Prologue

893 27 38
                                    

Prologue:New Doctor

"Woooo!! Bottoms up, Thea!!"

Bagaman paulit-ulit naghahalo sa isipan ko ang lakas nang tugtog at ingay ng mga tao na pumapasok at lumalabas sa magkabilang tainga ko ay narinig ko pa rin ang malakas na sigaw ni Psychie, cheering me up to drink the glass that's full of liquor.

She cheered me even more. Masuka-suka lang ako nang ibaba ko ang baso. Hindi narinig ang pagtama ng babasaging baso sa mesa, ngunit alam kong napalakas ang pag-bagsak nito roon. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likuran ng kanang kamay ko at mahilo-hilo siyang tinignan.

With blurry and smoky vision, I looked at her who's now smirking.

"That's my girl!" she shouted. "Isa pa, isa pa!"

"E-Enough," sagot ko at itinaas ang kamay ko para senyasan siyang tama na.

Natawa siya. "Kinaya mo, 'di ba? Kaya mo ulit 'to!"

Umiikot ang paningin ko dahil sa ginawa kong 'yon. Nilagok ko lang naman ang isang buong baso na puno ng alak. I don't have a high tolerance in alcohol, but it's also not low. Kumbaga, balance lang. Still, that was a hard one. Ramdam na ramdam ko sa lalamunan ko ang pait at nararamdaman ko rin ang pagbaliktad ng sikmura ko, handa nang iluwa ang mga ininom ko.

Psychie came up with that idea. Sabi niya, doon ay mas mababawasan pa ang bigat na nararamdaman ko ngayon, ngunit pakiramdam ko ay hindi naman nabawasan. Baka nga nadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko, but this time, physically.

Nasusuka ako na nahihilo. Daig ko pa ang makikipag-kita na kay San Pedro. May kung ano ring tumitibok sa sentido ko na hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba at dala lang ng pag-lagok ko sa punong basong iyon.

"I believe, that will lessen the pain that you're feeling. I swear. That's what I do." She shrugged her shoulders. "This night, just forget about your dumbass boyfriend. Come on, Thea!"

Sinipat ko ang relo ko upang tignan ang oras. To my surprise, it's only ten in the evening. Akala ko ay passed midnight na. Maaga pa naman ang shift ko bukas sa ospital.

Lumunok ako nang mariin. "Sa tingin mo ba, tama lang 'tong nararamdaman ko?"

Binitawan niya ang lemon na kanina niya pang nilalantakan. Ni hindi ko nga napapansin ang pag-inom niya. Mukhang 'yong lemon na 'yon lang ang kanina niya pang pinagkaka-diskitahan. Para bang 'yon lang ang bagay na ipinunta niya rito.

She gave me her all ears. Tutok na tutok siya sa akin ngayon, handa nang makinig sa lahat ng hinaing ilalabas ko ngayong gabi.

"E..." She scoffed. "Kung g*go 'yang boyfriend mo, tama lang. Siya naman ang nag-tanim niyan. Ngayon lang bumunga."

I looked at her with full of worries. "Ang tagal na... ang tagal kong iniiwasang mangyari 'to. Darating din pala..."

Napakabilis ngang talaga ng panahon. Parang noon lang, we were inside the campus, giving so much love to each other. Now, here we are, no time and efforts to give. As time passed by, many things have changed between us.

No... actually, everything changed. But, who's the one to blame?

Parang noon lang, palagi kaming magkasama no matter how busy he is. He was a consistent president's lister when we were in College. He was VEU's pride. He was always busy because of those competition that he joined. While, I'm busy reaching for my dreams. Putting so much effort, blood, sweat, and tears to become a licensed surgeon. We promised each other to achieve our dreams together. We successfully made it... but what in exchange?

Ano ang kapalit nang lahat nang ito? Ang pagkawala ng kapit namin sa isa't isa? Ang pagkawala nang sparks? Ang pagkawala ng mga paru-parong nagliliparan sa tiyan? Ang pagkawala ng kapayapaan sa puso? Ano pa?

After The Pain [UNDER MAJOR REVISION]Where stories live. Discover now