23 ~ Epal >__<

36K 484 14
                                    

Salamat sa mga nagbabasa.

Vote and comment

xoxo

-Yna's POV-

Arggh nakakapagod. Nakakainis naman kasi si Lynd, pinapunta pa ko dun sa gimik ng iba pa nilang kaibigan sa ibang school.

Oh well ayos na din kasi nag-enjoy naman ako.

Ayy friday na bukas kaya tatlong araw nalang yung pahinga namin bago mag-practice para dun sa battle.

Gagawa ng banda tapos yung iba yata eh sasayaw. Basta kami ni Lynd ang lead vocalist.

Napag-tripan na naman kami pero eto namang si Lynd gustong-gusto.

*kring *kring

Sinagot ko na yung phone ko kahit hindi ko pa nakikita kung sino.

"Hoy" sabi nung caller.

Wow ha, gandang pambungad. Alam kong alam nyo na kung sino toh.

"Oh ano na namang kailangan mo ha Master? Miss mo ko no?" sabi ko.

Ano naman kayang gusto nito?

"Tss, punta ka dito sa bahay ngayon." sabi nya.

"Ha?! a--"

*toot *toot

Arrghh binabaan na naman ako. Asar >___<

Kainis! Ano bang kailangan nya ng ganitong oras?

Haleer gabi na kaya! Buti sana kung nandun lang sya sa kabilang dorm pero dun pasa bahay nila.

Aish bahala na.

-Lynd's POV-

"Ano ba kuya bakit hindi ka mapakali dyan? Ginugulo ka pa ba ni----"

"Lance pwede ba wag mo nang ituloy yan" sabi ko at umupo.

"Okay" sabi ni Lance at nag-shrug.

Pumikit ako at sumandal sa sofa. Stress ako these past few weeks.

Nakakainis naman kasi.

Tinakapan ko yung mukha ko gamit yung dalawa kong kamay.

"Tss, miss mo na no?"

Napadilat naman ako nang marinig ko si Ate Ella. Naupo pala sya sa kabilang upuan.

I'm His Slave and He's My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon