E N T R Y #4

3 0 0
                                    

E N T R Y #4
🔥🔥🔥🔥🔥
“Paalam”

***

May mag jowang nag-uusap thru chat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May mag jowang nag-uusap thru chat.

Boy: Labs, mahal mo ba talaga ako?

Girl: Ha? Anong klaseng tanong yan labs?

Boy: Basta, sagutin mo nalang please.

Girl: Hay nako! Syempre naman oo.

Boy: So gaano mo ako ka mahal?

Girl: Mahal na mahal. Sobra! Sobra! 101%.

Boy: Mahal din kita. Sobra!

Girl: Eh.... Alam ko. Hehe.

Boy: Labs, may dare ako sayo.

Girl: Nako labs! Anong dare na naman yan? Kalokohan. Hmp!

Boy: Hindi labs. Kapag nagawa mo ‘to mapapatunayan mo din sa akin kung gaano mo ako ka mahal.

Girl: Ano ba yan?! Ikaw siguraduhin mo lang na matino 'yan. Wag kang ano ha? Mga bata pa tayo.

Boy: Haha! Green minded pero hindi ‘yon. Hindi ako ganon.

Girl: Eh? So ano na? Anong dare?

Boy: Kaya mo kaya akong hindi i-chat, tawagan or i-text in 2days?

Girl: What? Ano ka ba naman?! Bakit ko naman gagawin yun? Sira ka ba??

Boy: Labs.... May tiwala ka ba sa akin?

Girl: Oo naman. Pero wag namang ganyan. Ano ba?! May iba ka na bang mahal kaya mo yan sinasabi? Ha?
Sabihin mo lang.

Boy: Relax! Nangako ako sayo at sa parents mo na hindi kita lolokohin kaya wala kang dapat ipag-alala. Wala akong iba. IKAW LANG.

Girl: Eh kasi naman eh.

Boy: Sige na labs please? Pumayag ka na. Mahal mo naman ako eh.

Girl: Hmp! Pasalamat ka nga't talagang mahal kita.

Boy: Yieeee. I love you labs.

Girl: Ewww! korny pero I love you too labs ko.

(At dahil nga mahal ni girl si boy ay sinunod niya ang gusto nito. 2 araw niya itong hindi chinat, tinext, tinawagan at kinita upang mapatunayan niya dito na mahal na mahal talaga niya).

>>>>AFTER 2 DAYS<<<<

Masigla at masayang nagtungo si Girl sa bahay ni Boy kung saan ay naabutan niyang nag-iiyakan ang mga tao doon at nakita niya ang tarpaulin na may mukha ng kasintahan sa may pinto ng bahay nito.

Girl: Mahal.... Anong kaganapan to? Hehe. Loko ka.

Yan lamang ang nasambit niya bago siya tuluyang pumasok sa pinto ng bahay ng kasintahan kung saan ay sinalubong siya ng ina nito.

Nanay: Anak, wala na ang boyfriend mo. Wala na ang anak ko.

Girl: Po? Wag naman po kayong magbiro ng ganyan tita, hindi po nakakatuwa.

Kahit na aware siya sa mga nag-iiyakan sa paligid ay hindi parin ito mag sink in sa utak niya.

Nanay: Iha, matagal ng may sakit ang anak ko. Na diagnose siyang may cancer sa dugo isang taon na ang nakalipas at binigyan na siya ng taning ng doctor, ayaw lang niya itong  ipaalam sayo dahil alam niyang malulungkot ka. Alam kong lumaban ang anak ko hanggang sa huli pero nung araw na naka-chat ka niya, doon din mismo, bumitaw na siya.

Tumulo ang luha ni girl at gusto niyang hilingin na sana ay panaginip nalang ang lahat.

Nanay: Siya nga pala, sabi ng anak ko ibigay ko daw to sayo.

Kinuha niya ang sulat at binasa.

Labs, nakaya mo! Mahal mo nga talaga ako, pero mas mahal kita. Tama na ang iyak, maayos na ako o? Wala ng pupunas ng luha mokaya sana tigil mo na yan. Tama na please? Alam mo kung bakit 2 days yung hiniling ko? Gusto ko kasi pag nakita mo ako maayos na ang lagay ko, kaya eto....
Be proud boyfriend mo to. Nakaya mo at alam kong kakayanin mo pa.
Buhay ko lang ang nawala pero lagi mong tatandaan na hinding hindi ako mawawala sa puso mo. Paalam labs ko, Mahal na mahal na mahal kita.

***








R A N D O MWhere stories live. Discover now