Prolouge

34 1 0
                                    

Kinakapos ang hiningang nag tago si Hiro sa ilalim ng puno,dahil kanina pa ito hinahabol ng mga student council sa kadahilanan na nahuli itong nakikipag make out sa tapat lang ng CR.

"Akala mo makakatakas ka?"Walang emosyong wika ni erika sa gilid niya.

"Fuck?"Wala sa sariling bulong ni hiro ng makita niya ito sa gilid ng puno na nakasandal.

"Ilang ulit kitang binalaan hindi ba?pero ang kulit kulit mo.Wala na akong magagawa kundi bitbitin ka pabalik sa office"Wala pa ring emosyon ang mukha nito hanggang ngayon.

'Kelan ko ba ito nakitang ngumiti o tumawa man lang?'Natatawang sabi sa isip ni hiro.

"Bakit ba kasi kailangan pang sunduin yang mga kalokohan na yan hindi naman yan makakagulo sa pag aaral, hindi ba?"Pangangatwiran ni hiro ngunit sa halip na mag salita ang dalaga ay hinawakan niya si hiro sa kuwelyo at aakmang hihilahin ng hitakin niya ang kamay ng president.

Wala sa sariling napamura si Erika ng matumba ito sa lalaking kanina niya pa hinahabol.

Hindi pa nakakakurap ang binata ng mabilis na bumangon si erika mula sa pag kadagan sa binata.Kitang kita naman niya ang ngisi nito kaya wala sa sariling napahawak siya sa pisnge para takpan ang mukha dahil biglang nag init ang mukha nito.

"Uy!Namumula si president!"Tukso ng binata.Nanatiling tahimik si Erika kaya tumahimik ang binata at tumayo.pinagpagan ang sarili saka sumunod sa palayong bulto ni erika,na ngayo'y tahimik na nag lalakad.

Habang papalapit ang dalawa sa opisina ay hindi maiwasang mag bulungan ng mga taong nakakas-
alubong nila.Pero hindi ito ininda ni erika kaya tuloy lang ito at mataas ang kompyansang taas baba na nag lalakad,Dahil alam niyang hindi naman tatakas ang binata.

May namatahan si erika na isang lalaki na malaki ang ngisi na nakatingin sakanya,kaya napaikot nalang ang mga mata nito at huminto sa tapat ng lalaki na kung ngumisi ay tila ba nananadya.

"Give me your piercings or else..."Agad namang tinanggal ng lalaki ang hikaw at ibinigay 'yon kay erika na walang emosyong nakatingin sa kanya.

Naka ngisi pa rin ito ng umalis na ang dalaga,at nag papasalamat dahil napansin na naman siya ng dalaga.

Nakarating ito sa opisina ng tahimik,na lagi naman dahil wala namang dahilan ang ilang member ng SSC para mag salita lalo na't nasa paligid lang ang babaeng hindi palasalita.

"Anong gagawin ko dito?"Pabalang na tanong ni hiro sa dalaga.

Nag tinginan pa ang ilang staff sa loob ng opisina bago napag desisyunan na umalis para bigyan ng privacy ang dalawa.

"Linisin mo ang buong office,"Tipid na sagot ni erika saka bumalik sa ginagawa nito.

"Ano ako?utusan?may taga linis naman dito ha?ikaw?pwede ikaw naman hindi ba?kasi ikaw naman ang president dito kaya maaaring ikaw nalang,"mayabang na sabi ni hiro at inilagay ang mga kamay sa batok at mayabang na ngumisi.

"Why?You think?Supreme Student Council President is an alternative for janitor?"makahulugang tanong ng dalaga sa binatang tamad na tamad naka tayo habang lumilinga linga.

"At bakit din?Sa tingin mo rin ba na,as the son of the owner of this school and the most handsome god in this academy is another alternative for janitor?"Mayabang na ngumisi si hiro ng makitang mamula dahil sa galit ang presidente ng school.

"No,but as a president of this school,i have rights to make you follow me,at hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit ka malalagay sa komplikadong pwesto na 'yan ngayon hindi ba?so don't make me repeat kung ayaw mo mabalian ng buto sumunod ka nalang,"Walang emosyon na bumalik ang atensyon niya sa ginawa.

Napailing nalang si hiro at hinanap ang mga panlinis saka ginawa ang mga inuutos ng presidente.

Gusto niyang inisin ang babae ngunit may parte sakanyang takot na mabalian nang buto,dahil naniniwala siya na gagawin nga nito ang sinabi nito kani-kanina lang.

The Supreme Student Council.Where stories live. Discover now