Para sa isang kaibigan

114 2 0
                                    

"Kyaaaah! Si crush oh!" sabi ko kay Den-Den na kaibigan ko.

" Grabe ha. Akala mo nakakita ng artista e " reklamo ni Den-Den.

Kumakain kami ngayon sa classroom ng makita namin si Kevin a.k.a si Crush sa pintuan.

"May kailangan ka ba?" Tanong ng class president sa classroom Kay Kevin.

"Dito po ba classroom ni Alice?"

"Ah, oo. Dito."sabi ng class president sabay ng pagturo ng daliri niya sa kung nasan ako. Ako? Me? Talaga? Bakit? Kyaaaa. Si Kevin hinahanap ako?!

Tumayo naman ako at pumunta kung nasan si Kevin. Whoo, kinakabahan ako. Hahahaha.

Nang ako'y nakalapit sa kanya nginitian niya muna ako bago magsalita.

"May sasabihin ako, pwede ba doon tayo sa tapat ng garden?"

Agad agad akong tumango. Syempre noh, kahit saan okay lang basta kasama si Crush. Ahihihi.

Sinundan ko naman siya at ng makarating kami bigla siyang lumapit at nahihiyang bumulong sa akin.

Ngumiti ako at tumango. Sobrang saya niya, ngumiti ako at nakisaya na rin.

Ilang araw na ang lumipas simula nun, lagi na kami magkasama, lagi kaming naguusap. Hayy.

"Hmm. Feeling ko bagay ang isang cute at romantic na decoration diba? " tumango naman siya at ngumiti naman ako.

Busy kaming mag prepare, habang nagiisip ako ng mga decorations, binigyan niya ako ng isang cup of coffee. Kung pwede lang wag ko na inomin e. Hahaha.

Nakita kong mukhang malungkot si Den-Den habang tinitigan kaming naguusap ni Crush. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya pero nginitian lang niya ako.

Simula nun, hindi na kami masyadong nag uusap ni Den-Den dahil sobrang busy namin. Busy siyang mag organize para sa Booth Day namin.

Nagpahinga muna ako at bumili ng maiinom ng makita ko si Den-Den, ngumiti ako at nginitian niya rin ako pabalik. May bigla nalang yumakap sa akin.

"Okay ka lang ba?" Sabi ni Crush na nakayakap sa akin.

Tumingin ako kay Den-Den, nakita ko ang mukha niya. Para siyang umiiyak, ngumiti lang siya sa akin at saka umalis.

--

Ilang araw na ang lumipas at booth day na namin.

Lahat kami ay busy para sa booth. Maraming iba't ibang booth, may nga iba't ibang kalseng pagkain rin.

Sa gitna ng booth day, nagsimula ang isang kanta. Maraming balloons, maraming tao.

Lahat parang nag so slow motion. Maraming magagandang bulaklak, at nakita ko siya. Si Kevin, si Crush.

Palapit na siya, palapit na.













Palapit na Kay Den-Den.



Kitang kita ang pagkagulat niya, halos gusto na niyang umiyak. Marami ang naghihiyawan. Sa mga sandlaing iyon, pumunta na ako sa classroom.

Doon ko naisip ang araw kung kailan binulong ni Kevin nung nasa garden kami.

"Pwede mo ba tulungan ako para isopresa si Den-Den, we've been bestfriends for about 16 years already and I think I've fallen for her. "

Alam ko, alam ko na, matagal pa.

Alam kong mahal nila ang isa't is a pero ayaw ni Den-Den na masaktan ako kaya itinago niya lang. Ganun siya kabait, kaya naman ako namin ang mag sakripisyo.

Uupo na sana ako sa upuan ko ngay biglang yumakap sa akin.

"Sorry, sorry. Thank y-oo-u rin. " sabi ni Den-Den habang umiiyak na nakayakap sa akin.

Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng mataray na tingin.

"Hayy nako, Den-Den wag ka nga mag sorry. Parang wala tayong pinagsamahan e "

Bakas sa kanyang mukha ang pagiging guilty.

Ngumiti ako at tumuloy sa sasabihin ko.

" Wag ka ngang umiyak, don't make me regret doing this. Dahil sumuko ako para sayo, kaya dapat wag na ng ma guilty diyan at sumaya ka naman oh "

Niyakap ko siya at tumalikod papunta sa akong upuan pero bigla nalang niya ako niyakap.

Ngumiti nalang ako at pinaalis sila.

"Hayy nako, sayang yung oras oh, alis na kayo, bye bye na. "

Agad agad kong sinarado ang pintuan. Habang ako, nakahawak parin sa doorknob. Yumuko ako at nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Agad ko namang pinunasan iyo at ngumiti.

Alice, no. Don't cry. Ginawa mo to para sa kanilang dalawa dahil mahal mo silang pareho. Ginawa mo to para sa iyong kaibigan. Don't cry, smile. You did it with no regrets right?

Para Sa Isang KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon