Kabanata 2

305 18 0
                                    


X

----

My jaw dropped, scared but a bit amazed. So he's Ravus. My instincts were right! Marinig ko pa lang ang pangalan niya galing kay Jiro ay kinakabahan at natatakot na ako kahit hindi ko pa nakikita. Nawala ang paghanga sa aking mukha dahil sa bigat ng atmospera na binibigay niya. What a great pressure he have with him.

The sound of every slow and heavy steps he make screams authority. Ito lang ang tanging tunog na naririnig sa paligid ngayong tumahimik ang lahat at namamangha o kung hindi naman ay natatakot na pinagmamasdan ang papalapit na lalaki, kagaya ko.

His thick, expressive eyebrows furrowed when he saw what's the commotion all about.

Hirap man alisin ang tingin sa matipunong lalaki ay pinilit kong ibaling ang mga mata sa dalawang taga-Sevanas na ngayon ay punong puno ng takot ang mga mukha. Umaatras sila paunti-unti at halatang nanginginig dahil ang mga balikat ay tumataas baba.

Nagulat na lang ako nang ang dalawang lalaki ay biglaang nawala sa unahan. With my wide eyes, I watched how the tall man runs faster than a normal speed. Dalawang segundo lang ay ilang metro na ang layo niya, while the big one is already meters away from us too! Isang kurap ko lang ay pinagmamasdan ko na silang nasa malayo.

So that's their magus Jiro was talking about!

I heard one step kaya bumalik ang tingin ko kay Ravus.

"Get them." his deep cold baritone echoed making his order sound so absolute.

Hindi ko alam kung para kanino ang utos niya pero napansin ko na lang na hindi lang mag-isa si Ravus. Mayroon itong mga kasama na nagkakalat, ang dalawa ay nasa taas at ginawang tungtungan ang wiring na hindi ko inakalang kakayanin ang kanilang bigat. 

Nahagip rin ng aking tingin ang kumikislap na pares ng mata sa bandang gilid na binabalot ng dilim kaya tanging mata lang ang napapansin. Medyo malayo ito sa komosyon kaya hindi ko alam kung kasamahan siya ni Ravus pero base sa mga mata nitong nakakakilabot ay nasisiguro kong oo.

Ang dalawang nasa itaas ay agad nawala, mabilis ang mga kilos nito na tinungo ang direksyong tinahak ng dalawang aroganteng lalaki. Hindi ako makapaniwala sa napapanood kong dalawang tumatakbo sa mga wirings, parang mga lumilipad. Dahil sa mga kasuotan nito na takip ang mga mukha ay hindi ko nakita kung lalaki ba o babae.

Hindi pa nakakabawi sa pagkakagulat ay naagaw ni Ravus ang tingin ko nang naglakad ito papalapit sa matanda at tinulungan itong tumayo. Ang kanyang malaking lobo ay nanatili sa gilid, sumusunod ang tingin sa kanyang amo gamit ang mga nanlilisik na mata.

Ang mga xenas na nakapalibot ay unti-unting nagsisialisan at bumalik sa kanilang mga gawain. Ang iba naman ay lumapit rin sa matanda para iangat ang lamesa at pulutin ang mga prutas sa sahig. Some of the xenas were explaining to Ravus what happened and that they cannot stop it because they have no chance to win if it turns into a fight.

It's like they knew Ravus already and everybody is admiring him, looking at him with respect like a savior. Well, he really is a savior of that old man.

"Ayos ka lang ba?" malalim ang kanyang boses nang tinanong ang matanda.

Nanatili kami ni Jiro malapit sa kanila at hindi muna gumalaw. Ang kanyang madidilim na mata ay bumaling kay Jiro at napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Ang kanyang madilim na mukha ay lumambot pero agad naman itong bumalik sa dati nang nalipat sa akin ang tingin. His dark eyes were too intense that made my body stiff.

Mula sa aking mata ay bumaba ang kanyang tingin sa aking mga braso at binti. Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero pakiramdam ko ay sinusuri niya ang mga naging sugat at galos ko na ngayon ay magaling na. Umangat ang kanyang tingin. Saglit pa na nagtagal ang titig niya sa akin bago bumaling sa bagong dating.

The Fusion Of Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon