Prologue

0 0 0
                                    

Prologue

I hid myself behind the bushes when I heard approaching footsteps. Inayos ko muna ang telang nakatakip sa aking mukha bago ako muling dahan-dahan na sumilip.

"Higpitan niyo ang pagkakatali at bantayan niyo nang maigi!"

"Yes, Boss!"

Muli akong nagtago nang dumaan ang Boss na sinasabi nila. Nang makalayo na ito, ay saka pa lamang nila siya sinimulang itali sa malaking puno.

Tahimik akong napangisi ngunit napailing.

Stupid. You let them got you, and now, you're giving me a chance to get you from them.

Umalis ako mula sa pinagtataguan ko dahilan upang makita na nila ako. They took their guns out instantly and pointed it at me.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay habang mabagal na naglalakad palapit sa kanila.

"Sino ka?!"

"Chill. I'm here to negotiate," kalmado kong sagot bago huminto sa mismong harapan nila.

"Hindi kami interesado," maagap na sabi nung isa.

Napairap ako bago kinuha ang maliit na bag na nakasabit sa baywang ko. Binuksan ko iyon upang ipakita sa kanila ang laman nito.

"Still not interested, hmm?"

Nagkatinginan silang lahat. Kitang-kita ko kung papaanong kuminang ang kanilang mga mata nang makita ang nasa loob nitong hawak kong maliit na bag.

Napatikhim ang mukhang lider ng grupong ito.

"Ano ba ang kailangan mo?" tanong niya nang hindi inaalis ang paningin sa hawak ko.

Isinabit ko muna ulit sa aking baywang ang hawak na bag bago muling nag-angat ng tingin sa kanila.

"Siya," sabay turo ko sa lalaking hindi na nila naitali nang maayos sa puno nang dahil sa biglaan kong pagsulpot. Unti-unti na rin itong nagkaroon ng malay na tila ba pinoproseso pa ang mga nangyayari ngayon sa kaniyang paligid.

Ibinalik ko ang paningin ko sa lider ng grupo nang dahil sa biglaan nitong pagtawa na sinundan naman ng kaniyang mga miyembro.

"Sino ka para gawin namin ang gusto mo?"

A playful smirk appeared on my face kahit na natatakpan ito ng tela.

"Let's say, kagaya niyo rin ako na gusto siyang makuha. Pero iba lang ang dahilan ko."

Mas lalo nilang itinutok sa akin ang mga hawak na baril nang muli akong humakbang palapit sa kanila. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lamang sa pagsasalita.

"You see, wala naman kayong mapapala sa lalaking 'yan. But, if you accept my offer..." Inihagis ko sa harapan nila itong maliit na bag na naglalaman ng mga ginto at perlas. "... you can all have these golds and pearls. With those in your possession, magbabago ang mga buhay ninyo, and you will no longer have to obey your Boss' orders. What do you think?"

Lahat sila ay muling nagkatinginan sa isa't isa.

Naglakad ang kanilang lider palapit sa bag na inihagis ko sa lupa bago sumenyas sa mga kasama na ibaba na ang mga nakatutok na baril sa akin.

"Kung gagawin namin ang gusto mo... Ano naman ang mapapala mo sa kaniya?" tanong ng lider na abala na ngayon sa mga ginto at perlas na nasa kaniyang palad. Maging ang mga miyembro niya ay lumapit na sa kaniya upang mahawakan din ang mga iyon.

And for that moment, it gave me time I needed to knock them all down their feet.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, ay hindi na sila nakapalag pa nang isa-isa kong itinusok sa mga leeg nila ang mga karayom na dala ko.

I poured a sleeping pill in each of the needles and waited a few more seconds before they collapsed to the ground and lost their consciousness one by one. Pagkatapos, ay kinuha ko sa kamay ng lider ang mga hawak nito bago ibinalik sa loob ng bag.

"Are they dead?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. I saw how his lower lip bleeds, and his face was covered with bruises. I tied the bag over my waist before I finally approached him.

I crouched down, and pulled a knife out of my pocket. "They just lost their consciousness, Mister, if ever you're worried about them."

"I'm not worried. I was just asking."

"It's the same thing," I retorted as I began cutting the rope tied to him. Akala ko ay hindi nila naayos ang pagkakatali nila, pero nagkamali ako.

"Where are the others?" he asked again. Hindi ako umimik dahil wala akong ideya sa kung sinong others ang hinahanap niya.

Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa habang siya naman ay muli na namang nagtanong.

"Don't tell me you came here to save me alone by yourself?" Bahagya akong natigilan nang mapagtanto na ng utak ko ang mga sinasabi niya.

So, he thought I saved him, huh?

Tahimik na lang akong natawa sa aking isipan nang hindi pa rin sumasagot sa kabila ng sunud-sunod niyang mga naging tanong sa akin.

"Hey, are you deaf? And why are you covering your face?"

Nang sa wakas ay natanggal ko na ang taling nakapulupot sa kaniya sa puno, ay saka ko pa lang siya tuluyang nagawang tingnan sa kaniyang mga mata. Sinalubong niya rin ang aking mga tingin at nararamdaman kong kanina niya pa gustong alisin ang telang nakatakip sa mukha ko.

"Yes, I came here alone..." I replied, secretly readying the last syringe I have in me. "... but, sorry, I did not come here to save you," I added, and without a warning, I injected the syringe on his neck.

Nahawakan niya pa ang kamay ko ngunit 'agad niya rin itong nabitawan nang unti-unti nang mapapikit ang kaniyang mga mata.

"Who are... you?" he questioned one final time before eventually passing out.

I gently tapped his cheeck.

"There, there. You sleep well, for now. You are too inquisitive for a man," I mumbled as I tried pulling him up.

God, why hadn't I considered the possibility that he might be twice my weight?

When Love and Hate CollideOnde histórias criam vida. Descubra agora