Chapter 3

2.6K 88 13
                                    


NAGLALAKAD si Claudette sa corridor sa second floor ng business administration building nang bigla ay may maramdaman siyang malaking bultong umagapay sa kanya. Napairap siya nang mabalingan ito at makilala kung sino ito. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nitong panggu-goodtime sa kanya sa party ni Hero. Kahit na matagal itong nawala sa paningin niya ay hindi nabura ang inis niya rito.

"Hi," nakangiting bati nito habang patuloy na umaagapay sa paglalakad niya.

"Anong ginagawa mo sa building namin?" nakataas ang isang kilay na tanong niya rito.

"Bakit? Masama bang tumapak sa building ng iba?"

Tumigil siya at humarap rito. "Kung ikaw, oo!" Umirap siya at lumiko patungo sa hagdan. Tumawa lang ito. Umakyat din ito nang umakyat siya at patuloy na umagapay sa paglalakad niya sa corridor sa third floor.

"Sinusundan mo ba 'ko?" iritableng tanong nito.

"Oh, so you noticed?" Halatang nang-aasar ito.

"Why the hell are you following me?"

"Because I know your plan."

Kumunot ang noo niya. "What plan?"

Tumingin ito sa paligid. Medyo maraming estudyanteng naglalakad sa corridor. Bigla na lang nitong hinagip ang braso niya at hinila siya papasok sa isang silid na bakante.

"Bitiwan mo nga ako!" marahas niyang binawi mula rito ang braso. Itatanong pa lang sana niya rito kung bakit siya nito hinila doon ngunit nagsalita agad ito.

"I just want to warn you, Claudette." He stepped closer. Umatras siya hanggang sa maramdaman ang paglapat ng likod sa pader. Itinukod nito ang dalawang kamay sa magkabila niyang tabi at inilapit ang mukha sa kanya. "The moment you do anything that could break Jerry and Starr apart, you will regret it," pagbabanta nito.

Natigilan siya. Alam nito ang tungkol sa plano nila ng mga kaibigan na gumawa ng paraan para paghiwalayin sina Jerry at Starr? Labis siyang nasaktan nang malaman na magnobyo na ang dalawa two weeks ago. Nakumbinsi siya ng mga kaibigan na dapat nilang gantihan si Starr. Pinagsalitaan siya ni Jerry at napahiya siya sa mga tao nang dahil dito. She was badly hurt. She could not stand seeing them happy while she was there---alone, brokenhearted and lonely with broken ego, as well.

"Patahimikin mo na 'yong dalawa. They are happy together. They love each other. Ikaw, you should be happy, too. Move on. You shouldn't be wasting your time trying to exact pointless revenge. Let go of your hate and hurt. And find your own hapinees. Napakaraming lalaki sa paligid. Hindi lang si Jerry. Stop wasting your time to someone you know couldn't be yours."

Nanigas ang mga panga niya. "Bakit ka ba nakikialam? Por que ba pinsan mo si Jerry, feeling mo meron ka nang karapatan na pagsabihan ako nang ganyan? Mind your own business, okay?" Inilapat niya ang mga palad sa dibdib nito at itinulak ito. Nagtangka siyang lumakad na palabas ng silid ngunit muli ay hinagip nito ang kanyang braso.

"I'm warning you, Claudette. Stay away from the two. Kapag may ginawa ka sa kanila, lagot ka sa akin. At hindi ako nagbibiro," nakangising sabi nito na pinisil pa ang kanyang baba bago siya iniwan sa loob ng silid.

Hindi siya natatakot dito. Tuloy pa rin ang plano. Kumakalap pa lamang sila ng mga kaibigan ng mga impormasyon para makabuo ng isang konkretong plano.


"SURE!" pagpayag ni Morris sa pagyayaya nina Frei at Jacob na pumunta sa Trigger Bar mamayang gabi. Naglalakad siya kanina sa school ground nang maraanan niya ang mga ito na nakaupo sa bench. Tinawag siya ng mga ito hanggang sa magkakuwentuhan na at mauwi sa pagyayayaan na gumimik.

CLAUDETTE, The Queen Bee (St. Catherine University Series #5) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt