Kapitulo Viente (FINALE: THE

6.5K 250 229
                                    


Orpheus Regeant Valerio

"Welcome back, Orpheus."

Tinanggal ko ang suot na aviator shades at matamang tiningnan ang pinsan ko. Si Diana ang sumundo sa akin nang tumawag ako sa isla na uuwi na ako. "I'm not pleased with what you did, Diana. I don't care if you found yourself a family, but damn you for turning your back at us."

Hindi ko inasahan na sa pagbalik ko ay malalaman ko lang na bumaba na pala siya bilang presidente ng Valerio Distilleries. I'm not really pleased, in fact, I want to slap her so hard. She just smiled at me. "I love the countryside life. Si Gabryela na ang bahala."

"Fuck you." I cursed at her. Tinawanan lang ako ng hudya. "Hindi talaga ako natutuwa sa ginawa mo. And Gabryela is not trained for the distillery. Putang ina mo talaga, Fuerteventura. I'm on a vacation and Mamita called me to reinstate you."

Mas lalo lang siyang tumawa. That's the thing I like about her. Hindi siya sumasagot ng pabalang kapag pinagsasabihan. No wonder she's my favorite cousin. "I've already talked to her. Naiintindihan naman niya ako."

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. "What did you promise her?"

Alam naming hindi basta-bastang pumapayag ang aming abuela sa mga padalos-dalos na desisyon. Para sa kaniya, dapat palaging pinag-iisipan itong mabuti at tingnan kung may masasaktang ibang tao o wala.

"A grandchild," she said, grinning. Napailing ako, hindi na ako nagulat sa sagot niya. Apo lang naman ang kaligayahan ni Mamita. "I've asked a favor from Arion."

Tumingin ako sa labas ng bintana. We stopped on a stop light. Sa kanan ko ay naroon ang Rafiq Towers at sa ibaba nito ay ang Coffeedom. I shook my head as memories filled my mind again. "Why would you?" Hindi siya sumagot kaya nagbaling ako sa kaniya. "Don't tell me..."

Pinaandar na niya ulit ang sasakyan dahil nag-go signal na ang traffic light. "I did."

"Are you out of your mind?!" Nagtaas na na naman ako ng boses dahil ang gago minsan ng mga desisyon niya. Alam ko kung ano ang pabor niya na hiningi sa pinsan namin. In which, by the way, ay ex-wife ng asawa niya. "Putang ina mo talaga, Diana. Bakit hindi mo gamitin iyang titi mo? Natural lang na ikaw ang maglalagay ng punla sa asawa mo."

"Hindi ko kaya."

Anong klaseng sagot 'yon? Kung ako ang biniyayaan ng ganiyan ay hindi ko palalagpasin ang pagkakataong magsabog ng lahi sa sanlibutan, kaso ay hindi. "Ang bobo mo din minsan sa reasoning, Diana. Manuod ka ng porn or whatsoever, at nang magkaroon din ng silbi iyang meat needle mo."

"Pag-iisipan ko," sabi niya pa. Hindi nalang ako nagkomento pa at baka may iba pa akong masabi. Sumasakit ulo ko sa kaniya.

Maya-maya pa ay tinatahak na namin ang daan papunta sa private village ng pamilya. Nasabi ko kasi sa kaniya na hindi muna ako uuwi ng isla dahil hihintayin ko pa ang parents ko na makauwi galing sa England. Wala din kasi si Mamita, tumawag ako sa kaniya kagabi at ang sabi niya ay nasa Bucas Grande siya. At ayaw kong madatnan ng kakambal ni Diana, paniguradong papabantayan na naman sa akin ang alaga nitong ahas.

"So, what's the catch?"

Kasalukuyan kaming naglalakad sa bahay nang itanong niya sa akin 'yon. That question is our secret message if we have a mission. "Wala, gusto ko lang umuwi. I'm on a vacation. Sina Hawk at Phoenix na muna ang inatasan ni GM."

"So, kailan ka mag-uuwi ng babae dito sa bahay ng parents mo?"

Sinipa ko siya sa binti. "Wala akong plano. Sige na, umalis ka na. Umuwi ka at lambingin mo asawa mo. Then, you barubal her tonight."

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now