga mata ay sumalubong ang nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa terrace ng kuwarto.

Bumalikwas siya nang bangon habang habol ang hininga at naninikip ang dibdib. Mariin siyang napapikit at nagpasalamat sa Diyos dahil panaginip lang pala. She noticed that she's wearing a white longsleeve and underwear swamped with blanket.

She quickly turned up and changed her clothes dahil naalala niya ang nangyari kagabi. Palaisipan pa sa kanya kung sino ang nagdala sa kanya sa kama at nagpalit ng kanyang damit.

Ang naalala niya ay nakahiga siya sa bathtub habang pinagsasawa ang katawan sa malamig na tubig na nagmumula sa shower. She faced the mirror and the stranger's kissmark was there. She took a handkerchief and wrapped it on her neck bago lumabas ng kuwarto at dumeretso sa kitchen.

"Good morning," bati ng ibang empleyado roon. Tinanguan niya ang mga ito. She took the glass at dumeretso sa ref to get the freshmilk.

Paglingon niya ulit ay may kumuha ng baso niya at ininom ang gatas na inilagay niya. Isang matangkad na lalaking malakas ang dating ang na sa kanyang harapan ngayon, moreno ito pero matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Medyo makapal ang labi pero bumagay iyon sa maliit na mukha ng lalaki.

Maybe that guy is one of the chairman's grandson, nanatili lang si Cindy sa pagtitig sa lalaki habang iniinom nito ang gatas na hinanda niya sa para sa sarili. That guy didn't notice her dahil nakafocus ang interes nito sa hawak na libro.

Napansin lang siya nito nang ibaba ang baso, tumango siya sa lalaki but he just seriously looking at her.

"Are you a new maid here?" seryoso nitong tanong habang kunot-noong nakatitig sa kanya.

"H-Ha?"

"Nevermind," tinalikuran na siya nito at naglakad palabas sa kitchen.

"Seriously? Do I look like a maid here?" bulong ni Cindy sa sarili.

"Ganyan talaga si sir Riyu," nagulat siya nang may magsalita sa likuran.

"R-Riyu?" pag-uulit niya nang harapin niya ang nagsalita.

"Oo," nakangiting sagot ng babae, siguro'y magka-edad lang sila. Simple lang ito at morena, mababa rin ng konti kaysa sa kanya.

"Ako nga pala si Sheila, maid ako rito." Pakilala nito sa kanya.

"Cindy," sagot niya sabay ngiti.

"Si sir Riyu kasi para siyang may sariling mundo, hindi niya pinapansin ang mga tao sa paligid niya puwera na lang kung libro ka." Natatawang kuwento ni Sheila. "Pero ang pinakagusto ko sa lahat ng apo ni chairman, si sir Ryusei. Hindi kasi katulong ang tingin niya sa amin kung 'di pamilya na. Teka? Bago ka lang ba rito?" tanong nito habang pinagmamasdan din siya.

"Oo, p-pamangkin ako ng secretary ni chairman." Nahihiya niyang sagot pero bigla itong tumungo.

"Hala sorry, nagfeeling close kaagad ako sa 'yo. Marami pa pala akong gagawin," bigla ay nag-aalala nitong sabi bago humarap ulit sa kanya.

"It's okay, wala naman akong kaibigan dito at gusto ko rin magkaroon nang makakausap." Agad namang umaliwalas ang mukha nito sa sinabi niya.

"Talaga?" tumango si Cindy at niyaya na itong maupo.

CINDERELLA AND THE DARK KNIGHTS 🔞 - SEASON 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang