Chapter 5

2.1K 84 5
                                    

"WHAT? Kumuha ka ng unit dito para lang mabantayan ako hanggang dito?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Jiro kay Ashlee.

"Am I brilliant or what? Kasi naisip ko, balewala ang mga pagsunud-sunod ko sa 'yo kung sa sarili mong lungga ay wala akong access. Paano kung may dinadala ka palang babae dito sa pad mo? Paano kung gabi-gabi pala ay may pumupunta rito para bigyan ka ng aliw? Hindi ka makakaligtas sa akin. Ipinangako ko kay Miya na babantayan kita at ayokong masira sa trabaho ko sa 'yo. Gusto ko, palagi kitang nakikita. Bantay-sarado ka sa akin twenty-four-seven. Kaya dito na ako sa building mo titira para wala kang ligtas sa akin."

For a moment, ang akala ni Ashlee ay nahipan ito ng hangin at tila naestatwa. Napatigalgal talaga ito sa sinabi niya.

"So, every night, I'll be paying you a visit to check on you. Mas maganda kung dito na rin ako magdi-dinner since wala pa akong gas stove at hindi rin naman ako marunong magluto. I'll keep you company until you fall asleep."

"Are you kidding?" nandidilat na sikmat nito.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Napapantastikuhan ito. "No way! 'Wag mong sabihing sinabi rin iyan ni Miya para gawin mo," naninigas ang mga pangang wika nito.

"Hindi. Sariling diskarte ko ito. Pero alam kong magugustuhan niya ito."

"You're crazy. Hindi ka pa nagkasya sa pagsunud-sunod sa akin na parang isang stalker at gusto mong pati sa sarili kong bahay ay bantayan mo ako? You are disrespecting my privacy."

"Well, sorry, I'm just doing my job," cool na cool na sabi niya. Kumuha siya ng isang saging at kinagatan iyon matapos balatan.

Umiling-iling ito habang naninigas pa rin ang mga panga. "No way! Hindi ko mapapayagan ang gusto mong mangyari. Naiintindihan mo ba? Hinding-hindi ka na uli makakapasok dito."

"Aha! Siguro kaya ayaw mo akong pabisitahin dito ay dahil talagang may babae kang dinadala rito, ano? Tama ako. Pinagtataksilan mo nga si Miya."

"Wala! Wala akong babaeng dinadala rito. Walang basehan ang sinasabi mo."

"Kung talagang wala, bakit ayaw mo akong papuntahin dito para mabantayan ka nang maigi?"

"Because it's freaking weird! You are overdoing your job. I am entitled to my privacy"

"No, it's not. This is just my way of doing my job on you. Ganito kasi talaga ako magtrabaho. Pulido. And it's not as if habambuhay kong gagawin ito, no? Habang wala lang si Miya. At saka, don't you want to know me better as your girlfriend's best friend? Malay mo, maging close din tayo," pang-aasar niya.

"I don't want to be friends with you. You freak me out."

"Why, you can't handle me?" Umakto siyang tila gustong tumawa.

"I surely can. I just don't want to be with you. Tandang-tanda ko pa ang mga ginawa mo sa akin noon. You are crazy."

"So, takot ka sa akin."

"Hindi ako natatakot sa 'yo. Ikaw nga ang bigla na lang nag-drop out sa school noon para iwasan ang ganti ko."

"Hindi ako nag-drop out para iwasan ang mga banat mo. Nag-drop out ako dahil i-t-in-ransfer ako ng dad ko sa ibang university against my will."

"Whatever. Hindi ako pumapayag na pati sa bahay ko ay bantayan mo ako. Tapos. Now, get out of my house."

Tumayo siya at umikot sa likod nito. Umakto siyang nag-iisip. "Ano kaya kung tawagan ko si Miya ngayon at sabihing kong may babae kang iniuuwi sa condo mo? Ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon niya?"

ASHLEE, The Rock Diva (St. Catherine University Series #6) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon