CHAPTER 13

172 2 2
                                    

"PLANONG SWEET REVENGE?"


NAPAGBUNTUNAN niya ang mga halamang nakahilera sa gilid ng rooftop ng Dream Academy. Walang pakialam na pinagsisipa niya ang mga paso at nangatumba ang mga iyon at nangasira ang mga halamang nasa paso na katulad ng hibiscus, rose, gardenia, waling-waling, jasmine at mga non flowering plants na katulad ng fig trees, chinese bamboo plants, dump canes at peace lily. 

Walang patumanggang niluray niya ang lahat ng halamang naroroon sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsipa. They are in bloom pa naman and looks very healthy.

Napapailing na tumingin sa kanya si Harvey. 

"Tsk! Tsk! Tsk! Magbabayad  na naman ng damages si Madam Shasha."

"Talo ka na ba? Naubusan ng style para pansinin ka ni Sharra," panunukso ni Matthew.

"Si Sharra lang pala ang katapat mo."

"Tumigil na nga kayo. Masyado na akong nairiita sa mga kantiyaw ninyo, kahapon pa!"

"Well, hindi lahat ng araw ay araw mo Damien. May time na ikaw na ang asar, ikaw pa ang talo."

"Sumusobra na ang babaeng iyon nang panghihiya sa akin!"

"Bakit ba masyado kang affected? Why don't you just ignore her. Dapat bang pag-aksayahan mo ng panahon ang babaeng iyon?"

"Hindi pa ako tapos sa kanya!"

"Mukhang naka-get-over na siya. She looks happy. Samantalang ikaw, di ka pa rin maka-move on."

"Move on? Ganoong kadali? Ang dami ng kasalanan ng babaeng iyon sa akin!"

Napabuntung-hininga si Harvey.

"Ganito lang, Damien. The woman was our latest victim. Pero napatunayan natin na hindi siya katulad ng iba na sumusuko sa laban. In fact, she has caused you so much damage. Muntik pang manganib 'yang kinabukasan mo. Eh, kung pabayaan mo na kaya siya. Dedmahin mo na lang.  Give the lady a break."

"Halatang-halata ka, Harvey. May malasakit ka sa babaeng iyon. May kapalit na ba si Erin?"sabad ni Matthew.

Biglang umasim ang mukha ni Harvey.

"Stop mentioning about, Erin. Pwede ba?" nakasimangot na react nito. 

"Relax. Bakit ba nagiging bitter kang bigla kapag nababanggit si Erin?"

"Ang tagal na niyang wala rito. At wala siyang kinalaman sa pinag-uusapan natin," mariing wika ni Harvey.

Tumiin ang anyo nito. Kumuyom ang mga palad. Wari ay doon nito ibinuhos ang lahat ng nararamdaman nitong inis. 


KUNG gusto ng mga ito na pasimangutin siya, banggitin lang ang name ni Erin at tiyak na masisra na ang kanyang araw. Erin was his childhood friend. Magkasabay nagtungo ang pamilya nila mula sa Korea patungo ng Pilipinas. Naging magkapit-bahay. Sobrang naging close. Pero nang makatapos ng highschool ay ninais ni Erin na magbalik ng Korea dahil ginusto nitong magbalik sa sariling bayan.

Ang gusto sana ng parents ni Erin ay maiwan iyon sa Pilipinas para dito magpatuloy ng pag-aaral. Pero sa hindi maintindihang dahilan ni Harvey ay nagpumilit itong magbalik ng Korea. Nagawa nitong tiisin na magkalayo sila. Alam ni Erin na labis siyang naka-depende emotionally sa kaibigan. Simula nang mamatay sa car accident ang mga magulang niya ay kay Erin na siya humuhugot ng lakas. Walang ibang gusto si Harvey na kasama noon kungdi si Erin lang. Kaya sobra niyang dinamdam ang pang-iiwan ni Erin sa kanya.

DREAM ACADEMY  Series one   -   FEARLESS MATCHWhere stories live. Discover now