The Teddy Bear (one shot)

3.2K 115 32
                                    

A/N. Hindi po ako fan ng one direction. Lalong hindi nila ito fan fic. Sa isang watty friend ko kasi ito nakadedicate. Siya yung fan. 

*****

February 1. Ang pinaka-ayoko sa lahat ng araw na meron sa isang kalendaryo. Kung pwede lang na pagkatapos ng January 31 ay February 2 na mas sasaya pa ako.

Bakit nga ba galit ako sa Feb 1? Simple lang. Dahil eto yung araw na huli niya kong kinausap. Anim na taon na nga lang ang nakalilipas. Anak ng peste yung lalaking yon! Kapag nagkita ulit kami! Sisiguraduhin kong mawawalan siya ng kakayahang magparami!

Anyways, malamang nagtatanong na kayo. At naririnig ko na ang mga banat niyo na, "Ang labo!" o kaya naman, "Ano ba sinasabi nito?!". Teka lang! Kalma! Kaya nga bibigyan ko kayo ng isang mabilisang flashback.

11 years old ako noon. Dahil uso...may childhood friend din ako na mangiiwan sakin. Pero back to  the topic, may ka-"bestfriends with benefits" ako.

Teka! Baka kung anong iniisip niyo. Iba naman yung benefit na sinasabi ko. At itong childhood friend ko na itatago ko na lang sa pangalang Harry Styles. Hehehehehehe. Totoo niyan di naman ako masyadong fan ng One direction. Ang kulot na buhok lang talaga ni Harry ang habol ko doon.

Pero pakiramdam ko mabababoy ko ang pangalan ng pinakamamahal kong si Harry. Kaya ititigil ko na ang kaartehan ko na itago ang pangalan niya. Ang labo ko lang. 

*****

4 years ago.

Nasa bahay ako. Sa kwarto ko. Umiiyak. Bakit? Kasi aalis siya. Alam niyo yung pinakamasakit na parte ng pagmamahal? Yun yung hanggang special lang ang tingin niya sa'yo. At kahit kailan...hindi ka niya masasabihan nang "I love you" .

Nakarinig ako ng ingay mula sa bintana ng kwarto ko.

Ayos to si Alvin pala. Bihis na bihis pang nagpakita sakin. Pinamumukha pa sa aking aalis siya. Pag ako naasar ipapasok ko to sa washing machine sabay tatawa ko habang pinapanuod ko siyang umikot.

"Aalis ka?"  tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.

"Kailangan eh. Jill...sorry."  sagot niya ng nakayuko.

"Jill ka diyan! Jolleta nga ako!"  sabi ko dahil ayaw ko sa second name kong Jillian.

"Bakit ba ayaw mo sa Jillian? Cute naman ah."  sabi niya at ngumiti pa sa akin.

"Ewan. Iniiba mo usapan."  sagot ko. Akala ko makakasama ko siya palagi. Tapos ganito! Ang daya naman eh! Bestfriend kami eh.

"Wag ka nang magalala. Hindi mo naman makakalimutan ang gwapo kong mukha eh." sabi niya bigla.

"Baliw! Tampalin kita diyan eh!" 

"Mamimiss ko yung pagiging brutal mo." sabi niya at tumingin sakin ng diretso sa mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Teddy Bear (one shot)Where stories live. Discover now