Obsession 25

18.7K 824 132
                                    

Gresha

"I, Caldrix Darius Dark, king of Vampyria, proclaim Gresha Iris as my other half, my mate, my beloved. Thru this, I will forever fulfill my duties and responsibilities to her. To hold, care, protect, cherish, and love her above all. I seal this bond with my purest blood."

Kahit halos mahimatay na ako sa bigat at sakit na aking nararamdaman ay naririnig ko pa rin ang pagsasalita ni Caldrix.

Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng malamig na bagay sa aking leeg.

"Do you accept it?" bulong niya sa akin.

"I do."

And I scream because of excruciating pain that lingers from my neck and spreads to every fiber of my body.

Napasigaw ako at napabalikwas mula sa aking pagkakahiga. Agad din akong napadaing dahil sa sakit ng aking katawan.

"Several broken bones, inculding the major ones in your pelvis. Wounds, scratches, and bruises that are too painful for me to count. Fourteen pairs of holes from a vampire's bite, the deepest is on the neck, which almost killed you due to blood loss. Physically, you're such a mess," Bungad sa akin ni Tita Veron. "Now let us examine your metal and emotional state."

Nakapikit pa rin ako dahil sa sakit ng aking ulo. Napakabigat ng aking pakiramdam na para bang dinaganan ako ng napakalaking tipak ng bato. Nanghihina ang aking katawan at ramdam ko ang sakit ng aking kalamnan.

Bumalik sa alaala ko ang pangyayari sa amin ni Caldrix. Isang pangyayaring hindi ko inaasahan na magiging ganito ang kalalabasan.

Kailan man ay hindi ko maisip na mapupunta ako sa sitwasyong iyon. I picture it to be romantic and soft, yet I got the opposite. Hard. Wild.

Ngunit hindi ako makakita sa sarili ko kahit katiting na pagsisisi. It felt fulfilling despite of the pain that I have to go through.

"Drink this." Nagmulat ako at tinanggap ang baso ng tubig na ibinigay sa akin ni Tita Veron.

Umupo siya paharap sa tabi ng kama na aking hinihigaan.

"Now, what do you feel emotionally? Nakakaramdam ka ba ng pagkabigla? Pagkamuhi? Naguguluhan ka ba? Do you feel like vulnerable and alone and no one is there to help you? Do you feel lost - - -"

"Tita Veron, I'm fine. Puwera sa pisikal kong kalagayan, I'm perfectly okay," pagputol ko sa kanya.

Napatitig siya sa akin at napatango ng bahagya at may isinulat sa papel na hawak niya.

"Okay. You are showing early signs of masochism - - -"

Nagulat siya nang bigla akong bumangon at hinablot ang papel mula sa kanya.

"I told you. I am fine!" mariin kong sabi at huminga ng malalim pagkatapos.

"I'm sorry, Tita Veron. I was just carried away."

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa padalos-dalos kong reaksiyon.

I can listen to anyone today, but not to someone who seems to doubt how I felt of what happened between me and Caldrix. Hindi ako nagsisisi sa nangyari.

I surrendered my all to him that moment. My purity, my soul. And I love it.

"I get it." Napangiti siya ng bahagya at napatayo.

"Hindi pa rin maayos ang iyong kalagayan kaya kailangan mo pang magpahinga. Papadalhan kita ng pagkain mo. You've been out for a week."

What the hell? A week? That long?

Fated To BeWhere stories live. Discover now