panimula

3K 35 0
                                    

takbo rito, takbo doon ang gawa ni Darren at ang kaibigang si Pen. sobrang bilog ang buwan pero natatakpan ito ng makakapal na ulap kaya hirap ang dalawa na makita ang daan patungo sa baybay. kahit parehong hingal na ay sige lang sa pagtakbo ang dalawa dahil alam nilang may aswang na sumusunod sa kanilang likuran at sa itaas naman ay naririnig nila ang pagaspas ng pakpak at malakas ang hangin.

" Pen takbo lang! lalabas tayo dito!" sabi ni Darren sa kaibigan

"kaya ko pa da! wag lang...araaay pucha!" sabi ni pen ng bigla itong nadapa

tumigil si Darren sa pagtakbo at babalikan pa sana si pen pero mabilis din ang takbo ni wilfred at tatlong kasama nito at halos ilang metro lang ang layo sa kanila, napaatras si darren at si pen naman ay napalingon at nanlaki ang mga mata ng makitang malapit na sina wilfred sa kanila.

"pare  tulong! ayoko pa mamatay!" pagmamakaawa ni pen

hindi alam ni darren ang gagawin at patuloy ang unti unti nyang pagatras at saka tumalikod at kumaripas ng takbo. humabol ang isang aswang na kasama ni wilfred at ang natirang dalawang aswang ay sinunggaban si pen.

"AAAAAAAAHHHHHHHHHH DDDDAAAAAARRRREEEEEENNNNNN!" tumulo ang luha ng Darren ng marinig ang malakas na sigaw ni pen.maririnig sa boses nito na inumpisahan na syang patayin ng dalawang nagpiyestang aswang.

"PPPPEEEENNNN!" sigaw ni darren habang tumatakbo "sorry" at tuluyang lumuha ang parehong mata at patuloy sa pagtakbo.

Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)Where stories live. Discover now