CHAPTER 1

73 2 2
                                    

ETHAN'S POV

Nakangiti ako habang nakasakay sa School bus. Finally, magsisimula na ulit ang school year at makakasama ko nanaman mga tarantado kong tropa.

Nakatayo ako ngayon dito sa school bus, gusto ko ngang magreklamo kasi ang mahal-mahal ng tuition nila tapos papatayuin lang nila ako. That's annoying.

Habang kasalukuyan kong binabash ang school namin, nagulat ako nang makakita ako ng pigura ng isang taong napaka-dark ng aura.

Kahit sinong tumingin sakaniya ay maw-weirduhan kasi kung titignan mo siya ay parang galing siya sa kuweba ng mga mangkukulam.

Magulo ang buhok.

Puro itim ang suot.

Dark aura's dominating on her.

She's kinda creepy, lalo na kung titignan mo siya nang malapitan. Parang isang lapit mo lang sakan'ya ay magiging isa kang palaka at mag-uumpisang maghanap ng true love's kiss.

Pero teka, sa school ko rin siya mag-aaral? hindi naman sa pagmamayabang pero hindi gano'n-gano'n lang ang bayad sa tuition namin.

Mayaman kaya siya?

O baka naman naligaw lang dit—

Napatigil ako sa pagiisip ng diretso siyang tumingi sa'kin at ngumiti.

Shiya, she gives me goosebumps.

'yong ngitian niya pa ay parang nang-aasar na ewan, nakakainis!

'Kalma Ethan, isa lang 'yang weirdo na nababaliw, 'wag mo nang pansin.' I said to myself.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagsalpak ng earphone sa tenga ko.

Billie Eilish song's always calm myself, tuwing makikinig aki ng mga kanta niya napapapikit nalang ako at dinadama ang kanta, jeez, I really love her.

Pero kahit nakikinig ako ng kanta ay nararamdaman ko na may nakatingin sa'kin, 'yong weirdo nanaman ba 'yon?

Tinignan ko 'yong p'westo niya pero sa bintana lang siya nakatingin at nakasuot din ng earphone.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na namin ang paaralan.

It's good to be back here. Namiss ko 'yong mga puno at damo. Kung hindi niyo na itatanong ay napaka-ganda ng school namin in terms of nature, halos napapalibutan ito ng mga puno at meron ding field na puro damo.

Malapit na rin ang first subject sa schedule ko kaya dumiretso na ako sa assigned room ko. Habang papunta sa room ay nakita ko si weirdo, alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko, it looks like she's talking to bird, damn, napaka-weirdo talaga niya. It creeps me out.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na classroom.

Ilang minuto lang, dumating na 'yong teacher namin at mukang masungit.

"Stop talking or else..." tapos ay kinalabog niya 'yong Eraser sa desk.

Halos lahat napatahimik. Amazing, gandang bungad para sa first day ko.

"Since it's our first day of class, let us introduce ourselves-" Napatigil si ma'am sa pagsasalita nang biglang bumukas 'yong pinto.

Hindi lang basta-basta bumukas, para itong sinipa ng kabayo sa lakas at ang nakakagulat pa iniluwa ng pinto si Weirdo...

Oo, si weirdo!

Parang wala lang sakan'ya 'yong pagbukas ng pinto, wala paring makikitang pagbabago sa muka niya.

LOVE WAITSWhere stories live. Discover now