Part 1

2K 29 2
                                    

"Ivaaaaaan!!!" sigaw niya habang hinihingal siyang tumakbo palapit sa'kin. She's Athena—my girlfriend.

"Ba't kaba sumisigaw?" sabay kuha ko sa mga bitbit niya. "Kanina pa kita tinatawag hindi mo man lang ako narinig." she pouted. I stared at her face for almost 2 minutes. Natauhan lang ako ng bigla niya kong itulak nang mahina.

"S-sorry, hindi ko narinig may iniisip kasi ako."

"Ano bang iniisip mo?"

"Iniisip ko lang kung ano ang ibibigay mong regalo sa'kin" I lied. Bigla namang namilog yung mga mata n'ya sa gulat kaya napatawa ako nang bahagya.

"Hala! Oo, nga no? Malapit na pala birthday mo muntik ko ng makalimutan jusq! Buti na lang pinaalala mo." Magsasalita pa sana ako ng bigla n'yang kinuha yung mga gamit niya na hawak hawak ko.

"Akin na yang mga gamit ko andito na prof namin. Pumasok ka sa klase mo ha? Pupuntahan kita mamaya before lunch para ibigay 'tong project mo hindi ko pa kasi tapos. Sige na Bye! I love you. " at dali dali na siyang pumasok sa room niya.

Habang naglalakad ako bigla kong nakasalubong si Althea. She's my ex we've been together for almost 2 years and it's been a year since we broke up and see each other again.

"Hey, how are you?" gulat naman siyang napatingin sa'kin. "Ikaw pala yan Van. Okay naman ako, how about you?" napangiti naman ako ng mapakla sa kanya. "Hanggang ngayon ikaw pa rin..." mahinang sabi ko sa kanya.

"Huh? Ano yun?"

"W-wala. Tara dun muna tayo sa canteen." agad naman siyang tumango at sabay na kaming naglakad papasok nang canteen at nag-order ng makakain. Nag-usap lang kami at nagtatawanan. I asked her life kung kamusta naba siya, saan siya nakatira o kung may boyfriend naba siya. I smiled nong nalaman kong wala pa.

"Ingat. I'll fetch you at 6pm ha?" tumango siya at sumakay na sa sasakyan n'ya.

"Ivan! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap saan ka na naman nagpupupunta ha?!" nakabusangot yung mukha niya habang nag-uunahan ng tumulo yung pawis niya sa noo.

"Aalis ako mamaya. Hindi na kita maihahatid sa inyo." napangiti naman siya ng malapad sa sinabi ko and she kissed my lips.

"Akala ko kinalimutan mo na." at kumaripas na siya nang takbo. Tsk baliw talaga.

Exactly 6pm sinundo ko na si Althea sa bahay nila. Papunta kaming bar ngayon kasama yung mga naging kaibigan namin noon parang reunion lang kasi after a year ngayon lang ulit kami nagkita kita.

"P're, wazzap" nakipag shake hands naman sa'kin si Troy sabay abot ng beer. "Okay, lang p're. Ikaw?" tanong ko sa kanya habang inaalalayang umupo si Althea. "Maayos naman dude, naks! Hanggang ngayon kayo pa rin? Hayp!" napatawa na lang kami ni Althea sa sinabi niya. Nagkwentohan lang kami habang nag-iinuman hindi ko namalayan na nakauwi na pala yung iba pati si Althea.

"Bro, uwi na'ko." sabay tapik ko sa mga balikat nila. Tumango naman sila "ingat ka p're."

Exactly 10pm na ng makauwi ako ng bahay. I lay in bed and I dialed Althea's number.

"I miss you so much baby. I-im sorry kung hindi kita nasundo..."

"Ano kaba okay lang. Naiintindihan ko naman. Lasing kaba? Nasaan ka---?"

"I-im s-sorry kung hinayaan kitang lumayo. Damn, kung alam ko lang na yung ang kahahantungan ng pagpunta ko sa party na yun... H-hindi na sana ako pumunta."

"Ivan, lasing kana talaga. Pinuntahan kita d'yan kanina sa bahay niyo ang tagal mong umuwi kaya umalis na lang ako. Ibibigay ko sana yung project mo nakalimutan kong ibigay sayo kanina e."

"P-puntahan mo 'ko dito" nagmamakaawa kong pakiusap sa kanya.

"Pero kasi, Ivan gabi na." nag-aalangang sabi niya.

"Sige na please... puntahan mo na'ko dito."

"Oo, na. Antayin mo 'ko d'yan naghahanap na 'ko ng masasakyan." napangiti naman ako sa sinabi niya.

"I miss you so much... I love you Althea."

"Mahal mo talaga si Althea?" tumango naman ako kahit alam kong hindi niya' ko nakikita. "Oo, naman. Hanggang ngayon mahal pa rin kita."

"I l-love y-you Van." I heard her crying.

"Hey, are okay? Ba't ka umiiyak?"

"Diba lage mo kong tinatanong kung ano yung ibibigay ko sayo sa birthday mo?" I just nodded "P-pinapalaya na kita V-van... kung ang k-kalayaan mo ang makakapag p-pasaya sayo, p-pinapalaya na k-kita. Goodnight l-love. " pagkatapos niyang sabihin yun, she hangup the call. I dialed her number again and again but out of coverage area na.

Pagkagising ko nang umaga agad kong kinuha yung cellphone ko para tawagan si Athena ng bigla kong naalala yung ginawa ko kagabi. Damn! Siya pala natawagan ko hindi si Althea fvck! pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya macontact kaya nag online ako para sana echat siya ng bigla kong makita yung mga post nila about kay Athena.

"Mamimiss kita... Thena."
"Mamimiss ka namin Athena..."
"Sleep well Athena... you did great. R.i.p."

Kinabahan ako sa mga nabasa ko kaya tinawagan ko yung mama niya.

"Tita, where's A-athena? Is s-she okay? Can I t-talk to h-her? Please tita nagmakaawa ako. I-i won't hurt h-her again. Please, let me talk to her tita. P-please..." nagmamakaawa kong pakiusap sa mama niya.

"P-patay na ang a-anak ko ejo. Nagpaalam s'ya sakin kagabi na pupuntahan ka raw niya kasi lasing na lasing ka. Balak ka sana niyang surpresahin sa Anniversary niyo at Birthday mo pero yung driver na sinasakyan n'ya... r-raped her at hindi pa nakuntento p-pinatay pa ang a-anak ko."

Dinurog yung puso ko matapos kong marinig yung mga sinabi ni Tita. Fvckit! kung kelan na realized ko na mahal ko siya, na siya na talaga yung mahal ko ngayon. Saka naman s'ya nawala sa'kin.

I cried out loud and begging her to comeback. Damn, I lost her, I lost the woman I love the day she said goodnight.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Day She Said GoodnightWhere stories live. Discover now