Sintas

86 44 11
                                    

"Parang tangang kausap ang tala at buwan.
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan."

Napairap akong muli nang marinig ko na naman siyang kumanta. Hindi dahil sa masakit sa tenga ang boses niya o dahil di sya marunong umawit kundi dahil pang ilang beses na niyang kinakanta iyon ngayong araw.

"Ugh! Ang ingay mo! Magpatulog ka naman!" Inis kong sabi sabay tungo ulit sa desk ko.

"Anong tulog ka dyan? Nasa school tayo wala sa bahay, uy. Tsaka ang ganda kaya ng boses ko. Bakit hindi?" sagot nya.

"Tantanan mo nga ko kahit ngayon lang
" sa sobrang antok ay di ko na halos mabigkas iyon.

Crush kita pero please lang need ko rin sleep.
Maya mo na'ko landiin. Char.

"Sungit neto, kaya wala kang jowa eh." bulong pa niya na may halong pang-aasar.

Kung jinojowa mo kase 'ko! Char ulit.

Napaangat tuloy ako ng pagkakatungo para hampasin sya.

Ngunit bago pa man maglanding sa balikat niya ang kamay ko ay nahawakan na niya agad at dinala ito sa dibdib niya.

"Uy, chansing!" He grinned.

Aba! Loko rin to! Talaga bang gusto ko to?

Binitawan niya ang kamay ko saka inilapit niya pa lalo ang upuan nya sa'kin at nagpatuloy sa pagkanta. Feel na feel ng mokong. Halatang nang-aasar porket alam niyang kulang ako sa tutulog kakareview para sa exam.

Kung di lang kita gusto eh matagal na kitang inumpog.

"Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan rin naman."

Halos mawala ang antok ko nang pumiyok siya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagkanta habang ako, di na mapigilan ang matawa. Buti wala pa ang teacher namin kaya walang problema kahit mag-ingay.

"Yan! Tumawa ka naman paminsan- minsan. Sa sobrang seryoso mo, iniisip ko na minsan baka talagang seryoso ka na sa'kin yie!" pang-aasar nya na may kasamang pagkiliti.

Kung alam mo lang.

"Leche ka! Di naman kita gusto! Paanong seseryosohin kita."

Panay ang palo ko sa kamay niya tuwing tatangkain niyang mangiliti ulit.

What a scam. Sinong niloko ko?
Pero mas ayos na kung ganito na lang.

"Ouch! Masyado kang harsh! Lagi mo na lang ako sinasaktan!" sabi niya habang may pahawak hawak pa sa chest part na akala mo talagang nasasaktan.

"San ba masakit? Kiss ko?" ganti ko ring banat habang nakapikit at nakanguso.

Suggestion lang naman. Baka makalusot hehe.

Napaismid sya't pinitik ako sa noo.

"Alam mo mas mabuting matulog ka na lang ulit."
Tumalikod siya bigla at naglakad palayo papunta sa mga kaibigan niya sa likuran.

Leche talaga ang lalaking iyon! Walang paninindigan sa mga banat niya! Alam ko namang di niya ko gusto at magugustuhan. Nakakainis. Ang cliché ng ganitong set up actually.

Pero wala e. Di natin mapipili kung kanino tayo mahuhulog. Kaso bakit sa'yo pa? Bakit sa kaibigan pa?

---
Uwian na at palabas na sana ako ng room ng may biglang umakbay sa'kin. At halos mamilipit ang intestines ko nang makitang si Adriel 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Balang ArawWhere stories live. Discover now