CHAPTER ONE

7.8K 101 9
                                    

          NAGTATAKANG sinundan ni Channe si Nigella nang lumabas ito mula sa kitchen ng restaurant, kung saan nagaganap ang welcome dinner party ng mga newly elected officer ng lahat ng Organizations at Clubs ng Ji Hye International University. At siya ay naroon bilang Presidente ng Camera Club.

Ji Hye means wisdom in English. Ji Hye International University is listed on fourth spot, as one of the most prestigious universities in the country for the past ten years now. Known for its world class and high-tech facilities, nakilala rin ang unibersidad sa mataas na dekalidad na edukasyon. Bukod doon ay kilala rin displinado ang mga estudyante doon. Mahigpit na pinatutupad sa unibersidad ang rules and regulations nito. Lahat ng mga nagtatapos sa JHIU ay halos pag-agawan ng mga malalaking kompanya.

Matatagpuan ito sa Taguig, malapit sa C5 Highway. Sa malawak na commercial area na iyon, matatagpuan ang isa sa pinakamalaki, at grandyosong Unibersidad. Pagpasok mo pa lang ay bubungad na sa'yo ang malawak na parking lot at mataas na main building. Sa itaas ay makikita ang malaking sinage ng pangalan ng University na nakasulat sa English at Korean. Sa main building matatagpuan ang Faculty Rooms, private offices ng mga staff hanggang sa Presidente ng unibersidad. Doon din matatagpuan ang meeting rooms, at conference hall maging ang malawak na Library. Pagpasok sa loob ng mismong campus, bubungad ang malawak na school ground na madalas pagtambayan ng mga estudyante tuwing vacant period ng mga ito. May mga puno kasing nakatanim doon at natatakpan ng maliliit at berdeng damo ang lupa. May sariling gusali ang bawat courses, kung saan naroon din ang mga facilities na kakailanganin ng mga ito sa pag-aaral. Mayroon sariling indoor basketball court, indoor swimming pool with lockers and shower room. Ang lahat ng rooms ay fully-air-conditioned, habang ang canteen naman ay sobrang lawak, na pinamamahalaan ng mag-asawang Chef na si Vanni at Madi.

JHIU's main branch is located at Seoul, South Korea. JHIU is founded by a Korean business man named Park Yo Shin, twenty-five years ago. Nag-umpisa ang kagustuhan nitong magtayo ng isang unibersidad sa Pilipinas matapos ang isang business trip nito. Marami siyang mga kabataan na nakilalang gustong makapag-aral pero walang kakayahan ang mga magulang na tustusan ang pag-aaral ng mga ito. Pangalawa, ng mga panahon na iyon ay may mga Koreans ng pumupunta sa Pinas para makapag-aral ng mura. All in all, Mister Park wants a school who will reach out to the students, and bring out the best in them. Provide wisdom, and teach them to study well for their future.

Pagkatapos mapag-isipan mabuti, sa tulong ni Darrel James, na nakilala ni Mister Park dahil ang Travel Agency nito ang nag-ayos ng flight details sa mga business trips nito. Nakilala ni Mister Park ang mga kaibigan nito, na gaya ni Darrel, ay business men din, at ng mga panahon na iyon ay nagsisimula ng pamilya. Na-kumbinsi nila ang mga kaibigan ni Darrel na mag-invest para sa itatayong unibersidad. Sa tulong ng perang in-invest ng Tanangco Boys, kasama ang ilan pang mga Korean Investor. Naipatayo nila ang Philippines' Branch ng Ji Hye International University. Makalipas ang ilang taon, nang ipatupad ng gobyerno ang k to 12 sa edukasyon. Binuksan ng Ji Hye International University ang pinto nito para sa mga Junior at Senior High. Nang mamatay si Park Yo Shin, ang dalawang anak nitong lalaki ang namahala sa JHIU. Si Park Nam-Young, ang panganay ang namamahala sa main branch sa Seoul. Samantala, si Ivan Park naman sa branch dito sa Pilipinas. Tumatanggap din ng scholars ang unibersidad, kaya kahit iyong mga hindi masyadong nakakaangat sa buhay ay nagkakaroon ng malaking pag-asa na makatapos sa magandang eskuwelahan. Dahil doon ay nagkakaroon din ng pag-asa ang mga ito na gaganda ang buhay nila. Tanging Senior at Junior High students lang ang may uniporme doon, habang ang mga college students ay wala.

Nawala kay Nigella ang atensiyon ng maramdam na mag-vibrate ang cellphone. Pagtingin ni Channe ay isang private message galing sa isang kaibigan. Agad niyang tiningnan ang messenger.

"Bossing, panoorin mo itong dalawang video na 'to," sabi ni Polly.

Tinap niya ang link ng video na pinadala nito. Saglit siyang lumabas ng venue at doon pinanood ang video. It's a short clip of Nigella's recent drama, gustong batukan ni Channe si Polly. Ang dami-dami nitong puwedeng ipadala sa kanya, iyon pang kissing scene nito.

Love Confessions Society Series 2: Channe LombredasWhere stories live. Discover now