Chapter 35: Ocean Eyes

2.8K 160 76
                                    

I've been watching you
For some time
Can't stop staring
At those oceans eyes

{ Ocean Eyes | Billie Eilish }

I woke up with a headache. Umungos ako't minasahe ang sentido, pilit na inaalala kung bakit ganoon na lamang ang sakit ng aking ulo.

I remember going to a club last night for Volt's birthday. Did I drink too much? My head aches so bad!

Naalala kong nag-paalam ako at sumaway sa dance floor. I was having fun when suddenly, memories of that man clouded my mind and well, I cried because of him again. There's nothing new about that. Dati'y araw araw ko siyang iniiyakan.

Then I remember seeing England at the dance floor, my eyes were heavy because of all the crying. He saw me, wiped my tears and... and...

Shit! I remember kissing him. His soft lips thoroughly brushing mine. I initiated the kiss. We kissed!

Napabalikwas ako sa hinihigaan dahil sa naalala. Hinalamos ko ang palad sa aking mukha. How stupid can you be, Cash?!

You let yourself kiss a co-worker and what? What happened after that?! Wala na akong maalala. Did I pass out? Everything is a blur!

Bakit ko ba kinakalimutan na may tendency akong manghalik kapag lasing? Madalas na biktima noon si London. And now, I have a new victim!

I groaned out of embarassment. Nang mahimasmasan ay mabagal kong pinagmasdan ang kwarto. I sighed in relief when immediately, I realized I'm a familiar room.

The pink curtains were shut close. Ang mga libro ko'y nakasalansan ng maayos sa aking bookshelves, katabi noon ay ang study table ko. Sa isang cabinet naman ay mga pamilyar na stuffed toys na hindi ko na nabitawan dahil sa sentimental value. A huge calendar hangs on the wall. Outdated na iyon at hindi na napalitan dahil sa tagal na hindi umuwi dito sa bahay namin.

Oh, wait! Sa bahay namin...nila Mommy? Why am I here?

Mabilis ay lumabas ako ng kwarto para suriin ang paligid at kumpirmahin na naiuwi nga ako ng ligtas sa amin. Wala sa aking condo kundi sa bahay talaga ng aking mga magulang. Did England bring me home? Paano niyang nalaman na tiga-rito ako? And goodness, this is an hour and a half ride from where we came from! Nakauwi ba ito ng ligtas?

Gosh. I've been such a pain! I need to apologize at least.

"Mabuti naman at gising ka na," boses ni Daddy ang bumungad sa akin nang makarating ako sa kusina. He is in his usual white shirt and black shorts, may hawak na kape habang ang mata'y nakatitig sa kanyang laptop imbes na sa akin.

Si Mommy naman ay abala na mag-luto ng umagahan. Naka-pusod ang buhok at bahagya pang humikab bago ako nilingon. "How are you feeling, Cash? May mainit na tubig pa riyan, uminom ka muna."

I sighed. "Good morning, Mom, Dad..."

Gaya ng inutos ng Mommy ay kumuha akong mainit na tubig at sumimsim doon. Kita kong wala sa timpla si Daddy ngayong umaga habang ang Mommy nama'y malumanay.

"You haven't visited this house in ages, Cash," matabang na sabi ni Dad. "And last night, we got a call from your secretary? Ihahatid ka daw dito ng katrabaho dahil sumobra ang inom?!"

"Loki, hindi na bata ang anak natin," pigil ni Mommy. "Let's just be thankful that she's all safe."

Alam kong may tampo sa akin ang aking mga magulang. Madalas nama'y nakikita ko sila kapag may meeting sa trabaho. Nga lang, trabaho iyon. Hindi na nila ako madalas makasama kagaya noon, maka-bonding manlang. Hindi ako kailanman na nakauwi rito dahil diretso ako sa aking condo pagkatapos ng trabaho. Bukod sa malayo rin kasi'y mas pinipili ko ding mapag-isa nalang.

I Saw YouWhere stories live. Discover now