CXXI

7.5K 280 209
                                    

Part 121

"Paul..." nanginig ang boses niya sa pagbanggit ng pangalan ko.

Mariin din naman akong napapikit at hindi ko alam kung ano ba ang dapat una kong sabihin sa kanya.

Napaupo na lang ako sa dulo ng kama habang nakikiramdam.

"A-are you—"

"'Wag kang iiyak... please," masuyo kong sabi. Rinig na rinig ko kasi ang pangingig ng boses niya mula sa kabilang linya.

Even if she's a thousand miles away, I could hear her so closely. Na para bang nasa tabi ko lang siya at wala ang distansiya sa aming dalawa. Every breaking, every breath... it was like holding her close in my arms.

At kung iiyak siya ngayon, baka hindi ko na talaga kaya pang magtiis. Baka mapigtas lahat ng pagtitimping mayroon ako.

Tumikhim siya sa kabilang linya. "Okay naman tayo 'di ba? Hindi ka galit sa akin?"

Ano bang tanong 'yan?

"Hindi ako galit sa'yo." Itanong mo muna kung kaya ko bang magalit sa'yo.

"We're okay?" She sighed.

"Oo, okay tayo." Napalunok ako. Boses ko naman ata ang nanginginig ngayon. Puta.

"I mean, we're still friends right? Nothing's going to change?"

"Wala namang kailangang magbago, Canary." Hindi ko rin naman kayang umiwas sa'yo kahit pa halos nasabi ko na rin ang lahat kagabi.

Kahit siguro nagmukha akong tanga, kaya ko pa ring lunukin lahat 'yon.

Basta hindi ako lalayo sa'yo.

"Sabi mo 'yan, ha? Promise?" Napangiti ako sa tono ng boses niya. Parang bata.

Paano ko ba maiiwasan 'to? Ilang taon na nga akong nagtitiis, gugustuhin ko pa bang iwasan siya?

Kung kailang nagkaroon na ako ng lakas ng loob kagabi, ngayon pa ba ako aatras?

Itutuloy ko na lang.

"Promise."

Aureate KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon