C H A P T E R . 03

2.6K 49 0
                                    

" Travil ano ba nangyayari sayo?" Inaantok pang turan ni Gilbert sa kaibigan ng umupo sa counter ng kusina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Travil ano ba nangyayari sayo?" Inaantok pang turan ni Gilbert sa kaibigan ng umupo sa counter ng kusina.

Nakaharap sya salas nila, nakapikit pa nga yata itong hinahalo ang kape nya.

It's Saturday at walang ibang ginawa si Travil kundi maglakad lakad ng pabalik balik sa harap ng T.V, kung mangangawit naman sya ay uupo sya sa sofa, kung hindi ay hihiga sya at kung mayayamot naman ay kung ano ano naman ang gagawin nya that is causing so much noise.

"Ni hindi na yata ako nakatulog kagabi." Yamot na napakamot ng ulo si Bert

"katok ka ng katok tas wala ka namang sasabihin, at anong ginagawa mo sa washing machine kagabi? Naglaba ka? Yung pinto mo kagabi? Na loose thread na ba? Naku naman bro, panira ka ng panaginip ko kagabi eh" asar na humigop sa kape nya si Gilbert.

Kagabi pa hindi mapakale si Travil tas damay pati ang mahimbing na pagtulog ng kaibigan dahil nakatira lang naman sila sa iisang condo unit, malaki naman ito at may dalawang kwarto.

Travil sighed, pagod narin sya at nararamdaman ang unting pagka-antok pero hindi talaga nya mapagdisisyunan ang gagawin.

"Seriously, did you even sleep?" Travil sarcastically look at his friend " do I look like?" He said frustrated, crashing his body down on the sofa.

Gilbert laughed "nai-stress ka na ba sa mga patay na patay sayo? I told you i-reto mo nalang kasi saakin" napakunot noo si Travil sa narinig.

" Bert, mga istudyante sila, dun ka kay maam Shaina" liningon nya ito "kaso wala talaga nagkakagusto sayo eh" dagdag nyang pagbibiro.

Na-offend naman na dinuro ni Gilbert ang kaibigan " masakit ka magsalita ah" saad nito at natawa nalamang si Travil sa hitsura nya. "Tumahimik ka nalang muna jan, mas lalong gumugulo isip ko eh" umayos ng higa si Travil at ipinikit ang mga mata.

"Ano ba yang nasa isip mo? May jowa ka na?" Tanong ni Gilbert habang iniinom ang kape "Tss, wala.." agad naman na sagot ni Travil.

"Oh may natitipuhan ka na? Hindi ka na marunong mangligaw bro? Naku torpe ka na pala" napaupo si Travil

"Hindi ah!" Agad nyang depensa "Hindi ako Torpe! At wala akong nililigawan" sumandal sya sa sofa at ginulo ang buhok.

Natawa naman si Gilbert " oh baka naman nakabuntis ka na ah!" Travil winded "Hindi ah!" Halos mapa-tayo si Travil na sumagot.

Natigilan si Gilbert sa pagtawa at paginom ng kape nya.

Nakaawang ang bunganga nyang tinitigan ang kaibigan nya, hindi sya makapanilwala "s-sure ka?" Mautal nya nang saad, he knows Travil well, hinahayaan nya lang ito.

Travil got anxious at di mapakali, kung seryoso at may  problema man sya? wala syang balak sabihin yun kahit kanino.

He never open up those things, tsaka nalang pag handa na sya o kaya okay na ang lahat.

Misery Changed By Mistake (ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ)Where stories live. Discover now