PROLOGUE

64 0 0
                                    


PROLOGUE

Ginising ako ng isang nakakakulilinging ingay sa labas ng bintana ng silid ko. Sanay na ako sa ganitong eksena. Ito na ang nagsisilbing alarm clock ko tuwing umaga.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at dali daling tinungo ang labas ng aking silid. Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sa akin si Manang Flores at ang iba pa nitong kasamahan kawalang respeto pero nais ko munang malaman ang komosyong nangyayari sa labas kaya naman hindi ko na sila nagawang batiin.

Bumungad sa harapan ko ang taong inaasahan kong nakikipagtalo at tama nga ang hinala ko, si Mamita nga ito.

"Hoy ano! How dare you to look at me like that?! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang may-ari ng lupang kinatatayuan mo ngayon! Tapos ano, nagawa mo pa akong tingnan ng Masama?"

Halos pumutok ang sintindo ng tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Mamita. Inaaway na naman niya si Theresa, Ang babaeng nagtitinda ng tinapay dito sa amin.

Alam kong si Tita lang din naman ang nagkayod sa kay Theresa na magtrabaho para kumita kahit papaano. Alam kong masama na talaga ang ihip ng hangin ni Mamita pagdating sa kanya ngunit ang hindi ko lang mabatid ay kung bakit ang lakas pa rin ng Loob nya na magpakita dito sa Compound namin.

" Ah gusto mong patunayan ko na lupa ko ang kinatatayuan mo ano? Oh sige eto pagbibigyan kita!! Etoo ayaan oh ano,masarap ba ang lupa namen ha?"

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano hinablot ni Mamita ang buhok ng babae at walang pakundangang isunubsob ang mukha sa lupa. Halos hindi makalaban ang babae at kahit anong puwersa ang gawin nito ay mas malakas si Mamita.

Nabuwal ang mga tinapay na dapat siguro'y bibilhin ni Mamita. Patuloy si mamita sa ginagawa nya at naisipan ko nang pigilan siya.

may pinagmanahan talaga ako.....

" Mamita? What the hell is happening here?! Anong kabaliwan na naman po ba to? Put her down or else kakaladkadin ko po kayo papasok ng bahay?"

Pakiramdam ko'y tila natauhan si Mamita sa eskandalong ginawa nya. Agad - agad rin naman niya itong nilubayan ng hawak sabay lapit sa akin.

"Good morning sweetie!"

Bati ni Mamita sa akin. Aba ang matandang ito parang walang kahihiyang sinapit ano?

"Mamita naman, pabayaan nyo na po kasi yang si Ate Theresa! You always wasting your time arguing with her!"

" Pano ba naman kasi hija aba, bumibili lang naman ako ng Tinapay eh bigla na agad akong inirapan? sino ba namang hindi maiirita don?"

I suddenly looked at Ate Theresa and i got pity on her. I straightly get her attention at nakuha naman nya ito.

"Ate Theresa? uh siguro kailangan nyo munang dumistansya sa amin dahil alam kong napapahamak rin ho kayo minsan. Pagpasensyahan niyo na ang walang awang pagsalakay sa inyo ni Mamita matanda na kasi eihh kailangan na niya ng tamang aruga."

Kitang-kita ko kung paano niya dinampot ang ilang piraso ng tinapay na nagkalat sa kalsada. Mapapansin mo sa mukha nito ang namumunong pasa at galos. Ang magulo nitong buhok na bunga ng ginawa ni Mamita ang nagsilbi niyang panaklob sa kahihiyang sinapit niya.

"Sige na Ate Theresa umalis na po kayo bago pa maumbagan ulit kayo nitong si Mamita."

Pagkasabi ko noon ay dali dali nya ulit isinilakbit sa balikat ang Lalagyan ng tinapay at umalis papalayo sa amin.

Yayain ko na sanang pumasok ng bahay si Mamita nang biglang Patakbong lumabas ng bahay si Tobee!
Hindi ko alam ngunit may halong kaba at emosyon ang aking dibdib na para bang kahit anumang sandali ay maari akong matumba at mahimatay.

" Tobee! Shoo! you bad dog wag kang lalabas!!"

Pero sino ba naman ang TANGANG magpapakaabalang kausapin ang isang aso at umasang sasagot ito sa iyo? Ako lang siguro yon.

Hindi ko alam ang direksyong kinatunguhan ng aso ko pero ng tumigil ito at saglit na iwinagayway ang buntot, doon ko namalayan na may tao pala sa harapan ko.

"Oh hi there Tobee! Oh do you really know me? awww good boy!"

Pamilyar ang mga tinig na pumasok at dumaloy sa aking Tenga. Hindi ako pedeng magkamali. Hindi dapat ito tinatanggap ng memorya ko pero talagang ayaw nitong magpaawat.

Nag-angat ako ng tingin at doon tumigil ang mundo ko. Tama. Ang tagal rin ng panahon na pinaghiwalay kami ng Tadhana pero sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ko lang ulit siya nakita.

                                                     Bakit Lance? bakit ngayon lang?

Diary ng Hindi Bitter, Marupok langWhere stories live. Discover now