Chapter 23: Don't Leave Me

31.7K 1.2K 291
                                    

Chapter 23

Hinalikan muna ni Tristan ang noo ko bago siya umalis. Hinatid niya muna ako sa amin. Napansin ko ang lapad ng ngiti ni Mom habang nakatingin sa 'kin. Mukhang gustong-gusto niya talaga si Tristan.

Hindi ko naman siya masisisi kasi talagang napakabuting tao ni Tristan. Simula nung nagloko si Dad ay hindi na siya marunong magtiwala sa isang tao.

Pero kay Tristan binigay na niya ang buong tiwala niya.

"How was your day?"

Nilapitan ko si Mom at hinalikan ang pisngi niya. Nilingon ko naman ang kapatid ko na busy sa paglalaro ng moba.

"Maayos naman po."

Kahit na nakangiti siya ay napansin ko ang lungkot sa mukha niya na para bang may bumabagabag sa kanya.

"Anong nangyari, Mom?"

Nawala ang ngiti sa labi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya. Napansin kong namamasa rin ang mata niya na para bang gusto niyang umiyak.

"Si Dad po ba ang dahilan?"

Marahan niyang pinisil ang kamay ko samantalang napuno naman ng galit ang nararamdaman ko.

"Pumunta siya kanina sa restaurant at humingi ng tawad. Gusto na niyang uwuwi rito kasi miss na raw niya kayo."

Napailing ako sa sinabi ni Mom. Ayokong makita si Dad kasi sobrang naiinis ako sa kanya sa ginawa niyang pananakit kay Mom.

"Hindi namin siya kailangan!"

Mabilis akong nagtatakbo paakyat sa kwarto ko. Binalewala ko lang ang pagtawag sa 'kin ni Mom.

Pagdating ko sa kwarto ay bumuhos na ang luha ko. Aaminin kong namimiss ko si Dad pero hindi ko siya kayang makita kasi muling bumabalik sa ala-ala ko ang lahat.

Kung saan mas pinili niya ang babaeng 'yon kaysa amin na pamilya niya.

Nanunuod ako ng kdrama nang mag message sa 'kin si Tristan. Sinabi niya na miss na raw niya ako. Syempre emoji lang na puso ang nireply ko sa kanya.

Hihintayin ko ang araw na kay Tristan naman tumibok ang puso ko. Hinihiling ko sana na mawala na sa landas ko si Grey para maglaho na ang nararamdaman ko sa kanya.

Ang panunuod ko ng kdrama ay napunta sa pag sstalk ko kay Grey. Mayroon siyang bagong post na litrato niya habang naka school uniform siya.

Naiinis ako kasi napaka gwapo niya, mas lalo na sa personal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naiinis ako kasi napaka
gwapo niya, mas lalo na sa personal. Habang titigan siya ay talagang hindi mo mapipigilan na mahulog sa kanya.

Matagal na rin pala siyang nagpopost about sa kaibigan ko. Litrato niya lang ang pinopost niya pero about naman kay Kiersten ang caption niya.

Naabala ang pag sstalk ko sa kanya nang biglang tumawag ang kaibigan ko. Ang babaeng mahal ni Grey.

[I badly need your help.]

Fake Girlfriend of Mr. Famous (Completed)Where stories live. Discover now