June 1 noong una ko s'yang makita. Transferee s'ya sa school namin at kaklase ko s'ya.
July 6 noong maging close ko s'ya. Magaang ng loob ko sa kan'ya.
August 24, date kung saan nalaman ko na nahuhulog na pala ako sa kan'ya.
Aamin na sana ako na may gusto ako sa kan'ya noong September 30 pero nahiya ako kaya pinagpaliban ko muna.
October 9 nang mapagdesisyunan kong umamin na talaga subalit nagkabalikan na pala sila ng Ex n'ya noon.
December 1. nalaman ko na break na sila. Kinomport ko s'ya noon at binigyan ng mga advice.
December 25. Chrismas eve at umamin na ako sa kan'ya. Shock s'ya kaya hindi pa ako nagtanong kung pwede manligaw.
January 1. New year noon at tinawagan ko s'ya at doon ko naman tinanong kung pwede bang manligaw. Luckily, pumayag s'ya.
February 14, Valentines day. Dinate ko s'ya at binigyan ng chocolates, teddy bear at love letter. Natuwa ako kase nagustuhan naman n'ya.
March 31. Gabi noon at tinanong ko kung pwede ko ba s'yang maging girlfriend. Sobrang lapit na talaga kame sa isa't isa.
April 1. Nagising ako at may reply s'ya sa chinat ko at ang sabi n'ya ay 'YES'.
Sobrang saya ko nang araw na 'yon. Feeling ko nakalutang ako sa ere not until I saw her next reply.
"That's her last reply for you pero hindi nagend kaya ni-resend ko ngayon dahil nakita ko. Sorry bro' pero nasagasaan s'ya kagabi ng truck and...
She's dead on the spot"
YOU ARE READING
100+ FLASHFICTIONS
RandomAng mga nilalaman nito ay pawang kaharutan lamang chareng! May Tragic, humor and romance pero maikli lang FLASHFICTION NGA DIBA?! Charr!
