Chapter 3

6 2 0
                                    

Nag lalakad si Hiro patungong opisina ,pero naka rinig 'to ng sigawan kaya't dali dali niya 'tong pinuntahan at nakita ang grupo ng babae na kinukumpulan.

"Hoy!Ano yan?"Sigaw niya sa mga babae kaya agad namang nag sitabihan ang mga babaeng kaninang nakakumpol.

Sa isip isip niya.tutal Vice president naman na siya bakit hindi niya pangatawanan ang tungkulin at gawin ang tama tulad ng gusto ng kanilang striktong presidente.

"Wala naman 'to Hiro,may tinuturuan lang ng leksyon dahil masyadong pakielamera,"Napairap ang mga babae habang nag sasalita ang isa.

"Hindi malaya ang school na 'to sa pambubully kaya kahit pag salitaan niyo lang yan ay bawal,saktan pa kaya"Seryoso niyang sabi sa mga babae,nalukot ang mukha ng ilang babae na tila ba natakot pero si Veronica ay nanatili ang mapanghamon sa kanyang mukha.

"Talaga ba Hiro?Diba ikaw pa ang nag turo sa ibang studyante dito kung paano mambully,pero ngayon parang bigla kang natakot?Takot kaba sa President nating boring?"Mapanghamon na tanong ni Veronica,ikiniyom ni Hiro ang kanyang mga kamao at nanggigigil na tumitig kay Veronica pero may palad kamay na humawak sa kamay niyang nakalukot kaya dali dali niyang nilongon 'to.

"Erika...."Mahina niyang sambit.Hinawi ni Erika si Hiro palayo sa mga babae at inilagay sa likod ang binata.

Iniisip ni Erika na baka pag hindi nakapag timpi ang binata ay baka patulan nito ang mga babae.

"Wala ba kayong klase?"Malamig na sabi ni Erika sa mga babae,ang ibang babae ay takot na takot na pero si veronica ay tila ba walang kinakatakutan.

"So what?Hindi mo naman klase ang maic'cut namin,so don't expect na papasok kami sa suway mo lang,we're no longer loser"Mayabang na sabi ni Veronica sa babaeng kaharap,pero si Erika ay tila bato na hindi makaramdam sa mga sinasabi ng kaharap.

"I'm not sayin' that my class will be putting in danger if you guys won't attend your class,Well madali lang naman sakin kung ayaw niyong pumasok well then.Remember that you're messing with your dreams not mine so thats fine with me.because your life is no longer mine"Ngumisi si Erika sa mga babae at hinawakan na ang kamay ni Hiro na nakatulala lang sakanila kanina habang nag tatalo ang mga ito.

Napatingin pa si Hiro sa kamay nilang mag kasiklop habang hinihila siya ng babae patungo sa opisina.

"What?"Tanong ng dalaga ng mapansin na nakatingin 'to sakanya

"Bakit hindi mo pinagsabihan ang mga yon?"nag tatakang tanong ni Hiro sakanya.

"So,sa tingin mo hindi ko pa yon pinag sabihan?Ano tawag mo sa pag papaalala ko na hindi ko buhay ang magiging magulo pag hindi sila pumasok?"naniningkit ang matang tanong ni Erika sa binata.

"Uhmm..Hindi yung about sa pag attend nila ng klase kundi yung pang bubugbog nila dun sa babae don,hindi ba't bawal ang pambubully dito sa school?"Tanong ng binata kay Erika.

Mahinang napatawa si Erika dahil sa rinig.tama ba siya ng narinig?Talaga bang sinusunod nito ang patakaran ng skuwelahan nila?,kung ganon ay tama lang pala ang desisyon niya.

"Bakit?Ikaw din naman nang bully sinuway ba kita?Saka hayaan mo nalang si Kate,she can handle herself against them"Pag sasawalang bahala ni Erika, kung ano man ang mangyare kay kate.

"Pero..mali yon,ok lang sana kung pang aasar lang ang ginagawa at hindi pambubugbog,its physical pain,"pangangatwiran ng binata kay Erika.

"Mas masakit ang emotional sa physical remember that,pero kung ganyan kabuti ang loob mo,lets go back then para matigil yang pag bubunganga mo,nakakairita kasi akala mong hindi lalaki kung mag salita dinaig pa babae pa sobrang daldal,"Medyo naiiritang wika ni Erika at hinila ang binata pabalik sa kaninang babaeng nag kukumpulan.

Laking pasalamat ni Hiro at nandito pa rin ang mga 'to hawak pa ng mga babae ang buhok ng babae at paulit ulit sinasampal kaliwa't kanan.

"You,you and you,you better follow me in detention room or else I'll put you all in the drum inside the office 24 hrs straight,"Seryosong wika ni Erika.natakot ang mga babae tsaka ito sumunod sa papalayong bulto ni Erika.

"Here,I'll lend you a hand"Mahinang sambit ni Hiro sa dalaga,inabot naman 'to ng babaeng naka upo kanina sa sahig.hinitak niya 'to patayo,nakatayo na ang babae pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ni Hiro.

"My hand.."Paalala ni Hiro sa dalaga,kaya agad naman 'tong binitawan ng dalaga at nag pagpag ng damit dahil puro na 'to alikabok.

"Tara sa clinic ng sa ganon ay magamot na ang ilang pasa mo para makapasok ka na din sa susunod na klase mo kung meron pa.."Iginaya niya ang dalaga patungong clinic.

"Hi!Kate nga pala,"Inabot nito ang kamay kay Hiro na tahimik na nag lalakad sa tabi niya.

Inabot ni Hiro ang kamay sa nakalahad na kamay ng dalaga saka ngumiti.

"Hello and I am Hiro,The Supreme Student Council Vice President.."Pakilala niya sa babae.Bahagyang nagulat ang babae sa nalaman pero hindi niya 'yon pinahalata sa kaharap.

"So,Bakit ka nila binubugbog?"Di matiis na tanong ni Hiro sa dalaga.kitang kita niya ang pamumula ng dalaga bago humarap sakanya.

"Veronica and her Boyfriend broke up because of me"Di mapigilang sabi ng babae.Ang alam ni hiro ay hindi 'to mag sasalita pero nag kamali siya dahil wala pa yatang limang segundo ng sumagot 'to sa tanong niya.

"Bakit kabit kaba?"Halos mabulunan ang dalaga dahil sa tanong ni Hiro sakanya.

"Oh no no no,Actually kapatid ko yung boyfriend ni Veronica,shempre ikaw ba naman ang kapatid ni Ram na boyfriend ni Veronica,hindi mo sasabihan about sa kalokohan ng girlfriend niya?"Napatawa ang dalaga habang nag kukwento habang napabuntong hininga naman si hiro dahil sa nalaman.

Hindi na siya mag tataka kung ganon nga na maraming kalokohan si Veronica,halos maka make out nito ang lahat ng lalaki sa bar gabi gabi.

"Sige na aalis na ako,baka nasa opisina na si Erika,mag iingat ka nalang sa susunod"Paalam niya sa dalaga na agad namang tumango.

The Supreme Student Council.Where stories live. Discover now